KC Concepcion denies report that she and Richard Gutierrez have been together for four months now

by Julie E. Bonifacio
Aug 5, 2008
"Tulad ng sinabi niya, meron nga po siyang na-open up sa akin na ako lang ang may alam, ganun. Kumbaga, pinasok namin ang isa't isa kung sino kami talaga. So, ang maganda no'n, nagpapakatotoo kami sa isa't isa. Kung ano yung mga nangyari sa buhay niya. Ako rin ganun. Kumbaga, accept lang," says KC Concepcion about intimacy with leading man Richard Gutierrez.

Kahit may sariling condo unit na si KC Concepcion, nananatili pa rin siyang nakatira with her family. Kung tutuusin, puwede na talagang buhayin mag-isa ni KC ang kanyang sarili plus the fact na nakabili na siya ng sarili niyang lugar na tutuluyan.

"For investment lang," ngiti ni KC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng For The First Time ng Star Cinema Productions last July 31 sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Wala ba siyang balak tirhan ang nabili niyang condo?

"Maybe for a while para ayusin and para malaman kung okey yung mga pipes. Pero palipat-lipat ako—Wack-Wack-Dasma, Dasma-Wack-Wack. Doon din po ako lumaki, di ba?" saad ni KC.

KNOCKING ON RICHARD'S DOOR. Tinanong namin si KC kung bakit hindi niya suot ang identical bracelet na binili ng leading man niya na si Richard Gutierrez sa shooting nila ng For The First Time sa Greece.

"Nasa bag ko," sabay turo ni KC sa kanyang bag na dala ng kanyang assistant na si Jenny.

Continue reading below ↓

Ayon kay Richard, may ibig sabihin ang symbol na nakalagay sa bracelet. "Rain or shine" ay magkasama raw yung babae at lalaki na para kay Richard, parang ganun din silang dalawa ni KC.

"Ay, talaga?" nakangiting reaksiyon ni KC. "Ano siya, metal siya ‘tapos may sinulid doon sa metal na tinahi kaya cute siya."

Nilinaw ng PEP kay KC ang sinabi ni Richard na kinatok niya ang kuwarto ng young actor sa hotel nila sa Greece. Dinalhan daw kasi ni KC si Richard ng breakfast sa kuwarto na hindi magandang pakinggan para sa mga dalagang Pinay.

"Oo nga. Ano ba ‘yan? Bakit mo sinabi na kumatok ako sa kuwarto n'yo?" tanong ni KC kay Richard, na katabi lang niya that time.

"Ay, kailan ko sinabi kumatok ka sa kuwarto ko?" nalito naman na pahayag ni Richard. Paulit-ulit at madiin na sinabi ni Richard na wala siyang sinabi na si KC ang kumatok sa kuwarto niya, but it was her assistant na si Jenny.

Continue reading below ↓

"Yeah, yung assistant ko ang nagdadala ng pagkain [kay Richard]," paglilinaw ni KC.

Dugtong naman ni Richard, "Pero siya [KC] ang nag-prepare."

"Naku, huwag naman ninyong gawan ng ano ‘yon, please, please, please. Grabe naman!" pakiusap ni KC.

"Yes, ang sabi ko si Jenny. Sabi sa akin, ‘Chard, galing kay KC.' Hay naku, guys!" buntung-hininga ni Richard.

Ayon pa kay KC, "Kumakain din po ako doon kasi ang call time namin doon, 6 a.m. Five o'clock kailangan nagme-makeup na kami."

"Tsaka kasi siya ang unang nagigising, e," dugtong ni Richard.

"Ako kasi yung may alarm clock," sabi naman ni KC.

FIRST MOVIE TOGETHER. Kitang-kita ang pagiging close nina Richard at KC after doing their first movie together.

Sabi ni KC, "Yun nga po, tulad ng sinabi niya, meron nga po siyang na-open up sa akin na ako lang ang may alam, ganun. Kumbaga, pinasok namin ang isa't isa kung sino kami talaga. So, ang maganda no'n, nagpapakatotoo kami sa isa't isa. Kung ano yung mga nangyari sa buhay niya. Ako rin ganun. Kumbaga, accept lang.

Continue reading below ↓

"Siya lang ang pinakaunang lalaki na nakatrabaho ko, lalo na abroad," patuloy ng dalaga. "You know, talagang ano... 'Tsaka mabilis ako talaga, like pati kina Direk Joyce. Naa-attach ako kay Direk Joyce, naa-attach ako sa EP namin. What more yung kaeksena mo?

"Yung, di ba, nagpe-presscon kami together? Parang marami akong naututunan sa kanya just by watching. Ang tagal-tagal na niya nandito [sa showbiz], nakakahiya naman ako lang yung pinakabago sa kanilang lahat, di ba? So, parang yun. Tama lang siguro na maging close kami kahit konti," paliwanag ng panganay na anak ni Sharon Cuneta.

FOUR MONTHS ON? May nagsasabi na four months na sila na mag-on ni Richard. Totoo ba ito?

"Huh! Hindi, sobrang hindi po talaga!" nagulat na reaksiyon ni KC.

"What's four months ago ba? March? Ay, hindi! Yun yung lumabas yung flowers and all, pero hindi, e. Siguro nagkakilala kami in the last four months," paliwanag niya.

Continue reading below ↓

May mga text messages pa raw sila sa isa't isa bago matulog. Totoo ba?

"Tanungin n'yo siya," sagot ni Richard.

Nagbiro naman si Richard at sinakyan ang isyu. Sabi ni Richard may ‘mwah, mwah' raw ang text message niya kay KC.

"Ay, sobra ka naman! It was only a joke. Mga goodnight lang, ganun. PS U, ganun!" sabay tawa ni KC.

Naipagluto ba niya si Richard?

"Wala po kaming time magluto talaga. If ever meron, kung ano lang yung nandun," sabi ni KC.

KC'S SEX APPEAL. At first glance sa maiksing trailer ng movie nila ni Richard, tila lumabas ang kaseksihan ni KC.

"Siguro po it was my character ko rin po yun na babae siya, e, so sobrang... Puwede kang maging sobrang strong-willed na sobrang go-getter na independent. Pero ‘pag nakaramdan siya ng ganun na pag-ibig, puwede mong labanan, puwede ring hindi. Depende doon sa ginagawa mo at makikita ng tao yung difference."

Continue reading below ↓

In fairness, isa si KC sa mga seksing aktres na pumasok sa listahan ng FHM's Sexiest Women this year.

"Ha? E, di good. Babae naman po ako," saad niya.

Inalok na ba siya na mag-pose sa cover ng isang sexy magazine?

"Ewan ka kay SK [Shirley Kuan, her manager]. Pero hindi naman po ako nagpapa-sexy. So kung ‘yon pa ang tingin ng tao, sometimes ang ganda kasi hindi naman po ako tingting or what, you know, parang curves naman yung sa akin, e. Proud ako sa curves ko and ako yung tipo na Filpina na, yun nga, may halong konti. Hindi naman ako yung talagang payat na matangkad. So, kung na-aappreciate ng tao yun, maganda yung feeling, di ba? Kasi hindi mo kailangang maging sobrang payat para maging sexy ka lang," lahad ni KC.

DUET WITH THE MEGASTAR. Sa nalalapit na concert ng mommy ni KC na si Sharon sa August 8 sa Araneta Coliseum, magdu-duet daw ang mag-ina ng isa sa theme song ng movie ni Sharon with KC's dad, Gabby Concepcion.

Continue reading below ↓

"Dear Heart," banggit ni KC.

Napanood na ba niya ang Dear Heart?

"Before, pero ang favorite ko ngayon Friends In Love.

Dahil ba yun ang theme song nila ni Richard?

"Ay, patay! Ayan na!" tawa niya.

Read Next
Read More Stories About
KC Concepcion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Tulad ng sinabi niya, meron nga po siyang na-open up sa akin na ako lang ang may alam, ganun. Kumbaga, pinasok namin ang isa't isa kung sino kami talaga. So, ang maganda no'n, nagpapakatotoo kami sa isa't isa. Kung ano yung mga nangyari sa buhay niya. Ako rin ganun. Kumbaga, accept lang," says KC Concepcion about intimacy with leading man Richard Gutierrez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results