Dr. Vicki Belo shrugs off intrigue about Dingdong Dantes's grand launch as endorser

Aug 4, 2008
"His eyes, ever since talaga yung mata niya. Iba kasi siya kung tumingin. At saka sa mga launch namin from the past, ngayon lang yung mga doctors namin sa bawat clinic, e, pumunta pa rito," says Dr. Vicki Belo (left) about new celebrity endorser Dingdong Dantes (right).

A few minutes before Dingdong Dantes was formally launched as the newest celebrity of Belo Medical Group kagabi, August 3, sa NBC Tent, nakausap muna ng entertainment press ang "doctor of the stars" na si Dr. Vicki Belo.

Nagpahayag ng kasiyahan si Dr. Belo na kahit kasagsagan ng lakas ng ulan, hindi ito naging hadlang para dumating pa rin ang mga press, sponsors, at lahat ng invited guests nila for the dual celebration last night. Bukod kasi sa paglu-launch kay Dingdong ay nagsilbi na rin itong birthday bash ng young actor who turned 28 noong August 2.

Ayon kay Dr. Belo, matagal na raw nilang kinukuhang modelo si Dingdong, noon pa man na nagpupunta ito sa kanilang clinic para magpa-treat. But it was through their other endorser Zsa Zsa Padilla kaya finally ay nakontrata nila ang young actor to be their endorser. Zsa Zsa, of course, is the mother of Karylle, Dingdong's girlfriend.

Continue reading below ↓

They thought of James Bond theme for the launch dahil nakikita raw nila kay Dingdong ang mga qualities gaya ng sa sikat na secret agent. Para raw kasing si James Bond si Dingdong—matipuno, guwapo, at maliksi ang pangangatawan.

GRAND LAUNCH. Siyempre pa, hindi maiiwasang mapansin at maikumpara ang paraan ng paglu-launch ng Belo kay Dingdong sa mga nakaraang launching nila. Obviously, napakaganda ng launching ni Dingdong na sa NBC Tent pa ginanap, inspired by the James Bond movie Casino Royale ang theme; complete with gaming tables, guns on display, sexy ladies, and even a Martini bar that James Bond is known for.

Pero nilinaw ni Dr. Belo na nagkataon lang talaga na ang launch ay sumabay sa birthday ni Dingdong.

"Well, natapat lang talaga. It's also Dingdong Dantes's birthday, kaya naman ganoon. At the same time, depende rin naman kasi sa manager on what's their deal to us," paliwanag niya.

Continue reading below ↓

Expected na rin daw ni Dr. Belo na may "selos issue" na maglalabasan after the grand launching of Dingdong.

"Naku, marami naman talagang nagseselos! Palagi naman talagang may nagseselos. Pero wala naman talagang dapat pagselosan. Si Hayden [Kho, her boyfriend] na lang yata ang hindi nagseselos!" natatawang biro ng cosmetic surgeon.

NON-SURGICAL PROCEDURE. Ayon kay Dr. Belo, simula nang maging endorser nila si Dingdong, isa pa lang ang ipinapagawa nito sa katawan—ang ini-endorse nitong Body Shape, a special and unique combination of treatments to tighten skin and remove fat; o surgical and non-invasive body shaping procedure.

Alam daw ni Dr. Belo na hindi mag-a-undergo si Dingdong ng may surgical procedure, although naniniwala ang doctor na wala naman talagang dapat gawing surgical procedure sa katawan ng young actor.

When asked kung ano sa palagay niya ang best feature ni Dingdong, mabilis ang naging tugon nito.

"His eyes, ever since talaga yung mata niya. Iba kasi siya kung tumingin. At saka sa mga launch namin from the past, ngayon lang yung mga doctors namin sa bawat clinic, e, pumunta pa rito," saad ni Dra. Belo.
Read Next
Read More Stories About
Vicki Belo, Dingdong Dantes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"His eyes, ever since talaga yung mata niya. Iba kasi siya kung tumingin. At saka sa mga launch namin from the past, ngayon lang yung mga doctors namin sa bawat clinic, e, pumunta pa rito," says Dr. Vicki Belo (left) about new celebrity endorser Dingdong Dantes (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results