Katrina Halili is all work and no time for love

by Nonie Nicasio
Aug 7, 2008
"Pero sa ngayon, talagang trabaho po muna. Kasi siyempre, baka kung sasabihin kong saka na ang mga boys, ‘tapos ay bigla pala akong nagka-boyfriend... So, hindi ko masasabi talaga. Pero sa ngayon, wala akong boyfriend," says Katrina Halili.

Naapektuhan na si Katrina Halili ng kanyang sobrang sipag. Sa halos araw-araw na pagtatrabaho nang todo ay nagkakasakit na ang young sexy actress at halos hindi maka-focus sa kanyang trabaho.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa sa taping ng bagong programang Obra, na magsisimula na sa August 14, sa Tomas Morato, Quezon City. Inamin ng bida ng Magdusa Ka na medyo iniinda na ng kanyang katawan ang walang patid na trabaho.

"Opo, may sakit ako ngayon, inuubo... Hindi naman po dahil sa sobrang dami ng trabaho. Minsan lang kasi sa work, parang hindi ako maka-focus kung minsan; hindi ko alam kung bakit. Siguro po dahil sa sobrang pagod na rin, parang nahihirapan din ako, na halos walang pahinga, e," panimula ni Katrina.

Hataw kasi ngayon si Katrina, tatlong pelikula ang nakatakda niyang simulan—Miss X, One Night Only, at Sundo ng GMA Films with Robin Padilla. Bukod sa Obra at sa magtatapos nang Magdusa Ka, magsisimula na sila ni Dennis Trillo ng taping ng Gagambino this week. Nakatakda pa siyang magkaroon ng show sa US this month sa Pala Resort and Casino sa San Diego (August 22), L.A. Celebrity Center International, Hollywood (August 23), Stockton Empire Theater (August 29), at South San Francisco High School (August 30).

Continue reading below ↓

"Pero dito naman po sa sa U.S. trip ko, ang pinag-uusapan namin kanina, sabi ko excited na ako kasi siyempre yung biyahe sa States, tulog din ‘yon, e, makakarami ako ng tulog doon. Lalo na kung dire-diretso at wala nang connecting flights, talagang mahaba ang oras ko na makakatulog," saad ni Katrina.

So, pupunta siya ng Amerika para matulog lang?

"Hindi naman po!" tawa niya. "Kapag nasa biyahe lang, kapag nasa eroplano ay pinakapahinga ko na rin ‘yon bale. Apat na cities kasi ‘yon e, so pagpunta ko sa bawat city ay biyahe na naman at makakatulog ako. Pero siyempre, mamamasyal na rin ako doon, parang bakasyon na rin. Dahil pagdating dito, balik na naman sa dati, trabaho na naman, e."

NO TIME FOR LOVE. Aminado si Katrina na superbusy siya ngayon at walang time sa love life, pero hindi naman daw ibig sabihin ay hindi rin darating ang kanyang prince charming.

Continue reading below ↓

"Wala nga pong time sa love life, e, pasingit-singit lang! Pasingit-singit lang daw, o!" natatawa niyang sabi.

"Pero hindi naman po natin masasabi ‘yang tungkol sa love life talaga e, di ba? Pero sa ngayon, talagang trabaho po muna. Kasi siyempre, baka kung sasabihin kong saka na ang mga boys, ‘tapos ay bigla pala akong nagka-boyfriend... So, hindi ko masasabi talaga. Pero sa ngayon, wala akong boyfriend," pahayag ni Katrina.

Masaya ba siya sa set-up na puro trabaho at walang love life?

"Siyempre po, minsan ay nakakalungkot din!" tawa niya ulit. "Pero okay naman po, sobrang busy ako, as in halos every day ay may trabaho, e."

Ano ang ginagawa niya kapag nalulungkot sa bahay, nilalaro na lang ba niya ang kanyang Barbie collection?

"Hindi po, e, wala ring time. Kasi kapag ano, punta ka rin sa kabilang taping, e. And naaaliw naman kami kapag maraming tao. Kapag may mga times na wala akong trabaho at nasa bahay lang, doon, minsan nalulungkot din ako."

Continue reading below ↓

THANK YOU, GMA-7. Sa dami ng projects niya, sa tingin kaya ni Katrina ay parang pareho na rin ang pagmamahal sa kanya ng GMA-7 tulad ng kay Marian Rivera na alagang-alaga sa mga proyekto?

"Naku!" bungisngis niya. "Ano na lang po, thank you na lang, nagpapasalamat ako at masaya ako dahil binigyan ako ng tiwala at ng chance na mag-pilot nitong Obra. Alam ko naman po na mahal ako ng GMA-7, e."

Lastly, inusisa rin ng PEP kung ano ang sikreto ng tagumpay ni Kat sa pagdagsa ng mga projects niya ngayon.

"Ako po siyempre ay masaya, kasi kahit na noong StarStruck days pa, hindi naman ako nag-ano na, gusto ko ay ganito, ganyan, ganyan, hindi e. Kapag may dumarating lang, ‘yon, ine-enjoy ko lang. Walang masyadong expectations na kung ano-ano, e. And masarap naman ‘yong feeling na ganyan, yung wala ka namang hinihiling, pero may mga dumarating.

"Siguro po, masipag lang talaga ako and siguro nga po, ito na yung bunga ng mga pinagtrabahuhan ko," nakangiting saad ni Katrina.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Katrina Halili
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pero sa ngayon, talagang trabaho po muna. Kasi siyempre, baka kung sasabihin kong saka na ang mga boys, ‘tapos ay bigla pala akong nagka-boyfriend... So, hindi ko masasabi talaga. Pero sa ngayon, wala akong boyfriend," says Katrina Halili.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results