Dingdong Dantes on showbiz rivalries: "Ang mga kasama ko, they are my allies, not my enemies."

Aug 15, 2008
"Gusto ko pong everything na gagawin ko will fall in the proper places at prayer ko rin that the Lord will give me strength para ma-maintain ko ang status ko ngayon. At maraming-maraming salamat sa inyong lahat na walang sawang sumusuporta sa akin at sa lahat ng ginagawa ko," says Dingdong Dantes when asked about his birthday wish.

Pagkatapos ng almost three months ay bumalik si Dingdong Dantes sa SOP kahapon, August 3, para sa double birthday celebration nila ng ka-love team na si Marian Rivera. Dingdong turned 28 last August 2 and Marian will be celebrating her 24th birthday on August 12.

Pinagsabay na ang birthday nina Dingdong at Marian dahil magiging busy ang dalawa. Sa Wednesday, August 6, Marian is leaving for Australia para sa pictorial niya ng Jag jeans with Will Devaughn at magtatagal siya ng four days doon. Pagbalik niya, araw-araw silang magte-taping ni Dingdong ng Dyesebel dahil on August 15, aalis naman sila for New Jersey para sa launch ng GMA Pinoy TV doon.

Sa presscon na ipinatawag ng GMA-7 para kina Dingdong at Marian pagkatapos ng SOP kahapon, napansin ng PEP na hindi na masyadong payat si Dingdong. Totoo ba na mas gusto ng girlfriend niyang si Karylle na payat siya?

"No, ayaw din niya na payat ako," nakangiting sagot ni Dingdong. "Nagpapayat lang ako para sa Bench Blackout show, pero nag-gain na ako ng 15 pounds since natapos ang show."

Continue reading below ↓

Still on the Bench show, okay ba sa kanya kung aalisin na ito sa mga susunod na taon dahil nga napuno ng intriga ang show nila last July 25?

"Huwag naman sana, kasi dito lang nagkakasama-sama ang mga artista ng both networks [ABS-CBN and GMA-7]. Maganda rin po ‘yong kahit sa ganitong shows, nawawala ang network war," saad niya.

RIVALRY WITH RICHARD. Ayaw na ring mag-comment pa ni Dingdong tungkol sa pagsasabong sa kanila ni Richard Gutierrez na lalong tumindi pagkatapos ng Blackout. Nabanggit lang ni Dingdong na before and after the show ay kinamayan siya ni Richard.

Affected ba si Dingdong kapag sinasabing hindi naman siya ang "Primetime King" ng GMA-7 kundi si Richard at parang pinaglalaban silang dalawa?

"No, hindi po ako affected kung si Richard man ang sinasabi nilang Primetime King," sagot ng Dyesebel star. "Basta ako, ever since, happy ako to what's happening to Richard. I respect him sa lahat ng mga accomplishments na nagagawa niya.

Continue reading below ↓

"Saka itong trabaho namin, hindi po ito karera na kalaban ko sila. Ako kasi, naniniwala na ang kalaban ko ay ang sarili ko, kaya pinagbubuti ko ang anumang ginagawa ko. Ang mga kasama ko, they are my allies, not my enemies."

SEXIER DINGDONG? Inamin ni Dingdong na maraming nagawa sa kanya ang Marimar. Hindi nga niya na-expect na magiging ganoon ang outcome nito at siya naman ay magpapa-sexy. Naipakita na niya ito nang mag-pose siya sa Cosmopolitan, sa pictorial niya for Bench Body, at sa pagrampa niya sa Blackout. Payag ba siyang magpa-sexy muli, halimbawa sa Dyesebel at sa upcoming movie niyang One True Love with Marian Rivera and Iza Calzado?

"Wala naman pong problema kung talagang kailangan, pero please give me time to prepare," maikli niyang tugon.

WORKING BIRTHDAY. Sa taping nila ng Dyesebel sa Pampanga nag-celebrate ng kanyang birthday si Dingdong last Augist 2. For the past three years ay natataong palagi siyang may trabaho tuwing birthday niya.

Continue reading below ↓

Ano ang gift ni Marian sa kanya at ano naman ang gift niya kay Marian sa birthday nito?

"Wala pa," sagot ni Dingdong tungkol sa regalo sa kanya ni Marian. "Ako naman, ‘yong ibibigay ko sa kanya, nakahanda na. Silver ‘yon, thin, at magagamit niya. Si Karylle [Dingdong's girlfriend], binigyan na niya ako ng birthday cake. Pero siya ang gumagawa ng gift na ibinibigay niya sa akin palagi."

Hindi raw singsing ang ibibigay ni Dingdong kay Marian bilang birthday gift. Nang may nagtanong kung wrist watch, ngumiti lamang si Dingdong at hindi na niya sinagot ang tanong.

Si Dingdong ba ay may gift sa sarili niya?

"Mayroon akong nakitang vintage chair in a store in Makati. Gustung-gusto ko, kasi iba siya kapag inupuan mo... Leather, signature, made in Italy, fire- proof. Kaya lang, masyadong mahal kaya pinag-iisipan ko pang mabuti," lahad niya.

Nagulat ang lahat ng kaharap ni Dingdong nang sabihin niyang P500,000 ang price ng vintage chair na tinutukoy niya.

Continue reading below ↓

Biniro naman namin si Marian, na katabi lang ni Dingdong that time, na may puwede na siyang iregalo sa kapareha. Nang sabihin namin na vintage chair ang gusto ni Dingdong, natawa si Marian sabay sabing hindi raw niya kaya dahil ang mahal-mahal daw noon.

NEWEST BELO ENDORSER. Kinagabihan ay binigyan naman ng bonggang launching ng Belo Medical Group si Dingdong as their new celebrity endorser. Hindi ba nahirapan si Dr. Vicki Belo na kumbinsihin siyang maging latest celebrity endorser nila?

"Dati na po akong pumupunta sa Belo's sa Greenhills dahil ‘yon ang pinakamalapit sa bahay ko," kuwento ni Dingdong. "Pero nagbabayad ako, kahit nag-o-offer sila ng free treatment. That time kasi, may offer din sa akin ang Calayans pero nahihirapan din akong pumunta sa clinic nila sa Makati. Saka ang nag-push na rin sa akin na tanggapin ang offer ng Belo, si Ms. Zsa Zsa Padilla, na isa sa first celebrity endorser nila."

Continue reading below ↓

Ano pa ang offer ng Belo na hindi niya natanggihan?

"Nang pumayag silang gawin akong James Bond, bakit ko naman tatanggihan? Ako po ang nag-conceptualize ng party dahil bukod nga sa launch, pumayag na rin akong mag-celebrate ng birthday. For the last two years kasi, hindi na ako nagpa-party sa birthday ko dahil lagi nga akong busy. Naisip ko ring isang perfect opportunity iyon na makasama ko naman ang mga friends ko in and outside the industry."

Ano ang birthday wish ni Dingdong?

"Gusto ko pong everything na gagawin ko will fall in the proper places at prayer ko rin that the Lord will give me strength para ma-maintain ko ang status ko ngayon. At maraming-maraming salamat sa inyong lahat na walang sawang sumusuporta sa akin at sa lahat ng ginagawa ko," pagtatapos ni Dingdong.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gusto ko pong everything na gagawin ko will fall in the proper places at prayer ko rin that the Lord will give me strength para ma-maintain ko ang status ko ngayon. At maraming-maraming salamat sa inyong lahat na walang sawang sumusuporta sa akin at sa lahat ng ginagawa ko," says Dingdong Dantes when asked about his birthday wish.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results