Rufa Mae Quinto joins Filipinos in saving resources due to economic crisis

IMAGE 0


"Ngayon, parang nakakahiya nang gumastos ng sobra.Kasi napapanood ko sa TV na maraming hindi kumakain, maraming nawawalan ngtrabaho, at maraming mga bata na hindi nakakapag-aral. Kaya masuwerte ako namay trabaho ako at kumikita ako nang maayos ‘tapos ang pamilya ko aywell-provided naman," says Rufa Mae Quinto.



Sa nararanasang krisis ngayon ng Pilipinas ‘tulad ng pagtaasng presyo ng gasolina at ng mga pangunahing bilihin, pati ang mga artista aynatututo na ring sumabay sa pagtitipid ng mga karaniwang tao.

Kabilang ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa natutonang magtipid. Kahit marami raw siyang kinikita dahil sa sunud-sunod na TV shows,pelikula, at mga out of the country shows, alam daw niya kung ano angsituwasyon ng bansa ngayon kaya gusto niyang makiisa sa pagtitipid.

"Inaamin ko na dati grabe akong gumastos," panimula ni RufaMae sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "As in, super kung mag-shopping ako. Reason ko naman kasi, nagtrabaho akonang bonggang-bongga kaya gagastos ako nang bonggang-bongga rin.

"Pero ngayon, parang nakakahiya nang gumastos ng sobra.Kasi napapanood ko sa TV na maraming hindi kumakain, maraming nawawalan ngtrabaho, at maraming mga bata na hindi nakakapag-aral. Kaya masuwerte ako namay trabaho ako at kumikita ako nang maayos ‘tapos ang pamilya ko aywell-provided naman.

"Kaya sinimulan ko na ang maging matipid. Nililista ko nangayon ang mga naging gastos ko sa isang linggo at isang buwan. Para alam kokung saan pumupunta ang kinikita ko, di ba? Mahirap na yung labas ako nanglabas ng pera, ‘tapos hindi ko alam saan ko nagastos.

"Sabihin na nila na nagiging kuripot na ako, pero yun namanyata ang dapat ngayon. Hindi porke't malaki ang kinikita ko, magiging pabulosaako. Hindi nila alam na kapag malaki ang kita, malaki rin ang gastos," pahayagni Rufa Mae nang makausap siya ng PEP sapresscon ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You).

Sinimulan na nga ni Rufa Mae ang pagtitipid sa kanyangbahay. Kung dati raw ay tatlong aircon ang umaandar, ngayon ay isa na lang daw.Pati na ang paggu-grocery ay nililista na niya para hindi doble-doble angnabibili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isang aircon na lang ang ginagamit namin. Lahat kami nasakuwarto ko para yung aircon ko lang ang umaandar. Nagsisiksikan kami sa kuwartoko para one aircon lang, di ba? Mataas na kasi ang kuryente. Ayokong mapuntalang sa kuryente ang mga kinikita ko sa raket.

"E, di ba, may opisina pa ako sa bahay? Kapag wala rin langtao, patay ang aircon ng office. ‘Tsaka pinapatanggal ko sa saksakan lahat ngmga hindi ginagamit na mga appliances.

"Sa groceries kasi noon, kuha lang ako nang kuha. Wala akongcare sa presyo. Ngayon, talagang mabusisi na ako. Kung hindi rin langkailangan, hindi ko bibilihin. ‘Tsaka nagku-compare na ako ng prices. Doon akosa mas mababa, pero okey naman. Kailangan nating maging aware kasi mahal nalahat ng bilihin," lahad niya.

Sa kotse naman ni Rufa Mae ay diesel na ang gasolinang gamitniya para mas tipid daw.

"Bago pa tumaas yung gasoline, nagpalit na ako ng sasakyan.Nag-change ako sa diesel tank. Mas matipid kasi kumpara sa gasoline. ‘Tsakangayon, isang sasakyan lang ang gamit ko sa mga lakad ko. Dati kasi iba-iba,ngayon relax muna yung iba at isa lang ang gamit ko para matipid."

Nabanggit din ni Rufa Mae na nagbebenta na siya ng ibangdesigner bags at shoes niya. Para mabawasan at pagkakitaan niya raw ang mga itokahit second hand na.

"Sa mga close friends ko lang naman inaalok. May mga bags atshoes kasi ako na minsan ko lang nagamit. Yung iba, bihira kong magamit kayaibenta ko na lang kesa nakatengga sila doon. Kahit second hand, kikita pa rinako kahit papa'no, di ba? Pagiging praktikal lang ‘yan ngayon," saad ni RufaMae.

Kasalukuyang tinatapos ni Rufa Mae ang pelikulang Singlepara sa Viva Films kung saan co-producer siya under her On-Q 28 Productions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN