Vic Sotto proposes National Artist Award for Dolphy

by Rose Garcia
Aug 6, 2008
"Para sa akin, siya talaga ang ‘Master.' Tama lang talaga na tawagin siyang King of Comedy. Siya lang at wala nang iba pa," says Vic Sotto of his Dobol Trobol, Ready To Rambol co-star Dolphy.

Hindi itinatago ni Vic Sotto kung gaano niya iniidolo ang King of Comedy na si Dolphy, kung kaya't ganoon na lang kaespesyal para kay Vic ang kauna-unahang pelikulang pinagsamahan nilang dalawa, ang Dobol Trobol, Ready to Rambol ng RVQ, M-Zet at APT Film.


"The mere fact na si Dolphy, matagal nang hindi nakakagawa ng movie, matagal na tayong hindi natatawa. Fan ako, e, idol ko ‘to. Sa shooting nga, kami nina Wally Jose, mga fan kami na nanonood kami kapag siya lang ang may eksena. Namumulot kami.

"Para sa akin, siya talaga ang ‘Master.' Tama lang talaga na tawagin siyang King of Comedy. Siya lang at wala nang iba pa," simulang pahayag at mga papuri ni Bossing sa kanyang co-star sa pinuntahang press conference ng PEP (Philippine Entertainment Portal) for the movie sa Imperial Palace Suites, kagabi, August 5.

Mas lalo pa raw siyang humanga kay Mang Dolphy nang makasama na niya ito.

Continue reading below ↓

"Dati ko pang gusto ang ugali ni Dolphy sa mga naririnig ko, sa mga nababasa ko. Pero, nang magkasama kami nang matagalan—kasi dati pa kaming nagkikita, ‘hi,' ‘hello,' pero, ngayon lang talaga kami nagkasama ng maraming panahon at oras—doon ko nakita na totoo pala ang mga nababalitaan ko.

"At yung paghanga ko sa kanya noong araw pa, lalong naragdagan ngayon nang makilala, makausap, at makasama ko siya sa eksena. Doon ko nakita yung ganda ng pagkatao ni Dolphy."

Bilang isa sa very vocal sa paghanga sa Hari ng Komedya, buong-ningning na sinabi ni Vic na definitely, dapat na nga raw iluklok si Mang Dolphy bilang isang National Artist.

"I will support that!" buung-buo at maagap nga niyang tugon.


THEIR SIMILARITIES. Kung mayro'n mang papalit or hahalili sa King of Comedy, ngayon pa lang marami nang nagsasabi na siguradong si Vic ang pinakaposible. Pero, sabi nga, there's only one Dolphy and only one Vic Sotto.

Continue reading below ↓

May similarities bang masasabi sa kanilang dalawa?

"Pareho kaming tahimik, sundut-sundot lang. Ang diprensiya lang, mas marami lang siyang nasundot!" biro ni Vic na ikinatawa ng lahat ng entertainment press sa press conference.

Dugtong pa niya, "Ako naman, matagal na ‘kong tagahanga ni Dolphy. Sa telebisyon, sa pelikula, marami na ‘kong na-‘pirate' sa mga style niya, sa mga roles, characters, karamihan nun, na-pirate ko sa kanya. Ganoon lang, mana-mana lang. Yung paghanga ko, mula noon hanggang ngayon, mas lalo pang tumibay."

Sey naman ni Mang Dolphy, yung sinasabi ni Vic na pinayreyt sa kanya ni Vic, na-pirate lang din daw niya noong araw naman kina Tugo, at iba pang naunang komedyante.

May ibinahagi pang kuwento si Vic na naobserbahan daw niya during their shooting kay Dolphy.

"Sa shooting, kain kami, so, after ng kain, medyo aantukin ka, e. Ang lakas naming kumain. E, di nakatulog si Dolphy, may fans, gustong magpa-picture, so, sabi sa kanya, pa-picture naman. Medyo may muta-muta pa sa mata. Nagpa-picture siya. Ni hindi sumimangot, naka-smile pa siya. Ganoon siya kabait."

Continue reading below ↓

Dugtong pa niya habang natatawa, "Kung ako yun, baka nakapagsungit na ako."

TOGETHER AT LAST. Ilang taon na ring naririnig ng PEP ang planong pagsamahin silang dalawa sa isang pelikula, at ngayon na nga lang nagkaroon ng katuparan.

Ayon kay Vic, "Totoo ‘yan, talagang matagal bago nabuo at matupad ang pangarap ko, way back Okey Ka Fairy Ko days, Home Along da Riles days. Nagkasama kami sa ABS-CBN, sabay ang taping namin, kapag nagkasalubong kami. In passing lang, until finally, nagkahiwalay kami ng landas. Hindi na kami masyadong nagkikita, balitaan na lang. Hanggang sa nagkita kami at napag-usapan nga, ituloy na natin ang pelikula. As early as last year pa, kaya lang nga, nasabay naman sa schedule ko na gumagawa ako noon ng Enteng Kabisote. Finally, late last year, we finally sat down. So, after a few months, nagsimula na ang shooting at tuluy-tuloy na yun.

"Sabi nga ni Dolphy kanina, natapos na natin ang pelikula, hindi pa natin napansin, last shooting day na. Ako, gusto ko pa! Kung sakali, paghahandaan na namin ang sequel nito."

Continue reading below ↓

PERSEVERING RIZA. Vic has a new leading lady in the movie, si Riza Santos. Kumusta naman ang Miss Earth-Canada na kailan lang ay naging kontrobersyal dahil sa diumano'y pang-iisnab sa ilang Kapuso stars?

"She's okay! Ang role niya rito ay anak ni Dolphy. Noong una, parang medyo ninenerbiyos siya dahil hindi pa siya masyadong sanay na magsalita ng Tagalog, pero, nakita naman namin na mapursige siya sa trabaho. She's willing to learn at maganda ang kinalabasan.

"And after the first shooting day, kumportable na siya sa set, hindi na siya masyadong nahihiya, hindi na siya naasiwa."

Read Next
Read More Stories About
Vic Sotto, dolphy
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Para sa akin, siya talaga ang ‘Master.' Tama lang talaga na tawagin siyang King of Comedy. Siya lang at wala nang iba pa," says Vic Sotto of his Dobol Trobol, Ready To Rambol co-star Dolphy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results