Katrina Halili gets offer for a date with Marvin Agustin

IMAGE 0


Marvin Agustin asked Katrina Halili for a date, but the two-time FHM sexiest says her hectic schedule prevents her from going out with the actor-restaurateur.


Tawa na lang ang isinagot ni Katrina Halilinang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kungtotoong nanliligaw sa kanya ngayon si Marvin Agustin.

Sey ni Katrina, hindi pa raw sila lumalabas ni Marvin athanggang sa pagte-text lang daw sila nagkakausap. Pero inamin ni Katrina nahumiling si Marvin ng date mula sa kanya pero hindi pa niya ito mapagbigyandahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule.

"Nagtanong na siya pero wala talaga akong libreng araw,"emote ni Katrina. "Tinatapos na kasi namin ang mga last taping days ng MagdusaKa. ‘Tapos, kakatapos ko lang mag-taping din ng bagong drama anthology ngGMA-7 na Obra. ‘Tapos baka magsimula na kami ng taping ng Gagambino.

"Ang then, magpe-prepare na ako para sa shooting ko for MissX at One Night Only. Magkasunod na movies ‘yan, kaya inaayos talagaang calendar ko.

"Kaya nakakalokah ang schedule ko talaga, as in nakakabaliw.Pero enjoy naman ako kasi ang daming trabaho. Kaya yung date-date, naku,nakakalimutan ko munang gawin. Siguro kapag may naisingit na libreng araw, whynot, di ba? Okey naman si Marvin, e."

Inamin naman ni Katrina na last date niya ay kasama pa niyasi JorossGamboa. Pinagbigyan daw niya ito dahil matagal na raw kasi siyangwalang nakaka-date.

"Hindi nga ba matagal na akong walang boyfriend, kaya angtagal kong hindi nakakapag-date. Gusto ko naman ma-feel ulit iyon.

"Kaya noong magsabi si Joross kung puwede ba akong i-date,okey lang, kasi nataon na libre ako noong araw na iyon. Kaya hayun, naka-dateako ulit. Simpleng date lang naman iyon. Parang wala lang...nag-date tayo," sabaytawa ni Katrina.

Kung sakali nga raw na matuloy ang date nila ni Marvin,itatanong ba niya muna rito kung may magagalit ba? Baka nga naman kasimag-react ang natsitsismis kay Marvin na si Diana Zubiri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natural itatanong ko iyon, di ba? Kaibigan ko naman si Joy[tunay na pangalan ni Diana] at siyempre, bilang respeto, tanungin ko muna siMarvin kung ano ba ang namamagitan sa kanila?

"Kung friends lang sila, okey siguro kung mag-date kami.Wala namang masama sa date, di ba? Pero ipapaalam ko pa rin yun kay Joy.Ngayon kung malaman ko na serious pala itong si Marvin kay Joy, bakit naman akolalabas with him? Nakakahiya naman, di ba?"

Paano kung maging seryoso si Marvin sa kanya at hindi kayDiana? Magpaligaw kaya siya kay Marvin?

"Ang bilis naman!" sabay tawa ni Katrina. "Hindi pa nga kaminagde-date, e, may ligaw na! Sobra naman ‘yon!

"Siguro wait ko muna na mag-date kami ni Marvin. Kungmagtanong siya, may isasagot naman na ako sa kanya, if ever. Sa ngayon, walapang ganyan. Hanggangtext-text pa lang naman kami. Wait n'yo na lang kung ano ang mangyayari, di ba?"

HELPING JENNYLYN. Samantala, nakarating kay Katrina angnangyari kamakailan sa co-StarStruck alumna niyang si Jennylyn Mercado. Sinugod nga raw saospital si Jennylyn dahil nagkaroon ito ng premature contraction. Pero nakauwina raw ito sa bahay nila. Nagpakita ng concern si Katrina kay Jen.

"May nagsabi nga sa akin tungkol sanangyari kay Jen at siyempre, nagulat din ako. Kasi huli kong nakita si Jen,mga three or four months pa lang ang tiyan niya. So matagal na kaming dinagkikita at hanggang pag-text lang kami ngayon.

"Nagsabi naman ako kay Jen na kungkailangan niya ng anumang tulong, kahit financially, huwag siyang mahiyangtumawag sa akin.

"Parang magkapatid na kami ni Jendahil ilang projects na rin ang pinagsamahan namin. Hindi ako magdadamot sakanya dahil kaibigan ko siya. Kahit sino naman sa batch namin sa StarStruck,ready akong magbigay ng tulong basta alam kong kailangan talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kung tanggihan ni Jen angtulong niya dahil sa mahihiya ito?

"Huwag naman na niyang tanggihan.Isipin na lang niya na para sa baby niya ito. Bilib nga ako sa kanya dahilkahit malaki na ang tiyan niya, pilit pa rin siyang nagwu-work. Nakakabilibtalaga. Kasi kung ako buntis, hindi na ako magwo-work ng sobra. Pababayaan ko angmister ko na magtrabaho.

"So, kung ano man ang maibigay kongtulong kay Jen, huwag na niyang tanggihan. Galing iyon sa sincere na pagtulongko."

Kaya naman malapit ang suwerte kayKatrina dahil sa kanyang mapagbigay na puso. Magla-last taping day na nga silang Magdusa Ka pero magsisimula na siyang mag-taping para sa Gagambino. SiKatrina rin ang buena-mano ng bagong drama anthology ng GMA-7 na Obra.

Kabilang na nga sa suwertengdumarating kay Katrina ay ang pagbibida niya sa pelikulang Miss X at One NightOnly ng OctoArts Films. Malapit na rin daw matapos ang kanyang coffee-table book.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN