Francine Prieto laughs off comments about her being "obese"

Aug 5, 2008
"Kung obese na ‘ko, ano pa kaya ang tawag mo dun sa talagang obese, di ba?" says Francine Prieto.

Marami ang nakapansin sa "paglaki" ni Francine Prieto nung nakaraang Blackout: Bench Denim & Underwear Show noong July 25. Maraming panlalait tuloy ang narinig mula sa mga nanonood ng biennial fashion show patungkol sa lakas ng loob ni Francine na rumampa pa rin, suot ang Bench undergarments, sa kabila ng obvious na pagkataba nito.

May mga nagsabi pang obese na raw ang sexy comedienne. Ikinatawa na lang ito ni Francine nang iungkat sa kanya ng Showbiz Central ang naturang isyu. Sagot ni Francine, "Kung obese na ‘ko, ano pa kaya ang tawag mo dun sa talagang obese, di ba?"

Aminado naman ang dalaga na nag-gain talaga siya ng weight.

"Aminado naman ako na nag-gain talaga ako ng weight dahil sa stress mula last year pa. Ako naman, okey lang sa akin ‘yun [panlalait]. Opinion nila yun. Pero kung ako, obese, ang lakas naman ng loob ko para lumabas pa ro'n.

Continue reading below ↓

"Sobrang thankful nga ako sa Bench dahil kahit nag-gain ako ng weight, hindi naging reason yun para hindi na ako mag-endorse ng product nila. Siyempre, kasama ako sa fashion show nila. Ibig sabihin lang nun, hindi mo naman kailangang maging skinny or anorexic para ka makapagsuot ng Bench underwear.

"Pero kumbaga, kahit full-bodied ka at kahit medyo may laman ka, puwede ka pa rin magsuot nun."

Nakadagdag ba ng pressure sa kanya ngayon yung marami ang nagsasabi sa kanya, especially after ng fashion show, na magpapayat na nga siya?

"Actually, hindi ako pressured ngayon. Alam ko naman sa sarili ko, kasi, kung magpapaapekto pa ako ro'n, sa mga sasabihin nila, di ba? Ano lang, malulungkot lang ako, baka mapakain ulit ako."

At taliwas nga raw sa mga nang-iintriga sa kanya, very determined naman daw si Francine na mag-reduce.

"More than one month na akong nagte-tennis, nagwo-work-out, nagdya-jogging. Well, abangan nila sa mga susunod na fashion show ng Bench...hindi matatapos ang taong ito na... Basta makikita n'yo na babalik ako sa dati. Basta, surprise na lang!"

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung obese na ‘ko, ano pa kaya ang tawag mo dun sa talagang obese, di ba?" says Francine Prieto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results