Manny Pacquiao causes commotion in Congress

by Ruel J. Mendoza
Aug 7, 2008
Filipino boxing champ Manny Pacquiao received special recognition from the House of Representatives for his efforts to unite the Filipinos in times of crisis.

Wala talagang kapaguran ang Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao dahil kakauwi lang nito kahapon ng madaling-araw, August 6, mula sa Amerika ay nagtuluy-tuloy ito sa ilang appointments niya kahit na may jetlag pa ito.

Dumalo pa nga si Pacman sa Batasang Pambansa kinahapunan para personal na tanggapin ang isang special recognition mula sa mga representatives ng kongreso. Ang naturang recognition ay para sa pagkakaisa ng buong kongreso at isa raw si Manny sa naging dahilan ng pagkakaisa ng buong bansa, lalo na sa panahon ng krisis ngayon.

Saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa biglang pagkakaroon ng kaguluhan sa loob ng House of Representatives. Nagkagulo ang halos lahat ng empleyado ng Kongreso at lahat sila ay nagpakuha ng litrato na kasama si Pacman. In short, nakalimot ang lahat na may session pa sila at naging pictorial and interview session ang nangyari sa pagdating ni Manny.

Pero ang pinagpistahan ng mga reporters at TV crew doon ay ang muling paghaharap ni Pacman at General Santos City representative Darlene Antonino-Custodio. Kung matatandaan ay nagkalaban ang dalawa noong nakaraang eleksiyon at tinalo ng mala-high school beauty ni Rep. Antonino-Custodio ang sikat na boksingero sa pagiging congress rep.

Continue reading below ↓

Noong magharap sila ay parang wala namang tension sa kanilang dalawa. Nagtawanan at nagbiruan pa nga sila.

"Kayo talaga, dati natsitsismis ako kay Ara Mina, ngayon kay Congresswoman Custodio. Sino ba kaya ang susunod? Lagot na naman ako sa misis ko!" sabay ang malakas na tawa ni Manny.

Pero nabanggit nina Manny at Cong. Antonino-Custodio na matagal nang tapos ang eleksyon at wala namang naging problema sa kanilang dalawa. Nananatili raw na tagahanga ni Pacman si Cong. Custodio at malaki rin ang respeto ni Pacman sa kanya.

"Pareho kaming taga-General Santos at ang dapat lang ay magtulungan kami para sa pagkakaisa ng aming lugar at sa buong bansa," saad ni Manny.

Read Next
Read More Stories About
Manny Pacquiao
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino boxing champ Manny Pacquiao received special recognition from the House of Representatives for his efforts to unite the Filipinos in times of crisis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results