Carmi Martin maintains youthful look without cosmetic surgery

IMAGE 0


"Kailangang positive attitude sa lahat, maging masayalang. Huwag maging harsh sa sarili kahit may mgaproblema. I just maintain a healthy lifestyle. Ayokong nagpapa-stress onagpupuyat. Kahit sa pagkain, maingat din ako. I should say, maalaga lang akosa sarili ko," shares Carmi Martin about her ageless beauty.



Katulad ng leading man niyang si Dolphy sa forthcoming moviena Dobol Trobol, masasabing sumasabay si Carmi Martin sa durability ng King ofComedy ng local showbiz. Si Carmi ay ang natatanging survivor ng Dolphy'sAngels noong 1979 na nagpakilala sa aktres noon, kasama pa ang ibang sexy starsat that time na sina Liz Alindogan, Anna Marie Gutierrez, at Yehlen Catral.

Tanging si Carmi na lang ang aktibo sa showbiz at patuloy nalumalabas sa TV at pelikula. Heto nga at kasama siya sa Dobol Trobol withDolphy and Vic Sotto, gayundin sa comedy-romance ng GMA-7 na Ako Si KimSamsoon.

Ano kaya ang sikreto ni Carmi?

"Hindi naman sikreto 'yon. Gaya ng kay Dolphy, talagangkailangang maging professional ka lang. Sipag at tiyaga ang puhunan diyan paratumagal. Kung ano ang kailangan, lalo na sa comedy, ginagawa ko. Natutuwa ngaako dahil direktang hinahanap pa rin ako kung may project na bagay sa akindahil wala naman akong manager," lahad ni Carmi sa panayam sa kanya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Dobol Trobol.

Ang isa pang kamangha-mangha na patuloy pa ring palaisipansa showbiz ay kung paano napapanatili ni Carmi ang kanyang alindog atkagandahan.

"Kailangang positive attitude sa lahat, maging masayalang," sabi niya. "Huwag maging harsh sa sarili kahit may mgaproblema. I just maintain a healthy lifestyle. Ayokong nagpapa-stress onagpupuyat. Kahit sa pagkain, maingat din ako. I should say, maalaga lang akosa sarili ko."

Mapapahiya ang clients and celebrities ng mga kilalangcosmetic surgeons dahil ipinagmamalaki ni Carmi na walang niretoke sa katawanniya. Gifted lang daw talaga siyang matatawag dahil wala pang ipinaayos sasiyensiya sa anumang parte ng katawan niya.

"Swear, it's true," diin ni Carmi. "Perosiyempre, nariyan ang maintenance. Alaga nga lang sa katawan, kasi nagma-MarieFrance ako at Facial Care para lang sa body and skin care. Pero wala patalagang ipinapaayos sa katawan ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Twenty-nine years na in showbiz si Carmi kung tutuusin.Ini-enjoy na lang niya nang husto ang trabaho niya at ang kanyang buhay kayanaririto pa rin siya.

"Si Liz [Alindogan], may mga anak at asawa na,nagku-concentrate na siya sa pagiging ina talaga. Choices nila 'yan, e, gaya niYehlen [Catral] na talagang nagpakadalubhasa sa pagiging lawyer, and I know,Anna Marie is in the States na rin, may asawa na. Ako na lang ang natitirangdalaga talaga among Dolphy's Angels, di ba?" ani Carmi tungkol sacontemporaries niya.

Takot ding tumandang nag-iisa si Carmi, pero mas takot siyasa ideyang maging miserable ang buhay niya kung maling lalaki ang mapapangasawaniya. Hanggang ngayon kasi ay single pa rin si Carmi.

"Naging masyado akong mapili," sabi niya."Anyway, enjoy ako sa mga pamangkin ko, at alam kong sila rin angmag-aalaga sa akin kung sakali mang I end up in life na wala talagang kasama.Nariyan din ang mga kapatid ko, at sila ang nagtaguyod sa akin. Kaya namanlahat ng maiiwan ko, kung sakali mang wala akong mabuong pamilya, sa kanilalahat mapupunta 'yon."

Mula noong bata pa si Carmi, ang aim niya is to agegracefully.

"Nasobrahan nga, to the point na hindi na akonakapag-asawa pa!" at natawa uli siya. "I have no regrets, kasi I'menjoying life. At saka kahit ganito, wala akong nararamdaman na sakit-sakit sakatawan dahil nga sa epekto ng pagpaparetoke, like some people I know.Nagpaayos at nagpaopera sila, pero marami silang nararamdaman after some time.

"Ang gusto ko lang, sa pagtanda ko, kung babagsak manang mga parte ng katawan ko, sabay-sabay sila at hindi yung may naiiwan na isa odalawa. Ganoon usually ang nangyayari kapag nagparetoke ka ng isang parte; patiyung iba, isasabay mo nang iparetoke.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Kaya ko lang naman name-maintain ang figure atganda ko, at may efforts talaga ako to do so because I'm into interior designing.Para maka-attract ng clients, dapat din lang na i-present ko nang maganda sakanila ang sarili ko, na nagre-reflect sa klase ng trabaho ko," pagwawakasni Carmi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN