FIRST READ ON PEP: Jomari Yllana denies rumored split with girlfriend Pops Fernandez

IMAGE 0


"We're still together. Pero hindi ko talaga akam kung bakitmay tsismis na ganyan. Hindi ko maintinidhan," says Jomari Yllana about rumors that he and Pops Fernandez (inset) have broken up.



Pangungunahan ni Jomari Yllana ang bagong programa sa TV5 naPhilippines' Scariest Challenge, kasama si Cheska Litton. Isa rin si Jomari sa mgapinakamaagang dumating sa grand launch ng bagong bihis na TV5 (dating ABC-5) naginanap kagabi, August 7, sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan.

"First time kong gumawa horror-reality game show," bungad niJomari sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press. "We travel from one remote areato another, ‘tapos meron kaming celebrity guests. May challenges kami para sakanila. ‘Tapos kung sino ang mananalo, may prize. ‘Tapos charity work din, ibinibigaysa iba't ibang charity institutions."

Instead of putting up a set or a studio, naghahanap sila nghaunted areas para doon gawin ang challenges. "Like yung una namin was yung abandoned hospital sa ClarkAir Base. May nakunan kaming footage," dagdag ni Jomari.

Ano yung mga challenges na ipinapagawa nila?

"Isa-isa silang pumapasok doon sa lugar, ‘tapos meron kamingipinapagawa sa kanila. Pero walang ibang tao doon. May ten cameras nanaka-set-up. Walang cameraman doon sa mga camera. Simple lang ‘yung mgachallenges, pero mahirap doon, nakakatakot yung lugar, e," lahad ni Jomari.

Ilang participants ang nasa sa show?

"Paiba-iba, minsan may mga set na ano, minsan may mga pares, minsan individual. Lahat yun nakasuot sila ng helmet na maykamera. ‘Tapos walang ilaw doon sa lugar, kandila lang at saka flashlight yunggamit."

May nanakot ba sa mga participants?

"Walang nananakot. Pero may nangyayari lagi na nakakatakot.It's either may nakikita silang dumadaan, akala nila tinatakot sila. Mayumuungol, akala nila tinatakot sila.Pero walang tao doon," paniniguro ni Jomari.

What about him? Natakot din ba siya?

"Studio lang ako. Ako yung nagse-segue nung shows."

Pero matatakutin ba siya sa totoong buhay?

"Ah, hindi masyado. Okey lang. Nakakaramdam ako peropumipikit ako, e!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Knowing this, hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin angshow?

"No, hindi ako exposed doon sa remote na area nila, e.Studio lang ako. Ako lang yung nagde-deliver ng gap. Ako lang yung nag-e-explain."

STILL TOGETHER. Ona personal level, nakarating na kay Jomari ang kumakalat na balita na hiwalay na sila diumano ngkasintahan niyang si Pops Fernandez.

"Kami pa rin," paglilinaw ni Jomari.

Bakit may tsismis na hiwalay na sila?

"Hindi ko nga alam, e. Actually, kahapon lang narinig ko lumalabas-labas."

Ang balita pa, merong bagong girlfriend si Jomari namayaman. Totoo ba?

"Yun, narinig ko rin yun."

Ano ang reaction niya?

"Hindi ko ma-pinpoint, e. Actually, gusto kong marinig omakita o yung mabasa. Nag-check ako sa PEP kahapon, wala naman akong nabasa,"saad niya.

Ano ang real score sa kanila ni Pops?

"We're still together. Pero hindi ko talaga akam kung bakitmay tsismis na ganyan. Hindi ko maintinidhan."

Isa sa mga dahilan ay hindi na raw nakikitang magkasama sinaJomari at Pops.

"Actually, ano yung oras namin, sobra akong busy, busydin siya."

Nagkikita pa rin ba sila regularly?

"Oo," sagot ni Jomari.

Paano sila nagkikita?

"Kapag may libreng oras, nagde-date pa rin kami. Yung usualano namin, e, dinner. Palagi kaming ganun."

When was the last time?

"Last week."

Aware ba si Pops na may ganung tsismis sa kanila?

"Oo," sabi ni Jomari.

Ano ang sabi ni Pops?

"Wala, hindi rin namin maintindihan kung saan nanggagaling."

Hindi ba sila naalarma sa balita?

"Hindi naman. Pero siyempre minsan may mga petty quarrels.Nagtataka lang ako kung bakit may lumalabas," sabi ng aktor.

Wala siyang pinaghihinalaan kung sino ang gumagawa sa kanilanito ni Pops?

"Not at all. Siguro naiisip mo rin, masyadong tahimik.Masyado kaming tahimik."

Nagalit ba siya nung makarating sa kanya ang balita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman akong magagawa, e. Ano ang magagawa ko? Pero saakin, for the record, we're still together. Wala kaming problema. At siyempre,walang ibang chicks."

Hindi raw talaga alam ni Jomari kung sino yung mayamang babaena nili-link sa kanya. Pero hindi kaya inililihim lang ni Jomari ang tungkol sabagong babae na nauugnay sa kanya?

"Sana nga meron!" tawa niya.

Papalitan na niya si Pops?

"Hindi, of course not," seryosong sabi ni Jomari.

Gaano na sila katagal ni Pops?

"Almost three [years]. Almost three na kami together."

Wala ba silang plano na magpakasal?

"Alam mo, yun ang nakakatawa. It's either hiwalay yungtinatanong or ikakasal. Di ba, parang... Wala pa naman. Wala pa namang plano."

May tsismis na nagli-live in na rin sila ni Pops. Totoo baito?

"Hindi, we're together and we're going out, pero hindilive-in. Walang balak."

Kumusta naman ang relasyon niya sa mga anak ni Pops?

"Okey naman."

May bonding moments din ba sila ng mga anak ni Pops?

"Yeah, nagla-lunch kami minsan. Nagdi-dinner. ‘Tapos yungpanganay, si Robin, I'm trying to train him now, e, sa gym. Meron akong inaayosna program for him. Kasi eventually, parang ilu-launch na siya, e. Asperformer, artist. Parang ilu-launch na rin siya as a singer," banggit niJomari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN