Paolo Contis says his and girlfriend Isabel Oli's contrasting ways strengthen their relationship

IMAGE 0


"Minsan nagkakagulo—kasi masyado akong magulo—‘tapos supertahimik siya, pero nagko-compliment naman yung pagiging tahimik niya sapagiging magulo ko. Nabawasan yung pagiging sobrang tahimik niya, sanayna siya sa mga tao, kasi super mahiyain siya before, pero ngayon medyo nabagona yun. Ako naman, medyo nag-tame na ng kaunti ang pagiging magulo ko dahiltahimik nga siya," explains Paolo Contis.



Sa nauusong hiwalayan ng couples sa showbiz, tingin ng mgatao ay tila nagpapalit lang daw ng damit ang ating mga artista kapag nagpapalitdin ng ka-partner o karelasyon.

Iilan na lang daw ang masasabing matatag at matibay angpagsasama, at kasama raw sa listahan ng couples na may matatag na relasyon ayitong sina Paolo Contis at Isabel Oli. Sa mahigit tatlong taon na nilang pagsasamabilang magkasintahan, hindi naging problema sa kanila ang pagkakaroon ngsari-sariling active na career.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Paolo, sinabi nitong ang pagkakaiba raw nila ng ugali ni Isabel ang isamga sikreto ng pagkakaroon nila ng spice sa kanilang relasyon.

"Minsan nagkakagulo kasi masyado akong magulo, 'tapos supertahimik siya. Pero nagko-compliment naman yung pagiging tahimik niya sapagiging magulo ko. Nabawasan yung pagiging sobrang tahimik niya. Sanayna siya sa mga tao, kasi super mahiyain siya before. Pero ngayon, medyo nabagona yun. Ako naman, medyo nag-tame na ng kaunti ang pagiging magulo ko dahiltahimik nga siya.

"We also have that deep trust with Christ in the center.Kaya ang relationship namin, kaya we're so blessed," lahad ni Paolo.

In their more than three years of being together, Paolo hasonly good words for his girlfriend. In fairness din naman sa aktor, tumatagaltalaga ng ilang taon ang mga napasukan niyang relasyon. Hindi nga raw siyapumapasok sa mga short-lived relationship.

"We're three years and six months. Hindi naman kasi akonakikipag-relationship just because it's spur of the moment. I can saywe're good, we're going stronger. May mga proble-problema, dumadaan dinkami dun pero never kaming sumuko.

"Isabel is very supportive. Pinaka-proud siya sa lahat ngginagawa ko. Mabait siya, napakatahimik na tao."

Bukod sa pelikulang Single sa Viva Films aymagho-host si Paolo ng World Records ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isa sa homegrown talents noon ng ABS-CBN, bukas ba siya sa posibilidad na maaaring isa sa mga raw na ito aybumalik siya sa dating mother studio?

"Nung umalis naman ako sa ABS, sobrang ganda ng pag-alis ko,maganda ang naging pag-uusap namin and until now, marami akong kaibigan doon.Ayokong mag-close ng doors kasi alam mo naman, napakaliit ng industriyangginagalawan natin, ayoko ng kagalit," saad ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN