Geneva Cruz's stay at Jay-R's house is no big deal for husband KC Montero

Aug 1, 2008
"Nagkakilala kasi kami, para na kaming magkapatid niyang si Jay-R [inset, upper left]. I met him through KC [Montero] also. So, kumbaga, hindi talaga talo," explains Geneva Cruz.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang singer na si Geneva Cruz nang dumating ito sa grand opening ng Centerstage sa Makati City. Chinika ng PEP si Geneva tungkol sa isyung sa bahay ng singer-host na si Jay-R siya nakatira. Inamin niya naman ito nung nag-guest siya sa Showbiz Central noong Linggo, July 27.

"That's not a big deal, actually. Barkada kami ni Jay-R. There's his girlfriend, too. Jay-R is one of my best friends," paliwanag ni Geneva.

JAY-R'S HOUSE OF KINDNESS. Sinabi ng PEP kay Geneva na sa isang bansang tulad ng Pilipinas at sa kultura ng mga Pinoy, big deal ang ginawa niya.

"Well, nandoon yung girlfriend niya, kasama namin sa bahay. ‘ Tapos, may dalawa pang barkada namin. Si Kris Lawrence at si Jimmy Muna. Nakatira sila kay Jay-R matagal na. So, apat sila sa isang bahay.

"Ako, since temporarily nandito ako, siya na ang nagsabi na may guest room siya na available. So, ang bait ni Jay-R. Para kong kapatid ‘yan, ‘no, and kuya."

Continue reading below ↓

Napa-"ngiii!" si Gen nang may nagtanong kung hindi ba naman sila magkasama sa isang room. "Para ko kaya ‘yang kapatid, ‘no! Hello!"

Maraming magkaibigan na nauuwi rin sa romantic ang relationship. On their part daw, never daw sigurong mangyayari yun.

"Nagkakilala kasi kami, para na kaming magkapatid niyang si Jay-R. I met him through KC [Montero] also. So, kumbaga, hindi talaga talo."

Nagpaalam din naman daw siya kay KC when she decided to just stay at Jay-R's house.

"Oo naman, siyempre. Although, barkada kaming lahat. When he found out naman, he said right away, ‘Sure, okay!'"

GOING BACK TO THE STATES. Hindi na rin naman daw siya magtatagal sa bahay ni Jay-R dahil aalis daw siya para magbakasyon sa Seattle [Washington, U.S.A.] at para madalaw na rin niya si KC at ang kanyang anak na si Heaven [with Introvoys drummer Paco Arrespacochaga].

"Pagbalik ko, may sarili na kaming place nina KC. Noong bago kasi kami umalis, rent lang yung tinitirhan namin. Ngayon, inaayos ko na, pagbalik ko, baka doon na ‘ko tumuloy."

Continue reading below ↓

Wala rin daw katotohanan ang isyung hiwalay na sila ni KC.

"Of course not, sinasabi nila kasi, magkahiwalay kami physically. We're still happy and KC's doing very well there. Nasa top 10 siya ng best agents ng dad niya. He works sa real-estate business ng daddy niya."

Kuwento pa niya, "Si Heaven naman, ayaw nang umuwi! Siyempre, mas okey sa kanya, mas cool sa kanya dahil pareho silang lalaki."

SHERYL CRUZ. Sa huli, naitanong din ng PEP kay Geneva kung sa tagal ba ng pag-i-stay ng pinsan niyang si Sheryl Cruz sa bansa, nagkaroon na ba sila ng chance na magkausap at magkaayos? Nagkaroon kasi ng isyu kay Sheryl ang iba pang Cruzes nang hindi ito umuwi nung namatay ang tatay nitong si Ricky Belmonte.

"Hindi kami nagkakausap. Si Shine [Sunshine Cruz] at si Donna [Cruz], palagi. Okey naman kami, pero, never naman talaga kaming close. Even when we were growing-up, never naman talaga kaming close."

Continue reading below ↓

Nang hingan si Geneva ng message for Sheryl, who is going through a separation from husband Norman Bustos, ayaw niyang magsalita.

"Alam n'yo, ayokong magbigay...wala akong maibibigay na advice. Kasi, nanggaling na ‘ko sa ganyan. Hopefully, as long as she's happy. Basta, wala...ayokong mag-advice. Buhay niya yun, e, ‘di ba?"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagkakilala kasi kami, para na kaming magkapatid niyang si Jay-R [inset, upper left]. I met him through KC [Montero] also. So, kumbaga, hindi talaga talo," explains Geneva Cruz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results