Mark Bautista weighing options on whether to sell his house or not

by Ruel J. Mendoza
Aug 8, 2008
"Nagustuhan kasi nila yung location at porma ng bahay ko. Maganda ang offer nila sa akin. Cash pa nga raw nila babayaran if ever na makapagdesisyon ako na ibenta sa kanila. They made me a good offer kaya pinag-iisipan ko nang husto," says Mark Bautista about his house in Don Jose Heights.

Pinag-iisapan pa ng singer-actor na si Mark Bautista kung ibebenta niya ang ipinatayo niyang bahay sa Don Jose Heights sa Fairview, Quezon City.

Kuwento ng pop heartthrob sa PEP (Philippine Entertainment Portal), may nag-offer kasi na bilhin ang kanyang three-bedroom, two storey house. Twice the price daw ang offer ng bibili para sa halaga ng bahay ni Mark.

Last year lang ipina-bless ni Mark ang kanyang bahay at sinabay pa niya ito sa kanyang birthday (August 10). Very proud si Mark sa kanyang bahay at binigyan pa niya ng tour ang mga bisita niya. Ngayon, may gusto nang bumili nito at pinag-iisipan niya ito nang husto.

"Nagustuhan kasi nila yung location at porma ng bahay ko. Maganda ang offer nila sa akin. Cash pa nga raw nila babayaran if ever na makapagdesisyon ako na ibenta sa kanila. They made me a good offer kaya pinag-iisipan ko nang husto. Hindi naman ako pressured to decide. Sinabi naman nila na kapag may final decision na ako, tawagan ko lang sila.

Continue reading below ↓

"E, one year pa lang ako sa house pero bihira rin ako makapag-stay kasi parati akong wala, di ba? Sunud-sunod ang mga shows namin abroad kaya ang naiiwan lang sa bahay ay ang mga kapatid ko," lahad ni Mark.

May mga nag-advice nga kay Mark na huwag niya munang ibenta at pataasin pa niya ang value ng bahay niya. May iba naman daw na nagsasabi sa kanya na sayang naman daw ang pinaghirapan niya at baka may sentimental value na sa kanya ang bahay. May mga nagsasabi rin na tanggapin niya ang offer at bumili na lang siya ng condo unit na madaling i-maintain at menos gastos pa, unlike sa malaki niyang bahay.

"Tinitimbang ko naman ang mga options ko, e," sabi ni Mark. "Kailangan ko rin ng opinion ng family ko. Pero most of it, sa akin manggagaling kasi sa akin naman yung house. Siguro makakapag-decide ako kapag dumating na ang sign mula kay Lord. Kung gusto Niyang ibenta ko ang house, bibigyan Niya ako ng sign. Kung hindi, isang sign pa rin ang hihintayin kong makita ko mula sa Kanya."

Continue reading below ↓

Sa ngayon ay tatlong pelikula ang pinagkakaabalahan ni Mark. Una ay ang Single, kung saan isa siya sa mga leading men ni Rufa Mae Quinto; pangalawa ay ang Baler para sa 2008 Metro Manila Film Festival; at pangatlo ang horror film ng GMA Films na Sundo.

Aalis ulit si Mark this month para sa ilang shows sa Europe. Pagbalik niya ay ire-release na ang bagong album niya under Viva Records titled I'll Be The One. Kasama rin si Mark sa cast ng bagong soap drama sa ABS-CBN na Pieta.

Read Next
Read More Stories About
Mark Bautista
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagustuhan kasi nila yung location at porma ng bahay ko. Maganda ang offer nila sa akin. Cash pa nga raw nila babayaran if ever na makapagdesisyon ako na ibenta sa kanila. They made me a good offer kaya pinag-iisipan ko nang husto," says Mark Bautista about his house in Don Jose Heights.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results