Charee Pineda denies being "third party" in Pauleen Luna-Sherwin Gatchalian breakup

Aug 3, 2008
"Part pa rin po yun ng tungkulin namin at hindi lang naman po kaming dalawa. Ang totoo po niyan, noong lumabas po kami, hindi ko nga po alam na break na pala sila ni Pauleen, wala po talaga akong alam. Pero hindi ko po gagawin ang mang-agaw ng boyfriend ng may boyfriend. Kaya po ako nagsasalita ngayon, para mabigyang-linaw po na wala po talaga kong kinalaman sa breakup nila," explains Charee Pineda.

Bagamat itinatanggi mismo ni Pauleen Luna na diumano ay may third party sa naganap na breakup nila ng mayor ng Valenzuela na si Sherwin Gatchalian, hindi pa rin nawawala ang anggulong yun at isang pangalan ang lumalabas sa ilang daily tabloids ngayon—si Charee Pineda.

Si Charee ay huling napanood sa teleseryeng Impostora and after that, she did some shows sa ABS-CBN. Isa si Charee noon sa naapektuhan daw ng naging pag-transfer ni Angel Locsin ng network since both of them are being managed Becky Aguila.

PART OF THE JOB. Naapektuhan si Charee sa mga naglabasang balita sa ilang diyaryo na siya raw ang "third party" dahil madalas silang nakikitang lumalabas or nagde-date diumano ng dating boyfriend ni Pauleen.

Through her friend, itinanggi nga ni Charee sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang naturang isyu. Marami na raw ang nagtatanong na mga reporter at gustong mag-interview sa kanya, pero, minabuti ni Charee na sa PEP na lamang daw magsalita and after that, umaasa siyang tapos na.

Continue reading below ↓

Ayon daw kay Charee, "Hindi po totoo na there's something between me and Mayor Sherwin. Nagkataon lang po na under po ako sa kanya bilang S.K. [Sangguniang Kabataan] chairman sa lugar namin sa Valenzuela. Siyempre po, hindi po maiiwasan na magkita kami or minsan naman po, kapag may kailangan kaming isangguni sa kanya bilang Mayor sa lugar namin."

Hindi naman itinanggi ni Charee na may pagkakataon daw talaga na lumalabas sila.

"Part pa rin po yun ng tungkulin namin at hindi lang naman po kaming dalawa. Ang totoo po niyan, noong lumabas po kami, hindi ko nga po alam na break na pala sila ni Pauleen, wala po talaga akong alam.

"Pero hindi ko po gagawin ang mang-agaw ng boyfriend ng may boyfriend. Kaya po ako nagsasalita ngayon, para mabigyang-linaw po na wala po talaga kong kinalaman sa breakup nila. At saka, nakakahiya naman po sa kanilang dalawa, pati ako po nasasama sa isyu, hindi naman po totoo."

Continue reading below ↓

Hindi rin nakapagtatakang magkasama at nag-uusap ang dalawa. Puwede kasing sabihin na may "common interest" ang ex-boyfriend ni Pauleen at si Charee na for a year ay break naman sa StarStruck avenger boyfriend na si Tyron Perez. Both Charee and Sherwin have the same interest in politics.

Bukod sa pagiging S.K. chairperson sa kanilang lugar, balitang si Charee ay nahalal din bilang S.K. Ambassador sa buong bansa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Part pa rin po yun ng tungkulin namin at hindi lang naman po kaming dalawa. Ang totoo po niyan, noong lumabas po kami, hindi ko nga po alam na break na pala sila ni Pauleen, wala po talaga akong alam. Pero hindi ko po gagawin ang mang-agaw ng boyfriend ng may boyfriend. Kaya po ako nagsasalita ngayon, para mabigyang-linaw po na wala po talaga kong kinalaman sa breakup nila," explains Charee Pineda.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results