Sam Milby believes there's no favoritism among Bench celebrity endorsers

Aug 15, 2008
"I don't think na may favoritism in Bench. Ang daming artista dito, pero parang equal naman ang billboards, everyone really had a billboard. Me, I can say I am happy in Bench, I do," says Sam Milby.

Sa pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon na Bench denim and underwear fashion show Blackout, na ginanap noong July 25 sa Araneta Coliseum, isa sa nakatanggap ng pinakamalakas na palakpak at hiyawan ay ang heartthrob na si Sam Milby.

Kumpara sa ibang celebrities na rumampa noong gabing ‘yon, walang ginawang gimik si Sam. Simple lang siyang rumampa na naka-maong at topless. Sa kabila nito ay gumawa pa rin ng ingay si Sam.

Sa gitna ng mga kontrobersiya't intrigang naglalabasan kaugnay ng Blackout, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam kung naniniwala siyang may favoritism na nangyayari among the celebrity endorsers of Bench.

"I don't think na may favoritism in Bench," mabilis na saad ni Sam. "Ang daming artista dito, pero parang equal naman ang billboards, everyone really had a billboard. Me, I can say I am happy in Bench, I do."

Sa naganap namang fashion show, naglabas ng kanyang hinaing ang ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle sa diumano'y "unfair" exposure ng kanyang anak. Dahil daw sa paglalagay ng maitim na make-up kay Richard ay hindi ito nakilala ng mga tao kaya hindi masyadong pinalakpakan ang pagrampa niya. Hindi rin daw nilagyan ng pangalan ang mga lumalabas na endorsers na paraan sana para makilala ng audience kung sino na ba ang rumarampa.

Continue reading below ↓

According to Sam, kahit naman daw siya ay hindi nilagyan ng pangalan nang rumampa siya.

"Ang balita ko, walang pangalan yata lahat ng artista. Yun ang sinabi ng tao dun because even me, wala rin akong pangalan. I heard and I think maybe Dingdong [Dantes] had. Yung trainor ko, it's not like make-up, kaunting darkener for my skin."

Despite all these controversies, Sam is thankful and really honored sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanya sa Blackout. He even thanked Kris Aquino who gave a comment na siya raw ang may pinakamagandang katawan nang gabing ‘yon among the male celebrities na rumampa.

"I wanna thank Ate Kris for the comment. I also wanna thank everyone for making me feel comfortable. I was real shy but it was fun at the same time. I tried to work out that week, I tried to go to gym as much as I could, I tried to work out for it," saad niya.

Continue reading below ↓

Kung confident ang iba na rumampa, kabaligtaran naman daw si Sam.

"Mayroon pa ring kaba, nagna-numb yung katawan ko. Siguro napansin ng mga tao na hindi ako masyadong kumportable, na nahihiya pa ako. But it was really a good feeling knowing that. If you're really nervous ‘tapos you don't hear anything, mas lalo ka yatang kakabahan. It's really a good warm welcome or good response, I guess."

Two years from now pa ang susunod na Bench fashion show. Pero marami ang nagtatanong kung dito kaya ay makikita na rin si Sam na naka-underwear lang.

"I don't think so," sagot niya. "Hindi ko alam kung kaya kong mag-underwear. Baka boxers if ever... I don't know, baka hindi pa in two years."

Kasama si Sam sa bagong fantaserye ng ABS-CBN Dyosa, kung saan isa siya sa leading men ng rumored girlfriend niyang si Anne Curtis.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I don't think na may favoritism in Bench. Ang daming artista dito, pero parang equal naman ang billboards, everyone really had a billboard. Me, I can say I am happy in Bench, I do," says Sam Milby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results