Jericho Rosales: "Hindi pa ako handa for another serious relationship."

Aug 1, 2008
"Nag-move on na ako. But I must admit, minsan, naiisip ko siya [Heart]. Hindi naman ganoon kadali rin yun, pero wala akong magagawa but to gather myself and start a new life, na matagal-tagal ko na ring nagawa," says Jericho Rosales about his breakup with Heart Evangelista.

Kitang-kita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kinikilig at halos maglupasay sa hysteria na si Carmen Soo habang nagpe-perform si Jericho Rosales noong Martes ng gabi, July 29, sa Spicy Fingers sa Greenbelt 2.

Naka-set si Jericho nang gabing yun at naimbitahan ang PEP ni Jemuel Salterio, publicist ng Manila Genesis Entertainment na siyang namamahala sa career ng young actor-singer. Base reaksiyon ni Carmen, mukhang totoo ang lumalabas na balita na "crazy for Jericho" ang Malaysian model-actress, na katambal ng batang aktor sa Malaysian-Filipino teleserye na ipalalabas sa October pa sa ABS-CBN.

"It's not true na lagi kaming magkasama," paglilinaw ni Echo nang makausap siya ng PEP. "Nagkataon lang na gumigimik si Carmen with some friends, at napasyal sila sa venue ng show ko. Otherwise, baka nagpapahinga na lang siya."

Marami tuloy ang nagko-conclude na baka totoo ang lumalabas na balitang si Carmen ang third party involved sa paghihiwalay ni Echo at ng dating girlfriend na si Heart Evangelista.

Continue reading below ↓

"There's no third party, basta we just have to move on," nangingiting sabi ng young actor. "Lahat na yata ng interviews sa akin, hindi na nawawala ang mga tanong about Heart. It has been months na rin, pero talaga yatang gano'n."

Nasabi namin kay Echo na it's just normal kasi kahit kay Heart, siya ang laging natatanong ng press. Nagkibit-balikat lang ang aktor, na unti-unti na rin yatang natatanggap bilang singer.

"About Carmen, unfair yung mga lumalabas. You know, she's new here. Nakatrabaho ko siya at maganda ang ipinakisama niya sa akin, when I was in Malaysia, noong nagtatrabaho kami roon. Kaya dapat lang siguro that I show naman gestures kapalit ng magandang trato nila sa akin, when I was in their country.

"It's not true na bubuntot-buntot siya sa akin, that she's crazy for me. Natutuwa lang siya sa akin, the same way na natutuwa ako sa kanya," paliwanag ng actor-singer.

Continue reading below ↓

MANONG GILBERT. Nakatakdang magbalik sa Malaysia si Echo para sa ilan pang bagay na may kinalaman sa Malaysian-Filipino project na binubusisi, na kinamatayan na nga ng una nilang direktor dito na si Gilbert Perez.

Ano ang reaction ni Echo sa mga nasusulat na parang paninisi sa kanya dahil naging cause of pressures daw siya ni Manong Gilbert?

"Hindi ko pinapansin 'yan dahil hindi totoo," direktang sabi ni Echo. "Hindi ko pinapansin kasi yung mga nagsasabi niyan, wala naman sila roon sa set habang nagtatrabaho kami.

"Ang mahalaga sa akin, yung kaming malalapit at nakatrabaho niya, nagkaisa kami para tulungan siya noong panahon na kailangan talaga ng suporta dahil sa pagkakaospital niya. Sana huwag na lang lagyan ng intriga."

Bago sa Malaysia, tutungo sa Singapore si Echo, then, sa Canada for some commitments habang hinihintay ang pag-ere ng teleserye nila ni Carmen.

MOVING ON. Bali-balita na nakikipag-date na diumano si Heart, but not Echo, who is concentrating more on his career right now.

Continue reading below ↓

"Naririto ang focus ko," diin niya. "Nag-move on na ako. But I must admit, minsan, naiisip ko siya [Heart]. Hindi naman ganoon kadali rin yun, pero wala akong magagawa but to gather myself and start a new life, na matagal-tagal ko na ring nagawa.

"Hindi pa ako handa for another serious relationship, kaya wala rin akong panahon para makipag-date. I can't afford to mess around. First things first."

Ang sinasabing naging therapy ni Echo ay yun ngang mas pinalakas na spirituality niya, yung faith sa Diyos, na mahimalang mas matitinding blessings ang kapalit ng nawala sa kanya.

"Nakapag-usap na kami ni Heart noon pa man, kaya tapos na yun. I just don't want to talk about it and elaborate. Hindi na lang dapat sabihin pa sa buong mundo ang tungkol doon," sabi ng aktor.

COMEBACK MOVIE. Para sa fans ni Jericho na nami-miss siya sa pelikula, they don't have to worry dahil kinu-consider ng management group niya ang Baler, isang project ng Viva Films para sa 2008 Metro Manila Film Festival, kung saan magtatambal sila ni Anne Curtis.

Continue reading below ↓

"It's a new combination, in a new kind of a movie. May pagka-historical, but it's more of the love story that happened in such a backdrop. Sana nga maumpisahan na namin agad ang shooting," pagwawakas ni Echo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nag-move on na ako. But I must admit, minsan, naiisip ko siya [Heart]. Hindi naman ganoon kadali rin yun, pero wala akong magagawa but to gather myself and start a new life, na matagal-tagal ko na ring nagawa," says Jericho Rosales about his breakup with Heart Evangelista.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results