Albert Martinez signs with PLDT Smart Foundation and Cinema One to help local indie filmmakers

IMAGE 0


"What we wanted to do with the help of PLDT Smart Foundationis para makatulong sa mga bagong filmmakers na bigyan natin sila ng venue,bigyan natin sila ng tamang suporta para isapelikula ang kanilang mga proyekto.With the help of PLDT Smart Foundation, mabubuksan namin ang maraming mgapagkakataon. Alam kasi namin na maraming magagaling na mga filmmaker na kulanglang talaga sa financial support," says Albert Martinez.



Pinaniniwalaan na kung naging matamlay man ang local filmindustry sa paggawa ng mga mainstream movies, malaki naman ang naitutulong ngmga independent films para makagawa pa rin ng mga pelikulang dekalidad, sakabila ng limitadong budget at kagamitan.

Mga pelikulang nagbigay din ng karangalan sa ating bansadahil sa pagkilala ng mga international award-giving bodies,masasabing slowly but surely ay natatanggap na ng publiko ang ganitong mga pelikula.

Kamakailan nga ay isang contract-signing ang nasaksihan ngPEP (Philippine Entertainment Portal) sa pagitan ng Cinemabuhay headed by itspresident Mr. Albert Martinez, PLDT Smart Foundation and Cinema One. Tiyak naikatutuwa ito ng mga baguhan pero may potensyal na mga filmmakers ng bansa.

"This is a tie-up between PLDT Smart Foundation, Cinemabuhayand Cinema One. Ang Cinema One ang magiging venue ng mga pelikula ngCinemabuhay and PLDT Smart Foundation, and sisimulan namin ito sa NumbalikDiwa kung saan kasama ko sina Meryll Soriano, Ping Medina, and Ms. MaricelSoriano who won as Best Actress last year sa Cinemanila for this film.

"Actually it took three years para kumbinsihin ang PLDTSmart Foundation to support my cause. It took a while, with help of Mr. MannyPangilinan, it materializes now and then their president Mr. Butch Meily isgiving me 100 percent support to make sure yung dream and vision of Cinemabuhay tohelp this film industry is tumatag pa lalo.

"What we wanted to do with the help of PLDT Smart Foundationis para makatulong sa mga bagong filmmakers na bigyan natin sila ng venue,bigyan natin sila ng tamang suporta para isapelikula ang kanilang mga proyekto.With the help of PLDT Smart Foundation, mabubuksan namin ang maraming mgapagkakataon. Alam kasi namin na maraming magagaling na mga filmmaker na kulanglang talaga sa financial support."

PLDT SMART FOUNDATION. Sa interview ng PEP kay Mr.Butch Meily, PLDT Smart Foundation president, nagpahayag siya ng pasasalamathindi lamang kay Mr. Albert Martinez kundi maging sa ibang mga artista na hindina nagpataas ng kanilang mga talent fees para gumawa ng pelikula sakanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Albert has been a big part of it. Impressive din yung mgaartista natin kasi they have agreed to work for really below their workingwages. Yung iba nga, libre pa."

PLDT Smart Foundation also expressed gratitiude toCinema One for being the venue.

"Cinema One has been a great partner. You have the mediumand we can help to give you some content for it. After Numbalik Diwa, westill have three movies in the pipeline. Sana everyone will get the chance towatch these films."

CINEMA ONE. Sa parte naman ng Cinema One, nakapanayamnamin si Mr. Ronald Arguelles, Channel Head of Cinema One.

"Yung contract-signing is the acquisition o pagkuha ngpelikulang Numbalik Diwa para ipalabas sa Cinema One ngayong August. This is just part of the relationship ng Cinemabuhay, PLDT at Cinema One.Hopefully na marami pa silang pelikula na mapapalabas din sa Cinema One.

"Yung ipinapalabas nilang mga digital movies or yung mganaa-acquire naming mga digital movies na mangaggaling sa Cinemabuhay,ipapalabas namin sa bagong movie block ng Cinema One na magpo-program, orilalagay namin lahat ng digital movies sa isang movie block to create awarenessna itong mga digital movies ay may magagandang content din para sa moviechannel ng Cinema One.

"Yung movie block ay magiging venue ng mga digital movies namga bago sa Cinema One, kasi ang madalas na pinapanood natin ay mga mainstreammovies, mga lumang pelikula. Itong mga bagong pelikula, para mayroon din kamingmga audience na naiiba at may gusto ng mga digital movies.

"Hindi na namin sila mai-ignore, nandiyan sila, kailanganding makita ng maraming tao, na hindi nakakapanood ng sine, ang mga digitalmovies na ito, so, kailangan din nilang mapanood sa Cinema One. This is theperfect venue for them to watch all these movies para yung mga napapalabas saCinema One iba-iba rin. Para lahat ng klaseng putahe na nakakain nila sa isangvenue tulad ng Cinema One."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN