Angeli Pangilinan and Annabelle Rama end rift over Heart Evangelista

by Julie E. Bonifacio
Aug 1, 2008
Angeli Pangilinan saw Annabelle Rama with Eddie, Ruffa, and Raymond Gutierrez, at the concert of her husband Gary Valenciano. She approached Annabelle, hugged her and said, "I love you" to her. Angeli and Annabelle had a falling out when Heart Evangelista, a former talent of Angeli, became one of Annabelle's wards.


Hindi lingid sa showbiz ang pagkakaroon ng gap ng dalawang managers na sina Annabelle Rama at Angeli Pangilinan ng Genesis Entertainment. Nag-ugat ang kanilang hidwaan sa pag-alis ng dating talent ng Genesis Entertainment na si Heart Evangelista at lumipat sa talent management ni Annabelle.

Ilang araw bago naganap ang second repeat ng His Love concert ng mister niyang si Gary Valenciano sa Music Museum (July 30 and 31), masayang ikinuwento ni Angeli ang pagbabati nila ni Annabelle.

Naganap ito sa book launch ng Comedy King na si Dolphy titled Hindi Ko Ito Mararating Ng Mag-Isa sa The Fort, Taguig City, last week.

"Good news! Tita Anabelle and I hugged each other," sabi ni Angeli sa text message na ipinadala niya sa amin.

Ang mister daw muna ni Annabelle na si Eddie Gutierrez ang nakakita kay Angeli. Bumati muna si Gary kay Eddie at saka sumunod si Angeli. That time, wala pa si Annabelle nang maganap ang batian nila with Eddie.

Continue reading below ↓

Hanggang sa nakita ni Angeli si Annabelle na nakatalikod. Nilapitan ni Angeli si Annabelle at niyakap nang mahigpit, sabay sabi ng, "I love you" sa nanay ni Ruffa Gutierrez.

"Tumawa si Ruffa. Sabi raw ni Tita Annabelle, 'May tampuhan kami.' Kasi she hugged me and said, ‘Hi, Angeli.' Ruffa and Raymond [Gutierrez] are so happy. God is really good."

Happy din si Angeli na nagkuwento about her new career. Public speaker na raw siya ngayon pagkatapos ng sunud-sunod na imbitasyon sa kanya ng iba't ibang organizations.

Kamakailan ay nagsalita siya sa Muntinlupa Chamber of Commerce. Sumunod sa Diabetes Awareness week sa opening ng Coping With Diabetes sa Glorietta para sa Philippine Center for Diabetes Education Foundation.

She's a board member now sa Association of Certified Public Accountants and Public Practice Accountancy Week Program (ACPAPP) with a theme of "Path of Life, Fullness of Joy."

Kagagaling lang din ni Angeli sa matagumpay na concert ni Gary V sa Zamboanga ng His Love.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeli Pangilinan saw Annabelle Rama with Eddie, Ruffa, and Raymond Gutierrez, at the concert of her husband Gary Valenciano. She approached Annabelle, hugged her and said, "I love you" to her. Angeli and Annabelle had a falling out when Heart Evangelista, a former talent of Angeli, became one of Annabelle's wards.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results