Sam Milby doesn't restrict rumored girlfriend Anne Curtis but says no to her going topless

Aug 15, 2008
"Ang ganda-ganda niya sa labas, ‘tapos yung loob niya, caring, loving... Parang palagi siyang nandoon to support. At saka palagi akong masaya kapag kasama ko siya. Happy ako," says Sam Milby about Anne Curtis.

Nakakabilib ang ginagawang effort ng Fil-Am actor-singer na si Sam Milby. Kahit hirap pa rin siyang magsalita ng diretsong Tagalog, hindi siya basta mag-i-English na lang sa mga interviews niya para maging madali sa kanya. Desidido talaga siya na matutunan ang Pilipino na para bang first language niya. Ito ang napansin namin sa kanya sa press conference ng fantaserye ng ABS-CBN na Dyosa sa Manila Ocean Park kahapon, August 4.

Nagpaliwanag si Sam tungkol sa balitang nag-init daw ang ulo niya at nag-iba ang kanyang mood nang una niyang makita ang bida sa Dyosa at nababalitang girlfriend niya na si Anne Curtis na naka-costume bilang Dyosa Tierra, isang half-human and half-horse. Akala raw kasi ni Sam ay naka-topless si Anne.

Paliwanag ni Sam, "Siyempre, para sa akin, medyo too much. Pero trabaho, trabaho naman. I mean, sino ba ako para magalit? Pero siyempre, I wouldn't exactly support that. Kinausap naman niya [Anne] ako at naisip ko naman na hindi niya gagawin yun."

Continue reading below ↓

Sa palagay ba ni Sam ay may karapatan na siya para magbawal kay Anne, especially on her being too sexy or daring?

"Well, siyempre, kung yun ang gusto niyang gawin sa buhay," sagot ng matinee idol. "Siyempre, tulad nga ng sinabi ko, sino ba ako na magbigay sa kanya ng limitasyon? Yun ang buhay niya. Siyempre, kung gusto niyang gawin, she can do that. Pero sa akin, there are things that I would want her to do. Naka-topless, I do not want her to do that."

When it comes to their relationship, madalas nilang sabihin ni Anne na walang dahilan para magmadali silang dalawa or to rush things. Pero ang tanong, ano naman ang dahilan para hindi sila magmadali?

"There's nothing stopping us," sagot niya. "Parang nag-e-enjoy kami kung ano ang meron kami. Ganoon lang. We got really close noong Maging Sino Ka Man. ‘Tapos, parang nag-stop yung dating namin. So ganoon, it was over a year na hindi kami nagde-date. Noong December [2007] nag-start yung courtship. So now, dating-dating na."

Continue reading below ↓

Sam says exclusively dating na raw sila ni Anne.

"Yeah, ako, I wouldn't date anybody. Para sa akin, wala akong nakikitang mas maganda ang kalooban at ganoon din sa labas, di ba?" pahayag ni Sam.

Anu-ano ang mga katangian na nakikita niya kay Anne para lalo siyang mahulog sa young actress?

"Tulad nga ng sinabi ko, ang ganda-ganda niya sa labas, ‘tapos yung loob niya, caring, loving... Parang palagi siyang nandoon to support. At saka palagi akong masaya kapag kasama ko siya. Happy ako," pag-amin ng binata.

Nang minsang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Anne, naikuwento niyang meron daw silang book na sabay binasa ni Sam at nagiging guide raw nila yun sa kung anuman ang meron silang dalawa ngayon.

"Yung Boy Meets Girl by Joshua Harris, pareho naming binasa," banggit ni Sam. "May maganda siyang kuwento, ‘tapos parang may guidelines. May mga examples na kung gusto mong i-follow sa courtship. Maganda sa build-up para kapag ikinasal yung couple, yung marriage ang highest level."

Continue reading below ↓

DARK & DARING ROLE. Ginagampanan ni Sam sa Dyosa ang role ni Adonis. Kung susuriin ang takbo ng character niya ay puwedeng akalain na may pagka-dark ang role niya, lalo pa nga't siya ang itinakdang pumatay kay Dyosa (played by Anne), pero eventually ay hindi maiiwasan ni Adonis na ma-in love dito.

Bukod sa medyo dark ang role ni Sam sa Dyosa, tila magiging mapangahas din siya dahil nadulas si Direk Wenn Deramas at sinabing may scene si Sam na mala-Terminator at nagpakita siya ng katawan.

"Well, puwet, pero hindi ko alam kung..." palingon-lingon at hindi matuluy-tuloy ang gustong sabihin ni Sam. "Well, I think, si Direk Wenn na dapat ang magsabi. I don't know if I have to say something about it."

Naguluhan kay Sam ang mga kaharap niyang entertainment press dahil hindi niya talaga madiretso ang gustong sabihin, lalo pa nang aminin nitong hindi talaga siya pumayag sa naturang scene.

Continue reading below ↓

"Hindi ako pumayag, actually," sabi niya. "Basta secret kung paano totoo yung butt exposure. Pero, next question na lang," nangingiti at hindi talaga siya napilit pang ituloy ang sinasabi niya.

"Si Direk na lang po ang tanungin n'yo kung paano," nakangiting pag-iwas ni Sam.

Read Next
Read More Stories About
Sam Milby, Anne Curtis, Dyosa
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang ganda-ganda niya sa labas, ‘tapos yung loob niya, caring, loving... Parang palagi siyang nandoon to support. At saka palagi akong masaya kapag kasama ko siya. Happy ako," says Sam Milby about Anne Curtis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results