Manny Pacquiao disproves retirement rumor

by Melba R. Llanera
Aug 7, 2008
Manny Pacquiao says his mom and his family want him to stop boxing. But he says he can still fight and asked them to give him more time before retiring. Manny says he will have a fight this coming November or December with an opponent that yet to be announced.

Sa mga karangalang ibinigay niya sa bansa sa larangan ng boxing, marami ang nanghinayang nang lumabas ang balita na nagbabalak na raw talikuran ni Manny Pacquiao ang boxing ring.

May mga lumabas na kuwento na diumano'y tatapusin na lang ni Pacman ang huling laban niya this coming November or December at pagkatapos nito'y tuluyan na raw na mamamaalam at magpapahinga na si Manny sa sport na kumilala sa kanyang husay at galing. Siyempre pa, maraming tagahanga niya ang nalungkot nang marinig ang kuwentong ito.

STILL FIGHTING. Pero nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang WBC Lightweight Champ, pinabulaanan niya ang kumakalat na kuwento.

"Yung mama ko, yung pamilya ko, gusto nila mag-stop na ako sa boxing kasi mahirap na. Alam nila kung gaano kadelikado ang boxing. Sabi ko naman, malakas pa naman ako, bigyan pa nila ako ng kaunting panahon para lumaban pa, kasi kaya ko pa naman," pahayag nga ni Manny.

Continue reading below ↓

Kinumpirma sa PEP ng boxing champ na tuloy ang susunod na laban niya bago matapos ang taong ito. Wala pa nga lang katiyakan kung sino ba ang susunod na makakaharap niya sa boxing arena.

"By November or December na siguro ang fight ko, pero ngayon wala pang siguraradong makakalaban. Siguro hintayin na lang natin."

Isa sa isyung ipinukol noon kay Manny ay ang pagkalulong daw nito sa sugal at pagpa-party, kung saan na-involve pa ang boxing champ sa ilang gulo. Siniguro naman niya ngayon sa PEP na tinalikuran na niya nang tuluyan ang bisyong ito.

"Wala na tayo dun, pati pag-inom o gimik, wala na. Yung mga bisyo na ‘yan, lumipas sa buhay natin na di na dapat nating balikan pa."

ARA AND MOVIES. Nung kasagsagan ng pelikula nila ni Ara Mina, ang Anak ng Kumander, ay naging bukas ang aktres sa naging sama ng loob niya noon kay Manny dahil hindi raw siya nito naipagtanggol sa mga negatibong isyu na nag-uugnay sa kanila. Natuldukan na raw kaya ng kampeon ang isyu sa kanila ng naging kapareha? At gaano raw kaya katotoo na may pelikula pang balak gawin ang boksingero?

Continue reading below ↓

"Hindi pa kami nakakapag-usap, pero patay na yung isyu, kumbaga tapos na yun. May mga nakalinyang movies, kaya lang mas focused kasi ako sa ibang dapat ko munang gawin."

STILL WITH JINKEE. Sa kabila ng mga intrigang naipukol sa pagsasama nila noon ng asawang si Jinkee Pacquiao ay nanatili pa ring matatag naman ang relasyon nilang mag-asawa.

"Masasabi kong mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa at mas lalo pang tumibay ang pagsasama namin," sabi ni Manny.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manny Pacquiao says his mom and his family want him to stop boxing. But he says he can still fight and asked them to give him more time before retiring. Manny says he will have a fight this coming November or December with an opponent that yet to be announced.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results