Carlene Aguilar reacts to Dennis Trillo's statement that she is still the one he wants to marry

Aug 5, 2008
"Yung nagsabi naman po sa akin na pakakasalan ako, hindi rin ako sure if that's true. Ayoko naman pong i-judge si Dennis kasi siyempre, hindi na namin pinag-uusapan ‘yon. We only talk about Calix. So, hindi talaga namin parang pinag-uusapan ‘yon," says Carlene Aguilar about Dennis Trillo's alleged statament that he still wants to marry her.

Humarap si Carlene Aguilar sa The Buzz last Sunday, August 3, para bigyang-linaw ang mga isyung kinasasangkutan niya. Una na ang isyu tungkol sa diumano'y pahayag ni Dennis Trillo na si Carlene pa rin ang gusto niyang pakasalan. Si Dennis ang ama ng anak ni Carlene na si Calix Andreas.

"Wala sa utak ko yung kasal ngayon, e. So, hindi ko pa rin talaga yun naiisip," umpisa ni Carlene habang kausap ang mga host na sina Cristy Fermin at Ruffa Gutierrez.

Tinanong ni Ruffa si Carlene kung ano ang nararamdaman niya na siya pa rin ang gustong pakasalan ni Dennis kahit open na open pa rin ang pakikipag-date ng young actor kay Cristine Reyes.

"Ewan ko," ngiti ni Carlene.

Kung siya ang gustong pakasalan ni Dennis, ano sa tingin ni Carlene ang ginagawa ng young actor kay Cristine?

"Actually, hindi ko po alam," sagot ni Carlene. "Yung nagsabi naman po sa akin na pakakasalan ako, hindi rin ako sure if that's true. Ayoko naman pong i-judge si Dennis kasi siyempre, hindi na namin pinag-uusapan ‘yon. We only talk about Calix. So, hindi talaga namin parang pinag-uusapan ‘yon."

Continue reading below ↓

Nagbibigay naman daw ng suporta si Dennis sa anak nila na si Calix, pero hindi "sustento" ang tawag doon ni Carlene. Nagshi-share daw kasi sila ni Dennis sa pang-gastos ng bata.

"Hindi naman siya nagkukulang kay Calix, he's still a responsible dad," banggit ni Carlene.

DATING RENZ? Pangalawang isyu na hinarap ni Carlene ay ang usap-usapan na pagdi-date daw nila ng anak ni Lorna Tolentino na si Renz Fernandez.

"Gusto ko lang i-clear kasi nakakahiya naman kay Renz at baka mailang na siya sa akin. Magkaklase po kami sa isang subject sa UP [University of the Philippines] and ka-group ko siya. So madalas kaming lumalabas, ganun. Nagpupunta kami sa Timezone," lahad ni Carlene.

May nakakita rin daw na magkasama silang nag-dinner ni Renz.

"Hindi, kasi dapat manonood kami ng play noon. ‘Tapos hindi na kami umabot."

Marami ba sila na nag-dinner?

"Kaming dalawa lang, that night," pag-amin ng dating beauty queen.

Continue reading below ↓

Nakaabot na ba kay Dennis ang kuwentong nagdi-date sila ni Renz at madalas na magkasama?

"Oo, tinanong niya ako kung kaming dalawa lang," kuwento niya.

Kailangan bang ipagpaalam niya kay Dennis ang pakikipag-date niya sa ibang lalake?

"Hindi, hindi ako nagpapaalam sa kanya."

E, si Dennis din naman daw nakikipag-date kaya tama lang na lumabas din si Carlene with other guys.

"Oo nga, labas ako nang labas. Hayaan mo siya!" natatawang sabi ni Carlene.

Hindi ba niya tinatanong si Dennis tungkol sa kanila ni Cristine?

"Ay, hinding-hindi!" mabilis niyang sagot. "‘Tsaka hindi naman siya nagme-mention ng kahit na anong bagay tungkol doon sa girl, so I don't think na important siya."

"Sinong girl?" tanong ni Ruffa kay Carlene.

"Si Cristine," mabilis na sagot ni Carlene.

Pagkatapos ay binigyan ng advise ni Ruffa, na naging Bb. Pilipinas-World din gaya ni Carlene, na mag-concentrate na lang si Carlene sa kanyang work.

"Hay naku, concentrated talaga ako sa studies ko," sagot naman ni Carlene.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yung nagsabi naman po sa akin na pakakasalan ako, hindi rin ako sure if that's true. Ayoko naman pong i-judge si Dennis kasi siyempre, hindi na namin pinag-uusapan ‘yon. We only talk about Calix. So, hindi talaga namin parang pinag-uusapan ‘yon," says Carlene Aguilar about Dennis Trillo's alleged statament that he still wants to marry her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results