Cesar Montano still working on problem between his sister and wife Sunshine Cruz

IMAGE 0


"Sa ngayon, hindi ko puwedeng ikuwento ang mga nangyayari.It's between me and the family na lang. Naniniwala ako na ang problema ngpamilya ay di dapat nalalaman pa ng ibang tao, lalo na sa showbiz. Kami-kamina lang mag-aayos nito. Pero so far, mukhang magiging maayos na. Pinagdarasalko na maayos na nang tuluyan," says Cesar Montano.



Nagkaroon ng advance birthday celebration ang award-winningactor-director-film producer na si Cesar Montano kahapon, July 30, at naganapito sa kanyang Italian restaurant na Bellissimo sa Tomas Morato, Quezon City.

Bagamat sa August 1 pa ang birthday ni Cesar, ginawa nangang two-in-one celebration dahil sinabay na niya ang pagpirma ng kontrata sabago niyang ini-endorse na produkto sa maagang birthday celebration.

Cesar is the celebrity endorser of PG Flex: P.V.C. SheetingProducts. Main product nga ng PG Flex ay ang mga linoleum sheets and tiles namay iba't ibang designs especially made for homes, offices and restaurants.Isang bagay kung bakit pumayag si Cesar na maging endorser nito ay dahil salocally-made ang mga materials na gamit ng PG Flex.

"Very affordable siya as compared to imported linoleumsheets and tiles. Kahit na locally made ang mga materials, kaya nitong sumabaysa tibay ng mgaimported ones. Tayo naman kasi, mas sinusuportahan natin ang gawa ng Pinoy. Masmakakatulong tayo sa ating mga kapwa Pinoy kung tatangkilin natin ang gawangatin."

Dumating ngang mag-isa lang si Buboy [Cesar's nickname] sakanyang two-in-one party. Marami ang umasa na makakasama niya ang kanyang misisna si Sunshine Cruz. Pero bago pa man mag-speculate ang marami, sinabi na nitoang dahilan kung bakit di niya kasama si Sunshine sa importanteng gabing iyon.

"Sasama dapat talaga si Shine, kaso may sakit pa yung isang anak namin, si Sam-sam. Noong isang gabi pa kasimay sakit iyon dahil nga sa weather natin at ayoko namang iwan siya ni Shine.

"Kapag may sakit kasi ang isa sa mga bata, natataranta ‘yangmisis ko. Hindi mapakali kaya sinabi ko na huwag na lang siyang sumama atalagaan na lang niya ang bata.

"Gusto niya talagang dumating pero mahirap na ngang iwanniya ang mga bata lalo na kung may sakit yung isa. Pero noong nag-taping akofor my birthday celebration sa The Singing Bee, nandoon siya at angtatlong anak namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OK WITH SHINE. So ibig sabihin na maayos na ang lahatsa kanila ni Sunshine?

"Oo naman. Matagal na naming naayos ang lahat. Ang problemanaman naming mag-asawa ay hindi namin pinapabayaan ‘yang lumaki at mauwi sakung saan-saan.

"Kung inakala nila na wala akong ginagawa, mali naman silaroon. Hinaharap namin ni Shine ang problema ng pamilya namin. Tatlo ang anaknamin at pababayaan ko na lang ba na wala sila? Hindi naman ako papayag.

"Mahal ko ang asawa ko. Mahal ko ang mga anak ko. I will doeverything and anything para lang maayos kami at matapos ang anumang problemana gumugulo sa amin."

Nabanggit din ni Buboy na inaayos na niya ang problema sapagitan ng kanyang misis at ng kanyang kapatid na si Mercedes na naka-base saItaly. Kung matatandaan ay nagkaroon ng malaking di pagkakaunawaan si Sunshineat ang kapatid ni Buboy na nauwi pa sa demandahan.

"I am trying my best na maayos ang sitwasyon nila. Ayokorin naman na magtagal ‘yan. Kung kayang ayusin, ayusin na natin para happylahat.

"Sa ngayon, hindi ko puwedeng ikuwento ang mga nangyayari.It's between me and the family na lang. Naniniwala ako na ang problema ngpamilya ay ‘di dapat nalalaman pa ng ibang tao, lalo na sa showbiz. Kami-kamina lang mag-aayos nito. Pero so far, mukhang magiging maayos na. Pinagdarasalko na maayos na nang tuluyan."

THE SINGING BEE. Sa kabilang banda ay maganda ang tinatakbo ng career ni Buboy bilang host ng The Singing Bee.Nagpapasalamat nga si Buboy sa ABS-CBN 2 na siya ang kinuhang host at talaganaman daw nag-e-enjoy siya sa singing contest na ito sa primetime block ng Dos.

"Masaya ako because consistently maganda ang ratings namin.Sa nationwide ratings ay number one kami parati at sino naman ang hindimatutuwa, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I must admit na noong una ay natakot din ako na mag-hostkasi hindi naman ‘yan ang forte ko. Sa acting lang ako talaga nakalinya. Peronagtiwala ang Dos sa akin and maganda ang naging resulta.

"Sa birthday week ko maraming mangyayaring sorpresa. Plusmas malalaki ang prizes na ipamimigay namin, kaya abangan nila parati ang TheSinging Bee."

In two weeks nga raw ay muling lilipad si Buboy patungongHollywood para maplantsa na ang mga gagawin niyang projects doon.

"Mukhang positive na ang lahat and I'm praying na matuloy nanga itong dream ko. Matagal na rin ito and unti-unti na ngang nagkakatotoo,"ngiti pa niya.

"I'm flying over there para sa ilang mga meeting pa andhopefully magkasarahan na kami. Ayoko pa munang magkuwento regarding saprojects kasi confidential lahat. Ayokong maudlot. Siguro ikuwento ko na langkapag nagkapirmahan na kami. Sa ngayon kasi 50-50 pa ang lahat. Puwedengmatuloy, puwedeng hindi. So tulungan n'yo akong magdasal para diyan."

DOING MOVIES AGAIN. Gusto na nga rin balikan ni Buboyang paggawa ng pelikula sa ilalim ng kanyang CM Films. Binalita nga niya nanakipag-merge siya with another producer, Dondon Monteverde, para sa isangmalaking action movie.

"'Yan ang project na pinagkakaabalahan din namin na magawa.Baka next year pa namin ‘yan masimulan," diin ni Buboy.

"Matagal na kasing walang action movies, di ba? So, mayproject kami na gagawin na talagang magugustuhan ng mga naka-miss na sa mgaaction movies.

"Ako naman, na-miss ko rin yung mga ginagawa ko sa moviesnoon. Sayang naman kung hindi natin pagbigyan ang mga matagal nang humihilingna magkaroon tayo ng action movie. Basta abangan nila ang project na ‘yan nextyear."

Nalalapit na nga ang 2010 at natanong nga kay Buboy kung maybalak ba siyang sumabak ulit sa politics?

"Wala sa plano ko," mabilis na sagot niya. "May mganag-offer ulit sa akin pero I turned it down. Sabi ko mas mag-concentrate munaako sa career ko ngayon. Sunud-sunod ang mga magagandang projects kaya nopolitics for me in the near future. Masaya na ako sa nangyayari sa akinngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RICHARD GOMEZ. Dahil nga sa pagpasok ni Buboy sapolitics kaya nagkaroon sila ng samaan ng loob ni Richard Gomez. Nagkaayos naba sila?

"Nagkita kami sa isang event dati. Pero wala namang exchangeof anything. Hindi sa umiiwas ako na pag-usapan siya pero wala pa talaga. Hindipa kami nag-uusap. Yun lang," diretsong sagot niya.

Ano na lang ang birthday wish niya para sa sarili niya?

"Hindi lang naman for me but a wish for my family na magingmas matibay kami, mas healthy at mas masaya kami parati. I wish for thecontinuous blessings na dumarating sa amin parati. At siyempre, a wish para sabuong bansa natin na magkaisa na lahat para mabawasan ang ating mgapang-araw-araw na problema. Let's all be happy!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN