Luis Manzano stands by rumored girlfriend Angel Locsin amidst past issue with Claudine Barretto

by Rose Garcia
Aug 6, 2008
"Ako naman, masasaktan ako kapag nakikita ko siyang [Angel] nasasaktan. She knows how to handle it. She gets affected, pero hindi naman siya yun kaya bakit niya babaguhin ang sarili niya?" says Luis Manzano about rumored girlfriend Angel Locsin.

Masuwerte si Angel Locsin dahil may defender siya sa lahat ng isyung idinidikit sa kanya sa katauhan ng rumored boyfriend niya na si Luis Manzano.

"Of course, it gets to her sa laki ng mga isyung naibabato sa kanya. But she's smiling. Ang gusto niya, magtrabaho. And I think, 99 percent na mga kilala niya, alam ang totoo," pagtatanggol ni Luis kay Angel sa press conference ng Dyosa sa Manila Ocean Park noong August 4.

What about Luis, hindi ba siya naapektuhan sa naging away nina Angel at Claudine Barretto?

"Alam ko ang totoo kaya okey lang sa akin," sagot niya. "Ako naman, masasaktan ako kapag nakikita ko siyang [Angel] nasasaktan. She knows how to handle it. She gets affected, pero hindi naman siya yun kaya bakit niya babaguhin ang sarili niya?"



Ano ba si Angel sa pagkakakilala niya?

"Not just pagkakakilala ko... We see how loving she is, especially sa family niya. That's a perfectly good example. Sabi nga ng mommy ko [Governor Vilma Santos] one time, one thing that she really loves about Angel ay kung gaano siya ka-loving sa kanyang daddy [Mr. Angel Colmenares]. Na bawat pagod niya, bawat puyat niya, [para] sa daddy niya ginagawa. So it shows how loving a person she is.

Continue reading below ↓

"At ang dami niyang natutulungan, which is walang nakakaalam; and for me, the right thing. Never siyang tumulong para lang sa press release or magpa-presscon para sa isang charity. Ang dami-dami niyang natutulungan na mas gugustuhin niyang walang nakakaalam," papuri ni Luis sa rumored girlfriend niya.

Pero si Luis ba ay walang pinanigan kina Angel at Claudine?

"Well, I'm also close to Claudine being the anak-anakan din ni Mommy. But I'm very very much closer to Angel, so I was with her all throughout," sagot ni Luis. (Nagkasama sina Vilma at Claudine sa blockbuster hit na Anak ng Star Cinema.)

May nabago ba sa pananaw niya kay Claudine?

"You know, it's hard but one instance does not necessarily define a person, di ba? Pero parang ganoon lang. Hindi dahil sa isang pagkakamali ay ganoon na agad ang tao. I would still say hi to her. I would still talk to her," sabi ni Luis.

Continue reading below ↓

STATUS OF RELATIONSHIP. Gaano na ba sila katagal na happy ni Angel?

Natatawa si Luis nang sumagot. "Siguro, I started being happy noong makasama ko siya sa States. Around August siguro last year, so one year na. Noon ko siya nakilala. Nagsu-show ako ro'n for Tito Al Chu and she was there before siyang pumunta ng London to study. E, di ba, nag-hiatus siya for a while? E, kilala rin niya si Tito Al. After ng three days, maglo-London na siya. I got her number and every day, we chat, we talk. Actually, napangiti talaga ko noong siya na ang unang nag-message sa YM."

During the time na sila pa ni Nancy Castiglione, isa si Luis sa napaka-open na lalaki when it comes to his relationship. Pero how come this time, tila pigil na pigil sa kanya ang pag-amin gayong obvious naman na sila na ni Angel?

"Well, one is, siguro this is my second na showbiz relationship. Ang una talaga is Nancy and that was a long time ago. At kumbaga, that time, hindi ko pa fully understand ang law ng showbiz," paliwanag niya.

Continue reading below ↓

Officially, sila na ba talaga ni Angel?

"We have a very, very good bond," nakangiti niyang sabi.

LOVE TRIANGLE. Kumusta naman sila ng minsan ding na-link sa kanya na si Anne Curtis? Incidentally, si Luis ang isa sa leading men ni Anne sa Dyosa along with Zanjoe Marudo and Sam Milby, rumored boyfriend of Anne.

"Si Anne naman, every time na kasama ko siya, it's always pleasant," maikling tugon ni Luis.

Hindi ba siya naiilang seeing how sweet and close Anne and Sam are?

"Hindi! Sila ang mailang sa akin!" biro ni Luis. "Well, as long as they are happy, they are smiling, bakit ako maiilang?"

Actually, para ngang naiilang si Sam sa kanya, lalo pa nga't alam nito na dati siyang nanligaw kay Anne at isa sa lalaking malapit pa rin hanggang ngayon sa young actress.

"I don't think na naiilang si Sam. Sam understands and respects yung bond namin ni Anne. Yung length, yung depth, he understands that," sabi ni Luis.

Continue reading below ↓

NUDE SCENE. Balitang may nude scene si Luis sa Dyosa kung saan gumaganap siya bilang merman.

"Kasi, medyo revealing lang yung transformation scene at saka merman costume. Siyempre, may konting skin. It's a body paint na it takes four hours to put on and another two hours to remove. Ang call time ko dati is 2 a.m.," kuwento ni Luis.

Hindi ba nagkakaroon ng sapawan o kumpetisyon sa kanilang tatlong leading men ni Anne?

"Well, siyempre, yung mga characters namin... Like ako, I try na talunin itong si Adonis which is si Sam, and then there's Zanjoe. Pero sa totoong buhay, we get to laugh, We get to talk."

Would he say, ito ang pinaka-daring niyang role?

"You know what, you have to watch it for you to say daring talaga. Pero may ipinakita ako, yun lang," nakakabiting sagot ni Luis.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako naman, masasaktan ako kapag nakikita ko siyang [Angel] nasasaktan. She knows how to handle it. She gets affected, pero hindi naman siya yun kaya bakit niya babaguhin ang sarili niya?" says Luis Manzano about rumored girlfriend Angel Locsin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results