Valerie Concepcion is open to date anybody

Aug 3, 2008
"I'm open to date anybody because I don't have a boyfriend right now," says Valerie Concepcion. She confirms she's dating a basketball player for one year now but denies the cager is already her boyfriend.

Despite being a single mom, hindi nawawalan ng manliligaw si Valerie Concepcion. Kinumpirma mismo ng actress-TV host na dalawa ang ardent suitors niya sa ngayon-a basketball player from PBA's Magnolia team na matagal-tagal na ring nanliligaw sa kanya at isang 34-year-old Australian-based financial analyst.

During the presscon for Valerie's Slendance instructional video yesterday, August 2, she told the press na hindi naman siya na-trauma na pumasok sa isang relationship dahil lamang sa kanyang pagiging unwed mother. Her experience, she said, only made her wiser and be more careful in entering a new relationship.

"Hindi naman mas careful dahil na-trauma ako, pero kasi ‘di mo masasabi ngayon kung talagang pure yung intention sa iyo ng isang guy o gusto ka lang isahan. Siyempre kailangang kilalanin mo muna talaga ang isang tao."

Nabalita na noon ang involvement ni Valerie sa isang basketball player na ayon sa mga nagsilabasang kuwento ay sweet na sweet ‘pag nagde-date sila. Inakala na nga ng marami na boyfriend na raw ni Valerie ang basketball player, pero nilinaw naman ni Val na up to now ay hindi pa rin sila napupunta sa mas malalim na relationship kahit pa nga nakilala na ito ng personal ng anak niyang si Fiona. May isyu ring lumalabas na may-asawa na rin daw ang nasabing basketball player.

Continue reading below ↓

OPEN TO DATE ANYBODY. "Actually, tulad ng sinabi ko, I'm open naman na nagde-date kami pero hindi lang naman siya ang dine-date ko. I'm open to date anybody because I don't have a boyfriend right now. Siguro puwedeng pumunta into something deeper, pero sa ngayon mayroon siyang mga personal issues na inaasikaso. Ako din naman.

"It's not yet my priority. We're just enjoying each other's company while we can. I won't deny I'm enjoying his company, siyempre, ‘di naman ako magtatagal ng one year na kaming nagde-date if I don't enjoy his company. Saka for the longest time that we're dating, I know almost everything about him. Kilala na rin siya ng daughter ko, minsan sinusundo niya ako at kasama ko ang daughter ko.

"Ako kasi kung may girlfriend ang isang guy, ayoko na kaagad kasi kung ibi-break niya yung girlfriend niya, ano yung chances na ‘di niya rin ako ibi-break for other girls? Yun pa kayang may-asawa pa?"

Continue reading below ↓

AUSSIE ADMIRER. Regarding her Australian-based suitor named Paul, for two weeks na pagkakilala na nila, dalawang beses na rin itong nagpadala ng bulaklak kay Valerie.

"I have a friend kasi na customer yung secretary nung guy. The secretary told my friend na gusto niya nga raw akong ma-meet ng boss niya. Sabi ko, okay. He's 34 years old but he looks like 27 0r 28 lang. He's Filipino but I'm not sure kung half [Australian], because ‘di ko pa nga siya kilala talaga. Nagpadala siya ng flower sa studio then nung nasa Hongkong siya, nagpadala din siya ng bulaklak sa bahay."

SLENDANCE. Now that she weighs only 108 pounds from her 116 pounds a few months ago, kinuwento sa amin ni Val na malaking tulong talaga ang Slenda sa pagbabawas ng kanyang timbang. Dahil na rin sa malaking tagumpay ng Slenda, they came out with Slendance, an instructional dance video.

Continue reading below ↓

"Dahil sa naging sobrang succees ng Slenda nung ni-launch siya , may mga feedbacks din kaming natangap na i-package daw namin ito na may instructional dance album, kasi nga I can dance naman daw in Wowowee. Pinagbigyan namin ang mga tao at the same time, I really love dancing.

"May Latin siya, may hip-hop, pinag-aralan ko talagang mabuti para maituro ko ng maayos sa mga tao .It's very easy, very fun, ‘tapos nakakapagpapayat pa."

Read Next
Read More Stories About
Valerie Concepcion, Wowowee
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'm open to date anybody because I don't have a boyfriend right now," says Valerie Concepcion. She confirms she's dating a basketball player for one year now but denies the cager is already her boyfriend.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results