Ruffa Gutierrez squeals on the real score between brother Richard and KC Concepcion

IMAGE 0


"Ate Shawie [Sharon Cuneta, KC's mom]really trusts Richard, so ayoko naman na he will break that trust because si KCis not just an ordinary girl. You do that to ordinary girls, but not to KC," says Ruffa Gutierrez about the rumored romance between her brother Richard and KC Concepcion.



Handang-handa na si Ruffa Gutierrez sa kanyang bagong rolebilang kontrabida sa buhay ng bidang si Betty sa I Love Betty La Fea, angbagong teleserye sa ABS-CBN na pinagbibidahan ni Bea Alonzo. Kuntodo outfittalaga si Ruffa sa kanyang role bilang si Daniella sa I Love Betty La Fea.

"Me in real life, I'm bubbly. I'm full of life and masasabiko si Daniella naman very ambisyosa. She wants to stay on top. So, hindiako ganun sa totoong buhay. Kumbaga, what you se is what you get," lahad niRuffa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa solo presscon na ibinigay ngABS-CBN para sa kanya last Wednesday, July 30.

BENCH FASHION SHOW CONTROVERSY. Nagsalita rin si Ruffa tungkol sa kontrobersiya nakinasasangkutan ng younger brother niya na si Richard Gutierrez kaugnay ng Benchdenim and underwear fashion na Blackout last July 25. Inireklamo kasi ng kanilang ina na si AnnabelleRama ang diumano'y "unfair" exposure ni Richard sa naturang fashion show ngBench.

"Wala akong reaksiyon kasi wala naman ako doon nung time na‘yon, and kung may dapat mag-react ay yun yung mga managers. And I thinknag-react na yung ibang mga managers. Hindi naman ako manager. ‘Tsaka I'm withKisses & Co. and I'm alone there. Buti na lang, di ba?" tawa niya.

"I really don't know what happened," patuloy ni Ruffa. "Ithink kung may problema man, lahat ‘yan maaayos din naman. Maliit lang angindustriya at lahat naman nadadaan sa magandang pag-uusap.

"Like I said, my momis sometimes like to be a cannon ball. She'll react and then the next day, ‘Oh,really? Sinabi ko ba ‘yon?' ‘Ma, you said that.' ‘Oh, I'm just tellingthe truth.' ‘But sometimes you have to lie. You can't tell the truth allthe time because sometimes maybe people will get hurt, di ba?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So being the emotional mom as she is, sometimes peopleportray her as the kontrabida but she's like that. With Richard naman, he hastwo managers— Douglas Quijano and my mom. And it was Tito Dougs that was incharge of Bench. So maybe you should ask Tito Dougs."

Sa tingin ba niya may naging pagkukulang ang Bench sanangyari?

"Wala po akong alam kaya I really don't know. Basta for me,ang masasabi ko with Richard, he's the most cool person I know. He justworks hard. He gives his best and you know, I support him all the way. At siChard naman, walang kaaway. If you're saying na he's fighting with otherpeople, hindi ganun.

"Lahat kami dito sa industriya magkakaibigan. As a matterof fact, a lot of stars in that fashion show have also helped ourcharitable organizations, our foundations, so lahat po talaga kami magkakaibigan.

"Ngayon, kung minsan ang mga managers nagkakaroon ng mga pag-uusap, butthat's normal. Kasi ‘yan naman talaga trabaho ng manager, na protektahan angtalent nila at protektahan ang nararapat na sa tingin nila ay dapat sa talentnila. But with us naman, we are all friends, so okay lang," pahayag ni Ruffa.

Wala bang isyu kay Richard doon sa nangyari sa Bench fashion show?

"Richard is so young. Richard is 24 years old," sabi niRuffa. "He has his whole life ahead of him. He's so blessed and lahat ng showniya nagre-rate. Marami siyang pelikula and I'm sure very thankful si Richardsa lahat ng mga fans niya na sumusuporta sa kanya. And with a movie ofcourse, with KC [Concepcion].

"So, para sa akin, hindi mo masasabi ang isang event para masabingsukatan kung dapat bang hangaan ang isang tao or hindi, hindi po ganun.Napakaraming highlights na sa murang edad ni Richard, hindi lang sa isang showmame-measure lahat yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ba niya naapi ang kapatid niya?

"Ma [malay], hindi ko nga alam," giit niya. "Bakit kaapi-apiba si Richard? Si Richard hindi puwedeng maapi kasi matapang siya. Marunongsiyang mag-martial arts, so never siyang magiging api."

Pero bakit yun ang naging pakiramdam ng kanilang inaafter the show?

"Siyempre, my mom is a mom and she's a manager. So heropinion is different from what we, stars, feel. Siyempre, ganyan. Si Tita Lolit[Solis] nga emotional din, di ba? Kaya nga she really fights for heralaga. She's very passionate on what she does. It's the same with my mom.

"And you know, a lot of people love her for that. Kami namanbilang mga anak niya, we just make sure that we give her vitamins and mineralsto calm her down. We love her. I mean, a lot of people want to be in ourshoes kasi meron silang nanay na pinuprotektahan sila," saad ni Ruffa.

Kumusta na si Richard?

"Okey naman siya. He's busy working. Hindi naman na-affectsi Richard. Ako nga na babae hindi naa-affect, siya pa? You know for him,everything is just cool and we have managers and sila ang na-affect,di ba? Pero kami hindi."

RICHARD-KC RELATIONSHIP. Naniniwala ba si Ruffa na mag-on na si Richard at si KCConcepcion?

"Alam mo ang kapatid ko na ‘yan, since they left for Greece...silang dalawa niKC, feeling ko may usapan sila, e. Na huwag nang magkuwento sa akinbecause I remember before, si KC talagang close na close kami. Parangkaibigan ko siya, parang kapatid ko siya.

"But ever since they left for Greece, ni ha, ni ho walang comment. Sabi ko,‘Are you guys getting along? Kumusta na si Chard?' Ay, ang bait-bait ni RitchiePaul [their younger brother]. Laging si Ritchie Paul ang sumasagot sa akin.Sabi ko, hindi si Ritchie Paul ang tinatanong ko, hindi yung chaperone. SiChard ang tinatanong ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Feeling ba niya na-betray na siya ni KC as a friend?

"Oo, parang feeling ko binetray ako for Chard!" natatawa niyang sagot. "Kayahindi ko na alam ang nangyayari sa kanila. But be sure ‘pag nakakita ako ngpicture nilang dalawa na sweet na sweet, kinikilig din ako."

Kilala ni Ruffa nang husto sina Richard at KC at madali niyang masasabi kung meronnang relasyon ang dalawa. Ano sa palagay ni Ruffa ang totoong estado ng relasyon nina Richard at KC?


"Alam mo si Richard, napakamalihim na bata ‘yan, e. Hindi siya talaganagko-confide about his personal life. So, I always try to ask the peoplearound him na talagang ang pipi rin. Ayaw talagang magsalita.

"So based sa nakikita ko at alam ko, I think they wereable to really bond in Greece. Dahil siyempre ang katabi ko lang doon ay tubig,ang hangin, ang very romantic ng atmosphere. You have two beautiful peopletogether. So, I think na talagang nakapag-bond sila."

Nakikita ba niya na sobrang in love na si Richard kay KC?

"E, kasi kapag si KC ang topic, nag-i-sparkle ang mgamata niya, e. They didn't have to say anything. Nakikita na lang ‘yan. I thinkaction speaks louder than words. Ang maa-advice ko lang sa kanila, dapat careerdin muna, di ba?"

Base sa teaser ng first movie nina KC at Richard na For TheFirst Time, parang bigay na bigay na silang dalawa sa isa't isa. Ano ang masasabi ni Ruffa rito?

"They are always making subuan, di ba?" natatawang sabi niRuffa. "Ako nga wala ngang sinusubo sa akin, e, my gosh! Kasisiguro nahihiya sila or ano'ng usapan nila. Basta kahit na anong text ka kayChard, hindi siya sumasagot; pati si KC. I don't know kung tinapon na nila yungmga phones nila sa dagat!" biro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero baka sa trailer lang ‘yon. Hindi ko naman alam satotoong buhay kung bumigay na nga sila. Pero sa tinign ko naman, may control siKC sa kanyang emotions. Basta ako, boto sa kanila as partners sa big screen andin real life."

Paano kung paiyakin ni Richard si KC in real life?

"E, di aawayin ko siya! Bakit niya paiiyakin yung bata, diba? Siyempre I'm a girl also, ‘no? And Ate Shawie [Sharon Cuneta, KC's mom]really trusts Richard, so ayoko naman na he will break that trust because si KCis not just an ordinary girl. You do that to ordinary girls, but not to KC."

Sino ba ang ordinary girl na nakarelasyon ni Richard?

"In fairness naman, lahat naman ng ipinapakilala sa amin niRichard, mababait lahat and talagang napapamahal sa amin."

What about ang last girlfriend ni Richard na si Georgina Wilson?

"Si Georgina at Richard have their own separate livesnow. And they're good friends. Ang problema naman sa kanila yung distance,"sabi ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN