It's still work for Dingdong Dantes on his birthday

Aug 1, 2008
"Yun nga, sa mismong birthday ko, nasa taping ako. Nakain kasi lahat ng oras noong nasa Amerika kami, so, kailangan naming maghabol ng mga araw sa mga eksena. So, magte-taping ako on my birthday," says Dingdong Dantes (in photo, with girlfriend Karylle).

Double purpose na para kay Dingdong Dantes ang pagpasok sa negosyo tulad nga ng Centerstage na ngayon ay may dalawang branch na. One on Timog Ave., Quezon City and their new branch on Jupiter Street, Makati City. Kasosyo niya sa negosyong ito ang girlfriend na si Karylle at iba pang mga kaibigan.

Sabi ni Dingdong nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit naisipang nilang dalawa ni Karylle na makisosyo sa Centerstage KTV Bar & Restaurant, "Isang paraan na rin kasi ito para mag-enjoy kami. Kung gusto naming magdala ng mga kaibigan namin dito, kung gusto naming mag-relax, mag-enjoy, mag-unwind, nandito kami. Especially, palagi kaming pagod sa mga ginagawa namin."

Ipinagmamalaki nga ni Dingdong ang mga puwedeng makita ng mga customers sa Centerstage Jupiter St. May V.I.P. room ito na perfect for parties.

"Wala pa siyang pangalan, actually. But we call it V.I.P. or Mega or Super room. It can hold 60 people. It has its own billiard table, a poker table, a bar. Perfect for parties, for birthdays...for any function.

Continue reading below ↓

"At puwede rin kayong mag-record. Pagkalabas nyo, iaabot na sa inyo ang CD."

Nasubukan na ba niya yun?

"Hindi pa! Pero meron akong top favorites, nandoon, nakalagay."

Bukod sa Centerstage, may iba pang business si Dingdong at patuloy pa raw siya sa pagpasok sa mga bago at iba pang puwedeng maging negosyo. Nakakaya naman daw niyang i-divide ang panahon sa kanyang showbiz career at mga negosyo dahil may mga pinagkakatiwalaan naman daw siyang tao.

"There are people naman who are handling it. That's why we trust our partners very much. Ganoon din naman ang pagtitiwala nila sa amin na imbitahan kami na mapasali kami sa grupo na ito na very vibrant. At lahat ng opportunities na puwede, napupuntahan nila."

EAT BULAGA! IN L.A. Hindi pa rin nawawala ang isyu sa nakaraang Eat Bulaga! show sa L.A. at ang pagkukumpara sa kung kaninong show raw ang mas tinao-ang E.B. or ang Wowowee naman sa New Jersey? Kailan lang din ay nagsalita na rin ang host ng Eat Bulaga! na si Joey de Leon. Mapapanood din ang naturang show nila bukas, Sabado.

Continue reading below ↓

And since Dingdong was part of the show dahil special guests sila ni Marian dito, ano talaga ang masasabi niya sa nakita niyang audience sa Los Angeles?

"Puno siya! In fact, meron din po akong mga kaibigan at relatives na sinasabi sa akin, as early as two or three weeks, yung mga taong dumarating, wala na raw silang makuhang tickets."

Dugtong pa niya, "Ako mismo, saksi ako ro'n. Lahat ng puwede mong makita na may butas na upuan, walang butas. Magkakaroon man, siguro sa pinakataas, pero hindi naman nila binenta yung side na ‘yun."

WORKING BIRTHDAY. Tomorrow, August 2 ay birthday ni Dingdong. Pero sa mismong kaarawan niya, nasisiguro niyang he will spend it with his Dyesebel family dahil araw yun ng taping nila.

"Actually, the day after ng birthday ko, may launching na magaganap. Isa itong launching na bigay sa akin ng sponsor, so, isa sa aking mga ie-endorse. Pero siguro sa mismong araw ko na lang din iri-reveal.

Continue reading below ↓

"Sa umaga naman, nasa SOP kami ni Marian dahil celebration naman yun ng birthday naming dalawa ni Marian. After SOP, I'll be in SM Fairview para naman sa grand fans day. Ito yung yearly na ginagawa ko. Parang birthday treat ko na sa mga kaibigan nating patuloy na sumusuporta. This time nga lang, sa SM Fairview gagawin."

Pero kung August 2 raw mismo ang pag-uusapan, "Yun nga, sa mismong birthday ko, nasa taping ako. Nakain kasi lahat ng oras noong nasa Amerika kami, so, kailangan naming maghabol ng mga araw sa mga eksena. So, magte-taping ako on my birthday."

NO SURPRISES. Natawa si Dingdong when we told him na baka may "surprise" na darating sa kanya on the day ng birthday niya.

"Ayoko ng mga surpresa, e. Ako yung taong ganoon, siyempre, kung sinuman ang mag-isip ng maganda para sa katawan ko, thank you sa inyo," natatawa niyang sabi.

Since si Marian Rivera ang siguradong makakasama niya sa mismong birthday niya dahil nagte-taping nga sila, baka ito ang may inihahandang surprise for him?

Continue reading below ↓

"'Yan ang hindi ko alam, Ha-ha-ha! Pero, sa totoo lang din kasi, sa ngayon focused kami ngayon sa pagte-tape ng Dyesebel and, at the same time, para paghandaan din yung mga mangyayari sa end of August."

Ang tinutukoy nga ni Dingdong ay ang grand birthday celebration nila ni Marian sa Araneta Coliseum on August 27.

"GMA plan kasi yun that we will have a sort of joint birthday celebration ni Marian. Although, kahit kami ni Marian, hindi pa rin namin alam kung ano ang mangyayari, pero, siguradong magiging exciting naman ‘yan. It's something that is different from what they usually see in TV. Everybody is invited."

JUST THANK YOU. Sa magagandang nangyayari sa career niya, sa success ng business nila, kanino niya puwedeng i-attribute ang lahat ng ito?

"Ayoko namang sabihing successful na ako sa ngayon, e. Alam kong marami pang room for improvements, marami pang dapat gawin. Pero for everything that is happening, I'm very thankful at wala naman akong hinihiling pang iba. Nagpapasalamat lang ako.

Continue reading below ↓

"Pero siyempre, in everything that I do, kailangan hindi natatapos yung pag-strive mo in wanting to do better things and wanting to do more all the time. At siyempre, para sa kapakanan ng sarili ko at kapakanan na rin ng industry."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yun nga, sa mismong birthday ko, nasa taping ako. Nakain kasi lahat ng oras noong nasa Amerika kami, so, kailangan naming maghabol ng mga araw sa mga eksena. So, magte-taping ako on my birthday," says Dingdong Dantes (in photo, with girlfriend Karylle).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results