Kris Aquino and James Yap spend time together in New York and Las Vegas

by Julie E. Bonifacio
Aug 5, 2008
"Two months namin plinano. ‘Eto yung break ni James sa basketball, so super nag-ano, nag-double time talaga ako sa pagte-taping para makapunta kami," says Kris Aquino about her U.S. trip with husband James Yap.

Ipinalabas ang exclusive footage ng pag-alis ng Pililipinas ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap sa The Buzz last Sunday, August 3. Magkasamang umalis sina Kris at James papuntang Amerika para magbakasyon.

Matapos ang matitinding kontrobersiya na pinagdaanan nila, pinatunayan ng mag-asawa ang tatag ng kanilang pagsasama. Sa huling panayam sa kanila ng The Buzz, sinabi nila na malaki ang naitutulong sa kanila ng marriage counseling.

"Nakakatulong talaga sa amin ngayon na... Parang kasi, di ba, huwag mo na pag-usapan na nagka-counseling kayo kasi parang inamin mo na may problema, e. Lahat naman ng tao may problema. E, yung sa amin talaga, it helps a lot," saad ni Kris.

Sabi naman ni James, "Feeling ko tama ka, ‘tapos mali pala. Yun ang maganda sa counseling naming dalawa. ‘Tapos sinasabi namin kung ano yung weaknesses namin."

Ibinahagi rin ni Kris ang bakasyon nila sa Amerika bilang regalo nila sa isa't isa for their third wedding anniversary.

Continue reading below ↓

"Ang hatian namin, sagot ko ang air fare, sagot niya ang hotel. Hindi niya na-compute na lugi siya kasi mas mahal yung hotel. Sabi niya, ‘Ako na yung hotel.' ‘Tapos nung kinompute ko, ipinakita ko, nakalamang ako!" sabay tawa ni Kris.

Umalis noong Sabado ng gabi, August 2, sina Kris at James patungong U.S. Ito ang unang pagkakataon na silang dalawa lang ang magkasamang bibiyahe para magbakasyon sa Amerika. Sa Ninoy Aquino International Airport ay nakunan ng ilang pahayag si Kris bago sumakay ng eroplano.

"Nine days sa New York ‘tapos five days sa Las Vegas, ‘tapos balik na dito," sabi ni Kris.

Bagamat hindi kasama papuntang U.S., naghatid naman sa airport ang mga anak nina Kris at James na sina Baby James at Joshua.

"Two months namin plinano. ‘Eto yung break ni James sa basketball, so super nag-ano, nag-double time talaga ako sa pagte-taping para makapunta kami," lahad ni Kris, who hosts Boy & Kris and Kapamilya Deal Or No Deal in ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Pero bago umalis ay nakipagkita muna ang mag-asawa sa ina ni Kris na si former President Cory Aquino para magpaalam.

Kuwento ni Kris, "Sabi niya, ‘Safe trip, enjoy and see.' Nag-text kami at six o'clock ‘tapos kasi, I was off Thursday, so nag-dinner kami. ‘Tapos yun lang, ang balik namin dito August 18 para few days before sa 25th [death] anniversary ng Dad ko [Ninoy Aquino]."

Pagkatapos ay nagpaalam na si Kris sa kanyang mga anak sa Pilipinas.

"Since may school, three times a week, dadalaw din sila sa mom ko."

Ayon sa The Buzz, dumating dito sa Manila ang ina ni James mula Escalante para siya muna ang magbabantay kina Joshua at Baby James habang nasa Amerika sina Kris at James.
Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino, James Yap
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Two months namin plinano. ‘Eto yung break ni James sa basketball, so super nag-ano, nag-double time talaga ako sa pagte-taping para makapunta kami," says Kris Aquino about her U.S. trip with husband James Yap.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results