Cesar Montano says he and wife Sunshine Cruz are "okay"

Aug 5, 2008
"Maayos naman kami [ni Sunshine]. Ang nangyari lang sa amin ay pangkaraniwang nangyayari sa mga mag-asawa. Kaya ang ano ko, ang pag-aasawa ay it's not a bed of roses. Doon malalaman kung anong klaseng sundalo ka sa pakikipaglaban sa buhay," says Cesar Montano about wife Sunshine Cruz.

Todo-todo ang pasasalamat ng aktor at TV host na si Cesar Montano sa mga sumusuporta ng programa niya na The Singing Bee sa ABS-CBN.

"Totoo po na ang laking hirap ko sa show. Ang hirap mag-host, lalo na ako, wala akong kabatuhan. Mag-isa lang akong nagsasalita. Siguro dahil na rin sa pagmamahal ko at yung musicality, hilig ko rin ang musika," bungad ni Cesar sa panayam sa kanya ng The Buzz last Sunday, August 3.

Ang The Singing Bee ang nangungunang programa ng ABS-CBN sa kasalukuyan kaya may balita na bumubuo na diumano ang GMA-7 ng programang tulad kay Cesar.

"Hindi ako makapaniwala. Akala ko, binibiro lang nila ako. Paano ako magna-number one, e, ang dami pang sinasabi sa akin na bakit ganito, maraming kumukuwestyon, bakit ako, ganun," saad ni Cesar.

Nagsalita rin si Cesar sa tunay na estado ng relasyon nila ng asawa niyang Sunshine Cruz ngayon.

"Okay naman," sabi niya. "Maayos na yun at nag-celebrate ako ng birthday ko [last August 1] sa The Singing Bee. Masaya ako because nung kaarawan ko, nagpuntahan lahat sa Singing Bee si Sharon [Cuneta], nandun ang mga anak ko... Nakakatuwa, kumpletong-kumpleto.

Continue reading below ↓

"Maayos naman kami [ni Sunshine]. Ang nangyari lang sa amin ay pangkaraniwang nangyayari sa mga mag-asawa. Kaya ang ano ko, ang pag-aasawa ay it's not a bed of roses. Doon malalaman kung anong klaseng sundalo ka sa pakikipaglaban sa buhay."

Paano sila nagkasundo ni Sunshine?

"Proseso ‘yan, e. Dahan-dahan. Talagang nangingibabaw pa rin ang pagmamahalan."

Nagbigay rin ng pahayag si Cesar sa naging away nina Sunshine at ng kapatid niyang si Ched na nauwi pa sa demandahan.

"Ano lang yun, siyempre nandiyan ang sugat. Pero walang sugat na hindi naghihilom. Ako yung... ganun talaga, nagkakaro'n ng problema ang dalawang tao. Process na lang. Proseso na lang."

Nadamay rin sa isyu nina Sunshine at Ched ang panganay na anak ni Cesar na si Angela.

"Okey naman po sila. Okey na okey sila. Wala silang problema," maikling sabi ni Cesar.

Marami rin ang natuwa sa paglabas ni Sunshine sa The Singing Bee sa birthday celebration ni Cesar. Nagpadala ng text message ang aktres sa The Buzz at ito ang nilalaman:

Continue reading below ↓
"I was invited to greet him. I'm supposed to be a surprise contestant but unfortunately, I've been sick for two weeks and nawalan ako ng boses. I just greeted him na lang. Hindi ko mapapalampas ang pagkakataon na ito na batiin siya dahil isang beses lang sa isang taon mag-birthday ang asawa ko. I just need to greet him. So far, ako naman ang natutuwa. Really hoping for the best."
Read Next
Read More Stories About
Cesar Montano, Sunshine Cruz
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Maayos naman kami [ni Sunshine]. Ang nangyari lang sa amin ay pangkaraniwang nangyayari sa mga mag-asawa. Kaya ang ano ko, ang pag-aasawa ay it's not a bed of roses. Doon malalaman kung anong klaseng sundalo ka sa pakikipaglaban sa buhay," says Cesar Montano about wife Sunshine Cruz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results