Anne Curtis wants Sam Milby to be her boyfriend but "there's no need to rush"

Aug 5, 2008
"Nasa kanya ang qualities, kaya lang, there's no need to rush. Kung mangyayari lang kasi, ang gusto ko, si Sam na talaga ang maging boyfriend ko. I'm already 23, kaya walang magiging problema," says Anne Curtis about Sam Milby.

Perfect daw ang timing ni Sam Milby sa pagpasok sa buhay ni Anne Curtis. Ito ang dahilan kung bakit parang mas may magandang development na namamagitan ngayon kina Anne at Sam, kung ikukumpara sa naging kaugnayan nina Anne at Luis Manzano, na very close pa rin naman until now.

Magkakasama pa naman ang tatlo sa Dyosa, ang bagong fantaserye ng ABS-CBN, na gumagawa na ng ingay dahil nakatakda nang mag-premiere ito sa August 11. Sa presscon ng Dyosa kahapon, August 4, Manila Ocean Park Manila, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) para usisain si Anne tungkol sa anggulong ito.

"Kay Manzano kasi, during that time, parang ang dami kong gustong gawin. I wasn't ready for anything. Kaya masasabi kong ngayon, okey ang pasok ni Sam, kasi parang mas ready ako. Although sabi ko nga, wala pang officiality ang relasyon namin ni Sam. It's getting there though," paglalarawan ng young actress sa sitwasyon nila ni Sam.

Continue reading below ↓

Hindi raw nila kailangang magmadali. Ang importante raw ay masaya sila ngayon.

Hindi pa ba nakikita ni Anne kay Sam yung qualities ng magiging boyfriend niya kaya hanggang ngayon ay hindi pa niya ito sinasagot, kung totoo ngang hindi pa sila?

"No!" mabilis na tugon ni Anne. "Nasa kanya ang qualities, kaya lang, there's no need to rush. Kung mangyayari lang kasi, ang gusto ko, si Sam na talaga ang maging boyfriend ko. I'm already 23, kaya walang magiging problema."

Dati na raw na sila ni Sam, pero nag-split sila. Binalikan daw siya ni Sam at nagsimula itong manligaw uli noong December last year. May kaugnayan kaya ang dahilan ng nabanggit na split na yun kaya may takot kay Anne na sagutin ang matinee idol?

"Hindi naman masakit, as in nagka-trauma ako? Of course not!" natatawang sabi ni Anne. "Nagka-convictions lang kasi ako during that time. I went through a personal crisis, na kaya kami nag-split, siya [Sam] ang magiging distractions doon.

Continue reading below ↓

"Kaya nga, dumating uli siya sa akin at that time na parang settled na uli ang lahat, at maayos na tumatakbo ang buhay ko. Right timing na lang siguro, hindi porke pareho na kaming Christians. Hindi uso sa akin ang pagpapakipot. Sabi ko nga, ang mahalaga ngayon, pareho kaming okay at masaya, and there's no need to rush," pagdidiin muli ng young actress.

Sinabi rin ni Anne na raw siyang ibang hinahanap pa kay Sam.

"It's just right timing, and we just have to wait," aniya. "Matagal ko na ring kakilala si Sam, at yung more than a half year na panunuyo uli niya sa akin, may magandang nagiging resulta yun. Two years na kaming magkaibigan, at kilala ko na rin siya. Wala na siyang dapat pang patunayan."

BEING "DYOSA." Ano naman ang reaksiyon ni Anne sa isyu na parang lakas lang daw ng loob ang pinanghahawakan ni Anne sa pagiging "dyosa," samantalang sa surveys, sinasabing mas sexy sa maraming kalalakihan ang mga gaya nina Marian Rivera at Katrina Halili?

Continue reading below ↓

"Ay, hindi ko na kailangang mag-comment pa sa ganyan!" pag-iwas ni Anne. "Kasi may kanya-kanyang tingin ang mga tao kung sino ang mas sexy. Para sa akin, hindi naman importante 'yan, na parang nakikipag-compete pa ako para lang sa title na Dyosa, di ba?

"It's just a character which I'm portraying, at ako naman ang bida sa fantaserye, which happens to have a title na Dyosa. Indeed, I'm enjoying the feeling, that people are considering me a goddess and they call me Dyosa. Ganoon na lang, and I don't want to be affected by the opinion of other people," tahasang sabi ni Anne.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nasa kanya ang qualities, kaya lang, there's no need to rush. Kung mangyayari lang kasi, ang gusto ko, si Sam na talaga ang maging boyfriend ko. I'm already 23, kaya walang magiging problema," says Anne Curtis about Sam Milby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results