Lorna Tolentino still undecided whether to stay with GMA-7 or return to ABS-CBN

by Julie E. Bonifacio
Aug 5, 2008
"Although siguro now, it's taking its toll kung anuman yung mga pinigil ko na damdamin, na medyo nararamdaman ko ngayon. Physically din, yung parang wala ka, parang there will always be an emptiness inside," says Lorna Tolentino about grieving the death of husband Rudy Fernandez.

Nagpaunlak ng panayam ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino sa The Buzz last Sunday, August 3, sa co-host ng programa na si Boy Abunda. Personal na nagsadya si Lorna sa studio ng ABS-CBN para sa naturang panayam.

Unang tanong ni Boy kay Lorna, kung totoo ba na ayaw pa sana ng yumao niyang asawa na si Rudy Fernandez na magpaalam sa mundo dahil hindi pa handa ang aktres. Pumanaw si Rudy noong June 7 pagkatapos ng ilang taong pakikipaglaban sa cancer.

"No, never niyang naisip yun," sagot ni Lorna. "Although siguro now, it's taking its toll kung anuman yung mga pinigil ko na damdamin, na medyo nararamdaman ko ngayon. Physically din, yung parang wala ka, parang there will always be an emptiness inside."

Kasunod nito ang tanong tungkol sa mga anak nila ni Daboy na sina Ralph at Renz Fernandez.

"The more na naging mas alam namin kung ano, kung nasaan yung bawat isa. It's about grieving, what we're coping, how can we solve this. Kasi hindi naman minamadali lahat ang buhay," saad ng aktres.

Continue reading below ↓

Sa patuloy na paglalakbay ni Lorna, puspos din ang pagbahagi niya sa The Buzz ng bagong direksiyong kanyang tatahakin. Maugong ang balita tungkol sa diumano'y pagbabalik ni Lorna sa Kapamilya network. Totoo nga ba ito?

"Both networks, ABS-CBN and GMA, may offers. But I will finalize everything mid-August siguro. Of course, I'm moving on. Kasi siyempre, I feel that parang sa lahat ng mga pangyayari, although... Lalo na ‘eto yung time, days in my life na parang gusto ko munang huwag magkaroon ng showiz-oriented talk show," sabi ni Lorna, na co-host ng StarTalk sa GMA-7.

Hinimok din daw si Lorna ng cancer survivor na si Pinky Soriano na sumali sa isang proyektong magsisilbing inspirasyon sa mga taong may cancer at ang mga kapamilya nito.

"Gusto niya ako ang magri-rave about love, about patience, about forgiveness, about faith, about courage," banggit ni Lorna.

Nagbigay rin ng mensahe si Lorna sa sambayanang Pilipino na lubusang nakiramay sa kanya't sa pamilya nang yumao ang kanyang asawa.

Continue reading below ↓

"Ay sobra, sobrang pasasalamat. Talagang ibinibahagi nila ang kanilang panalangin, pagmamahal. Lahat siguro ng dapat ikasiya namin at ikagaan ng loob namin ay ginawa nila," pahayag ni Lorna.

Nakatakdang umalis si Lorna, kasama ang kanyang dalawang anak, para sa isang pilgrimage sa Jerusalem.

Samantala, nang hingan ng mensahe si Lorna sa nababalitang pagkakamabutihan ng anak niyang si Renz at ng beauty queen na si Carlene Aguilar, sinabi niyang wala itong katotohanan.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Although siguro now, it's taking its toll kung anuman yung mga pinigil ko na damdamin, na medyo nararamdaman ko ngayon. Physically din, yung parang wala ka, parang there will always be an emptiness inside," says Lorna Tolentino about grieving the death of husband Rudy Fernandez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results