Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Piolo Pascual explains non-participation in Bench fashion event

Aug 2, 2008
"But, for the record, hindi talaga ako kasali sa Bench fashion show. Bago man ito naplano, wala talaga ako sa show. Also that day [July 25], I was doing a commercial shoot. So there was no chance for me to do the show," says Piolo Pascual.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang matinee idol na si Piolo Pascual sa launching ng bagong TV commercial ng Max's, na napapanood na ngayon, sa branch ng naturang restaurant sa Trinoma Mall, Quezon City kahapon, August 1. Siyempre pa, ang mainit pa ring pinag-uusapan ngayon na kontrobersiya tungkol sa Bench denim and underwear fashion show sa Araneta Coliseum ang naging topic namin.

Usap-usapan kasi na kaya hindi nakasali sa Piolo sa naturang fashion event, bagamat isa siya sa top endorsers ng Bench, ay dahil nag-backout diumano siya. Ayon sa lumabas na balita, hindi raw nagustuhan ng kampo ni Piolo ang ilang detalye sa fashion show kaya siya nag-backout sa Blackout.

Nagpaliwanag si Piolo tungkol dito.

"I didn't back out," paglilinaw ni Piolo. "I really didn't wanna join. Beforehand, I told Mr. Bench Chan [Bench owner] already, it's my personal conviction not to join. But since endorser ka, they did expect you to be there sa show.

Continue reading below ↓

"But for the record, hindi talaga ako kasali sa Bench fashion show. Bago man ito naplano, wala talaga ako sa show. Also that day [July 25], I was doing a commercial shoot. So there is no chance for me to do the show."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nabanggit din ni Piolo na noong una siyang pumirma ng kontrata sa Bench ay talagang hiniling nito na hindi siya pasalihin sa biennial fashion show na ginagawa ng Bench.

"Nothing against anyone or what it's all about. It's just something I just don't wanna do," paliwanag niya.

Nilinaw rin ni Piolo ang balitang kaya hindi siya sumali sa fashion show ay dahil may mga demands ang Star Magic, na namamahala ng kanyang career, na hindi naibigay ng Bench.

Aniya, "I know nothing about that. As far as I am concerned, from the very start, I've decided not to join the fashion show. Not for anything else, it was my personal decision not to join long before they planned or they did the sequencing. So, wala po talaga ako sa show."

Continue reading below ↓

Sa grand launch ni Billy Crawford bilang Human endorser last Thursday, July 31, ay kinausap ng PEP si Mr. Ben Chan tungkol sa kontrobersiyang naganap sa Blackout. Pero kahit anong pilit sa kanya, talagang umiiwas ito na makapagsalita ng anuman tungkol kina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, lalo sa balitang pagba-backout diumano ni Piolo sa show.

"I think it's better that way," sabi naman ni Piolo nang hingan namin ng reaksiyon. "Kami na lang ang magsalita kasi kami naman ang artista, e. Siya [Ben Chan] naman, owner lang siya. And he's also in a position not to comment, it's his right."

Read Next
Read More Stories About
Piolo Pascual, Bench
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"But, for the record, hindi talaga ako kasali sa Bench fashion show. Bago man ito naplano, wala talaga ako sa show. Also that day [July 25], I was doing a commercial shoot. So there was no chance for me to do the show," says Piolo Pascual.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results