Gian Magdangal does not deny girlfriend Sheree's claim about their active sex life

Aug 8, 2008
"Six times a week? Sinabi niya? Pero, hindi ko naman puwedeng ikaila 'yan, kasi, Viva Hot Babe ang girlfriend ko, at mayroon na kaming Gian Haley. Alangang magpa-cute pa ako sa sasabihin ko. I want to be honest. Hindi ko lang naging crush si Sheree. Talagang pinagnasaan ko siya, being a Viva Hot Babe, di ba?" says Gian Magdangal about his girlfriend Sheree.

Unti-unting lumalabas ang sex appeal ni Gian Magdangal, lalo na't game pala ito sa kung anu-anong sexy questions. Isa si Gian Magdangal sa players sa cast ng West Side Story, at mukhang interesting ang ilang kuwento niya sa sex life nila ng kanyang live-in girlfriend na si Sheree, na kailan lang ay nagsilang ng first baby nilang pinangalanang Gian Haley.

SHOWING SKIN. Open si Gian sa parts in teleseryes o digital films. Depende na nga lang sa offer. Siyempre, nariyan ang possibility na magkaroon ng skin exposure. Papayag kaya siya sa butt exposure kung sakali?

"Ahmmm, hindi pa siguro," natatawang sagot ni Gian. "Kulang sa maintenance ang puwet ko. Kailangan ng trabaho.

"Kung may eksenang naka-underwear lang, even in theater, kung kailangan naman talaga, nasa discretion 'yan ng director. I have to trust my director.

"Just give me time to workout for a role. Lalo na ngayon, sponsor ko rin ang Bench, kung bibigyan nila ako ng chance to do ramp modeling for Bench, I will consider that. Hindi ako tatanggi, for as long as mabigyan ako ng time to work out," sabi pa niya.

Continue reading below ↓

Wala pa yung masyadong sexy raw, gaya ng thong.

"I'll just cross the bridge when I get there," sabi pa niya.

PLAY GAY. How about gay roles?

"Okey rin lang ako sa gay roles, wala lang yung gay kissing," sambit pa niya. "It's a different level na. Yung tatanggap ako ng gay role, for me, ibang level na rin yun, e. Hanggang gay na muna, pero kung may ibang requirements, it has to be on the next level, at hindi ko pa kayang gawin yun."

Gay proposals?

"Wala namang extreme," game na sagot niya. "Pinaka-extreme na siguro yung may nagpadala sa Friendster account ko ng picture ng guy na nakahubad siya. Nang makita ko, 'Oh, my gosh!' Yun lang ang nasabi ko. Ano ba ito? Ibang website yata ang napasukan niya.

"Pero, walang offer na kotse, mga ganoon. Wala," sabi pa ni Gian.

Biniro namin siya na baka magkaroon na pagkatapos na lumabas ang interbyung ito sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Sa totoo lang, bumagay rin kasi kay Gian ang short hair dahil bumata ang porma niya, kung kailan may anak na siya, huh!

Continue reading below ↓

SIX TIMES A WEEK. Without malice, dahil adult talk naman ito, well, nasabi ni Sheree sa isang interview na very active ang kanilang sex life ni Gian.

"Six times a week?" nasabi ni Gian. "Sinabi niya? Pero hindi ko naman puwedeng ikaila 'yan, kasi Viva Hot Babe ang girlfriend ko, at mayroon na kaming Gian Haley. Alangang magpa-cute pa ako sa sasabihin ko? I want to be honest.

"Hindi ko lang naging crush si Sheree. Talagang pinagnasaan ko siya, being a Viva Hot Babe, di ba? Diniretso ko talaga siya nang maging palagay na ang loob ko sa kanya," pagwawakas ni Gian.

Read Next
Read More Stories About
Gian Magdangal, Sheree
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Six times a week? Sinabi niya? Pero, hindi ko naman puwedeng ikaila 'yan, kasi, Viva Hot Babe ang girlfriend ko, at mayroon na kaming Gian Haley. Alangang magpa-cute pa ako sa sasabihin ko. I want to be honest. Hindi ko lang naging crush si Sheree. Talagang pinagnasaan ko siya, being a Viva Hot Babe, di ba?" says Gian Magdangal about his girlfriend Sheree.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results