Cesar Montano will try to settle personal matters with wife Sunshine Cruz in Beijing Olympics

by Archie de Calma
Aug 7, 2008
"Nariyan pa rin naman ang mga problema, but we're trying to fix it. Mag-asawa pa rin naman kami, at kahit ano pa ang mangyari, I will see to it na uuwi at uuwi pa rin ako sa kanya," says Cesar Montano about relationship with wife Sunshine Cruz.

Ang buong akala ni Cesar Montano ay final episodes na ng The Singing Bee yung nai-tape nila noong August 5 sa isa sa studios ng ABS-CBN. Natunugan niya na may party reservation para sa grupong 'yon ng ABS-CBN sa Belissimo restaurant na pag-aari mismo ni Cesar at ng anak niyang si Angela.

"Masaya talaga ako dahil in-inform na mag-e-extend pa kami ng two weeks. After that, sa October, magre-reformat ang The Singing Bee at magiging once a week na lang.

"Akala ko nga, wrap-up party na ito, pero naging post-birthday party ko na lang. Natutuwa ako dahil parang ayaw patapusin ang show at naroroon ang suporta ng lahat, lalo na ng isa sa executives ng Dos na si Enrico Santos, na talagang hanggang dito sa party, naging abala rin," masayang sabi ni Cesar sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Definitely, tumataba ang puso ni Buboy kapag sinasabing pagsama-samahin man ang lahat ng programa ng ABS-CBN sa primetime block nito, ang The Singing Bee yung hindi matitinag sa consistency nito sa ratings.

Continue reading below ↓

"Gusto lang sigurong magsaya ng mga manonood," sabi ni Cesar. "Ako mismo kasi, talagang nag-e-enjoy habang nagte-taping. One of the rare times na mapapanood akong ganoon sa TV, and recently before that, puro seryoso nga ang ginagawa ko.

"Thankful ako sa Kapamilya network dahil supportive sila. Nang matapos ang Palos, immediately binigyan nila ako ng kakaibang game show with a different concept din, na sa una pa lang hindi ko na matanggihan. Alam mo naman siguro na isa rin 'yan sa hilig ko, ang pagkanta. Kahit paano, nabibigyan ko ng chance sa pagho-host ng show."

TRYING TO FIX. Nangayayat si Cesar, at hindi nito naitago na kahit paano ay namroblema rin siya sa sitwasyon nila ng asawa niyang si Sunshine Cruz, na nalagay sa krisis ang pagsasama nila nitong nakaraang ilang buwan.

"Nariyan pa rin naman ang mga problema, but we're trying to fix it," sambit ni Cesar. "Mag-asawa pa rin naman kami, at kahit ano pa ang mangyari, I will see to it na uuwi at uuwi pa rin ako sa kanya."

Continue reading below ↓

Mukhang okey naman sina Cesar at Sunshine nang gabing 'yon nang maanyayahan ang PEP sa kasiyahan with the staff of The Singing Bee sa Belissimo restaurant ng mga Montano sa Tomas Morato, Quezon City.

Pero noong mismong birthday ni Cesar noong August 1, nowhere to be found siya sa bansa. Yun pala, nanood ito ng liga ng NBA (National Basketball Asscoaition) sa Macau.

"Nagpaalam naman ako kay Shine na mawawala muna ako sa birthday ko, dahil nagkataon na yung favorite NBA superstars ko, magsasama-sama sa Macau for a game. Malapit lang yun sa atin, kaya mas accessible. I just grabbed the chance.

"Nakatutuwa nga dahil nakasabay ko pang naglalakad si Kobe Bryant [star player ng L.A. Lakers] sa isang mall sa Macau, pero hindi lang puwedeng mag-pose for pictures at magpa-autograph. Talagang sasabayan mo na lang sa paglalakad at makakakuha ka ng shots, but they will not pose for you dahil talagang bawal," kuwento ni Cesar.

Continue reading below ↓

At press time, pang-apat na araw nang tumutuloy ang mag-asawang Cesar at Sunshine sa ipinatayo nilang bahay sa Tivoli Mansions sa Quezon City.

"Matagal kaming naghiwalay muna ng tinitirahan ni Shine dahil mas gusto niyang tumira doon sa condominium unit which I have been renting, 'tapos siya na lang ang nag-occupy nun. That's her decision, kaya kahit hindi ko gusto, pinagbigyan ko na muna siya. Tiningnan muna namin kung paano yung set-up kapag hiwalay muna kami ng tinitirhan, pero constant pa rin ang communication namin dahil sa mga bata.

"Before that, 'pag napapasyal si Shine sa bagong bahay namin, nakikita niya yung mga kulang. Inisa-isa niya yun at hindi niya alam, pinupuno ko yun. Kaya nang sabihin kong magsama na kami sa Tivoli, at kailangang umuwi na siya sa akin, nasorpresa siya dahil kumpleto na ang interior ng bahay," lahad ni Cesar.

As of now, ayaw nang mag-dwell pa ni Cesar sa mga negative issue tungkol sa hidwaan ng kapatid niyang si Ched Cantu at ng misis niya. Ang gusto niya ay makabawi kay Sunshine.

Continue reading below ↓

Nakatakdang lumipad papuntang China ang mag-asawa sa August 17 para sa last stretch ng Beijing Olympics.

"Kung tutuusin, wala nang problema. Konting adjustments na lang. Baka nga makatulong yung private moments namin sa Beijing to settle other personal matters," pagwawakas ni Cesar.

Read Next
Read More Stories About
Cesar Montano, Sunshine Cruz
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nariyan pa rin naman ang mga problema, but we're trying to fix it. Mag-asawa pa rin naman kami, at kahit ano pa ang mangyari, I will see to it na uuwi at uuwi pa rin ako sa kanya," says Cesar Montano about relationship with wife Sunshine Cruz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results