Former sweethearts JC de Vera and Michelle Madrigal face-off in "Don't Lie To Me"

Aug 19, 2008
Michelle Madrigal and JC de Vera used to be an item. Their paths crossed again when Michelle transferred to GMA-7, where JC is a contract artist.

Sa absence ni John "Sweet" Lapus Lapus noong Linggo, August 3, sa Showbiz Central, ang singer-comedian na si Allan K ang pansamantalang humalili kay Sweet bilang celebrity interrogator sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central.

Sa Face-Off Edition ng "Don't Lie To Me," ang dating magkasintahan na sina JC de Vera at Michelle Madrigal ang magkabasay na sumailalim sa lie-detector test.

First question: Noong time na mag-on pa kayo, may balitang third party ang dahilan. Pinagsabay mo nga ba, JC, sina Pauleen Luna at Michelle bilang girlfriends?

Parehong "No" ang naging sagot nina Michelle at JC sa tanong na ito. Pero "Truth" ang lumabas kay Michelle at "Lie" naman ang kay JC.

Paliwanag ni Michelle, "No naman, kasi nauna naman si Pauleen bago ako. Ewan ko kung bakit ‘lie' sa kanya [JC]. Meron ba? Hindi ko alam, baka naman napagsabay mo pala kaya ‘lie' ang sa ‘yo!" natatawang biro ni Michelle kay JC.

Continue reading below ↓

Hirit naman ni JC, "Hindi mo ba alam? Ha-ha-ha! Biro lang, biro lang! Nauna naman talaga si Pauleen. Actually, hindi pa yata artista si Michelle noon. Mga six or seven months kami ni Pauleen, pero after that, naging kami ni Michelle at saka bagong pasok pa lang niya sa showbiz noon. Besides, bakit naman ako magsasabay?"

"At saka, alam ni Pauleen yun. Nang magkahiwalay kami, hindi na kami masyadong nag-usap hanggang sa lumipat siya ng GMA.

Second question: Ngayong magkasama na kayo sa bakuran ng GMA, is it true na magkagalit pa rin daw sina Pauleen at Michelle?

"No" for Michelle at "Yes" naman for JC. Magkasalungat ang sagot nila, pero sa lie-detector machine ay parehong "Truth" ang lumabas.

Ayon kay JC, "Nasabi ko lang na 'No', kasi nakita ko lang na hindi lang sila nagpansinan noong mag-guest kami sa Eat Bulaga, noong mag-promote kami ng My Monster Mom. Noong pumasok na kami sa stage hanggang pumunta kami sa backstage... E, si Pauleen pa ang nag-interview sa amin nun."

Continue reading below ↓

Hindi naman ito itinanggi ni Michelle. Aniya, "Actually, kaya naman yung sagot ko naging truth kasi hindi naman talaga kami magkagalit. Ako, hindi naman ako galit sa kanya [Pauleen], kaya siguro truth ang lumabas. Hindi lang kami nagkakausap talaga. Pero nagkita kami at hindi kami nagpansinan. Siguro hindi kami pareho ready, pero yung galit, wala na. Siguro darating din yung time na kapag parehas kayo, darating na lang yun. Siguro kasi, noong nagkita kami, makikita mo na wala pa, hindi pa talaga ready."

Follow-up question ni Allan kay Michelle, kung makikita raw ba niya si Pauleen ngayon ay babatiin na niya ito?

"Depende," sagot ni Michelle. "Siguro mas magandang magkausap muna kami, yung kaming dalawa, at hindi yung sa harapan ng maraming tao, di ba?"

Third question: Ngayong may balitang close ulit kayo ni Michelle, totoo bang nagseselos daw si Yasmien Kurdi kay Michelle?

Parehong "No" ang sagot nina JC at Michelle at pareho rin namang "Truth" ang lumabas sa lie-detector.

Continue reading below ↓

Ayon kay JC, "Totoo naman, e. Wala naman kasing dapat ikaselos si Yas. Yung ginawa namin ni Michelle sa My Monster Mom, work lang. Kami kasi ang mag-partner ro'n. Nagkakaroon ng isyu na kesyo nagseselos daw si Yas dahil magka-partner kami ni Michelle, na may kissing scene raw kami."

Tanong naman ni Allan kay Michelle, naramdaman ba niya na parang nagselos nga sa kanya si Yasmien?

"Hindi naman, naririnig ko lang. Sabi nila, bali-balita sa kalye. Pinapansin naman niya ako kapag nagkikita kami," saad ni Michelle.

Fourth question: Dahil sa Yasmien-JC-Michelle love triangle, totoo ba na hindi nagpapansinan sina Michelle at Yasmien kapag nagkikita ang dalawa sa GMA-7?

"No" ang sagot ni Michelle at "Yes" naman ang sagot ni JC. Dahil dito, "Truth" ang lumabas kay JC at "Lie" naman kay Michelle.

Idinepensa agad ni Michelle ang resulta ng sagot niya. "Uy, nagpapansinan naman kami! Grabe ka, JC!"

Sabi naman ni JC, "Hindi pa yata sila nagkakaharap, wala pa yatang chance."

Continue reading below ↓

Fifth question: Sa mga shows na magkasama kayo, extra-sweet ka raw, JC, kay Michelle tuwing magkikita kayo. May chance pa ba na magkabalikan kayo?

Sa puntong ito, napahubad na ng T-shirt niya si Allan dahil mahirap daw palang magsayaw na may suot na damit.

Parehong "No" ang sagot nina JC at Michelle at parehong "Lie" ang naging resulta ng mga sagot nila.
Read Next
Read More Stories About
Pauleen Luna, Allan K
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michelle Madrigal and JC de Vera used to be an item. Their paths crossed again when Michelle transferred to GMA-7, where JC is a contract artist.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results