Dolphy on National Artist proposal: "Kung dumating, salamat. Pero kung hindi, okay lang din.

Aug 6, 2008
Shooting Dobol Trobol with Vic Sotto was both easy and hard for Comedy King Dolphy. Revealing his routine against the rigors of shooting, he revealed, “Sanay na ako na gising mga alas-dose, mga alas-onse, e. Basta ako, after lunch ako, pagtapos nun maski magtuloy-tuloy na tayo. Pero as much as possible, mga [hanggang] 12 [midnight] lang, ganun.”

Sa kanyang pagtungtong sa edad na 80 ay muling nabuhay ang rekomendasyon ni Senator Manny Villar na pormal na kilalanin si Dolphy bilang isang National Artist.

"Si Dolphy ay isang alagad ng sining na pumukaw sa pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng mga pelikula. Bilang bida sa naging pinakamatagal na palabas sa telebisyon na John and Marsha at sa John en Shirley, hindi lang siya gumaganap sa papel na ‘Mang John,' bagkus, ipinakikita niya ang tunay na buhay ng isang ordinaryong Filipino.

"Ipinakilala ni Dolphy ang napakagandang sining ng vaudeville. Ang kahusayan niya sa sining ay nasubok sa matatag na pananatili sa kumpetitibong industriya ng pelikula," saad ng inihaing liham ni Villar kay Cultural Center of the Philippines (CCP) Chairman Emily Abrera noong nakaraang taon.

Kagabi, August 5, sa press conference ng pelikulang Dobol Trobol na ginanap sa Imperial Palace Suites sa Quezon City ay inamin ng Comedy King na siya'y lubos na nagpapasalamat sa mga naniniwala na deserving siya sa nasabing parangal.

Continue reading below ↓

"Sana nga madatnan ko habang ako'y buhay pa," seryosong pahayag ni Mang Dolphy.

Obviously, ang tinutukoy ni Dolphy ay ang nangyari sa yumaong Action King na si Fernando Poe Jr., na nagawaran ng natatanging parangal bilang isang National Artist dalawang taon matapos itong pumanaw sa edad na 65.

Hindi naman din umaasa si Mang Dolphy na masungkit ang award. 'Ika nga niya, e, "Kung dumating, salamat. Pero kung hindi, okay lang din."

ONLY FOR FPJ. Bagama't maraming sang-ayon na siya'y magawaran ng National Artist award ay marami rin ang nangangamba na mabitin ang pag-usad ng rekomendasyon sa dahilang kilalang staunch supporter ni Fernando Poe Jr. si Mang Dolphy, lalo na noong kasagsagan ng 2004 presidential elections campaign.

Nabigo ang presidential bid ni FPJ laban kay incumbent President Gloria Macapagal-Arroyo. Noong kainitan ng kampanya ay sinasabing nakapagbitiw ng matalim na salita ang Comedy King laban kay Mrs. Arroyo.

"Ako naman pinupuri ko lang si Ronnie [FPJ]. Eleksyon, e, kasama ‘yong ganoon. Pero wala naman ako talagang sinasabing masama. Nag-apologize naman ako, sabi ko, 'Mag-a-apologize ako pero hindi ninyo maiaalis ito dahil manok ko si FPJ,'" paliwanag ni Mang Dolphy.

Continue reading below ↓

First and last na daw ang ginawa niyang pangangampanya para kay FPJ at hindi na ito mauulit kahit pa sabihing merong manghingi ng kanyang suporta.

"Ayoko na," mariing sambit ni Dolphy. Hindi man niya tahasang sabihin ay obvious na mahirap na para sa kanya ang bumiyahe nang malayo. Pumayag nga lang daw siya noon alang-alang sa kandidatura ni FPJ.

"Sabi naman ni Ronnie, dun lang sa mahihinang balwarte, e, hindi ko naman tatanggihan si Ronnie, mahal ko 'yon, e. Utang na loob ko sa tatay niya, 'tsaka sa kanya, hindi ko makakalimutan. Alam niya na hindi ako sumasama diyan, maski si Erap [former president Joseph Estrada] nga noon, hindi ako kinukuha dahil alam niya ayaw ko.

"Ang kuwan ko na lamang, ‘yong aking makakayang suporta sa kanila, ‘yong mga banner-banner. Pero ‘yong sa entablado, nag-i-endorse ako, kay Ronnie ko lang ginawa ‘yon."

COMING OUT CLEAN. Malakas pa rin ang usap-usapan sa kalalabas pa lamang na autobiography ni Mang Dolphy na pinamagatang Hindi Ko Ito Narating Mag-isa. Sa nasabing tell-all book ay buong tapang na ikinuwento ng batikang komedyante ang kanyang buhay, partikular na ang kanyang mala-alamat na buhay pag-ibig.

Continue reading below ↓

Kilalang ladies' man si Mang Dolphy at aminado naman ito na nakasakit siya ng ilang damdamin, lalo na noong kanyang kabataan.

"Humingi naman ako ng tawad doon sa libro, sa mga nasaktan ko. 'Ika nga, mas maganda na ‘yong humihingi ka ng tawad kesa hindi ka humihingi ng tawad. Sa libro na ‘yon, kasama na ‘yon. Inamin ko dun sa libro, napansin ninyo doon sa libro, walang kasalanan lahat ‘yong babae, puro ako lang. Okay lang yon, e. Kasi ang aking kasalanan ang sinasabi ko dun. ‘Yong mga pagkukulang nila, hindi ko na sinasabi dun, ako na lang."

One of the most interesting parts of the book ay ang testimonies na isinulat ng ilang babaeng naugnay sa kanya. Eye-opener daw para mismo kay Mang Dolphy ang naging pahayag na mga ito sa dahilang, "Nakita ko ‘yong feeling nila noong araw. Ngayon ko lang natuklasan ‘yong mga may hinanakit, ngayon ko lang nalaman."

Continue reading below ↓

Consistent naman ang naging pahayag ni Mang Dolphy sa sinabi ni Bibeth Orteza noon sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na personal na hiniling nito na huwag na lang mag-dwell masyado sa istorya ng ilang indibidwal na nananahimik na.

Katuwiran ng Comedy King, "'Yon kasi yong mga pinaalis, ‘yong mga tahimik na ang buhay. Huwag na nating ungkatin ‘yan baka mamaya mademanda pa tayo. Tahimik na ang buhay nila, e."

At this point, wala na raw mahihiling pa ang Comedy King sa career niya at maging sa personal na aspeto.

"Wala na. Sobra na ang blessing sa ‘kin ni God. Ang gusto ko na lang ‘yong mahal ko sa buhay, magkaroon ng magandang kinabukasana sa buhay nila. ‘Yon na lang 'yong pini-pray ko na mawala man ako dito, maganda ang buhay nila."

Masaya rin siya sa kinalabasan ng kanyang first team-up with Vic Sotto. Dream project nga kung tutuusin ang Dobol Trobol sa dahilang ngayon lang nagkasama ang itinuturing na hari at prinsipe ng komedya.

Continue reading below ↓

"Nag-enjoy ako talaga. Hindi ako napagod, hindi ko naramdaman na tapos na ‘yong pelikula. Masaya, e, parang hindi ako nagtatrabaho, parang naglalaro lang kami," nakangiting kuwento ni Dolphy.

Read Next
Read More Stories About
dolphy, Vic Sotto
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shooting Dobol Trobol with Vic Sotto was both easy and hard for Comedy King Dolphy. Revealing his routine against the rigors of shooting, he revealed, “Sanay na ako na gising mga alas-dose, mga alas-onse, e. Basta ako, after lunch ako, pagtapos nun maski magtuloy-tuloy na tayo. Pero as much as possible, mga [hanggang] 12 [midnight] lang, ganun.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results