Katrina Halili's health starting to suffer from too much work

IMAGE 0


"Gusto ko lang pong linawin na wala akong anak na nasaospital o nanay na may sakit kaya ako subsob sa trabaho. Minsan lang kasingdumating yung ganitong opportunity sa akin na ibinigay ng GMA, hindi ko namanpong gustong tanggihan kasi baka naman magtampo sila," explains Katrina Halili about accepting offers from her home network.



Kung hindi babawasan ni Katrina Halili ang workload niya sashowbiz, hindi malayong bumigay ang katawan nito at maratay sa ospital.

Sa presscon ng bago niyang show sa GMA-7,ang Obra—na mapapanood simula ngayong August 14 pagkatapos ng Telebabad block—halatang may iniindang karamdaman angaktres. Bukod sa mapungay niyang mga mata, tanda ng kakulangan sa pahinga,kapansin-pansin ang kanyang pamamaos. Namamaga rin ang talukap ng mga mata niKatrina, dulot yata ng allergy.

Idinadaan na lang sa biro ng aktres ang pamamaos na nakuharaw niya dahil sa kanyang pagkanta sa karaoke. Pero inamin din nitong dala ito ng puyat at sunud-sunod niyang mga trabaho.

"Kasi po mula sa taping ng Magdusa Ka, nag-taping namanako ng Obra," simula niyang pagtatapat sa PEP (Philippine EntertainmentPortal). "Etong pamamaga ng mata ko, sobrang pag-iyak na po ito. Dalawanglinggo akong iyak nang iyak sa set.

"From Magdusa Ka na iyakan, iyakan din yung taping namin saObra. Pero feel na feel ko naman po yung role ko na sopistakada sa Obra,"nakangiting kuwento ni Katrina.

Hindi lang mga kaibigan ni Katrina ang nangangamba samadalas na pagkakasakit niya, kundi pati na rin ang pamilya ngaktres. Naisalaysay ni Katrina sa PEPna pinagagalitan na siya ng kanyang mommy sa walang pahinga niyangpagtatrabaho.

"Hindi po talaga ako nagpapahinga, e. Nagagalit na ngasa akin sa bahay. Sabi nga po, ‘Sige, di ka na nagpapahinga. Nakakaipon kanga, pero pagtanda mo naman, ‘yang mga inipon mo, gagastusin mo rin ‘yan sapagpapagamot sa iyo,'" lahad ni Katrina.

Isa raw sa pinaglalaanan ni Katrina ng kanyang mga kinikitaay ang ipinapagawang bahay sa Palawan. Nabanggit niyang ‘pag ayaw na niyangmag-artista, sa Palawan na niya gustong manirahan.

Ngumiti lang si Katrina bilang pag-iwas na mag-comment nangmatanong siya sa isyung nabili na nito ang katabing lote sa Palawan din napag-aari ng kapwa niya StarStruck Avengers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, ayaw ko nang magsalita diyan!" sabi niya.

Isa raw sa mga rason ng walang kapagurang pagte-taping ni Katrinaay ayaw niyang tanggihan ang GMA-7 sa mga ibinibigay na projects sa kanya.

"Gusto ko lang pong linawin na wala akong anak na nasaospital o nanay na may sakit kaya ako subsob sa trabaho. Minsan lang kasingdumating yung ganitong opportunity sa akin na ibinigay ng GMA, hindi ko namanpong gustong tanggihan kasi baka naman magtampo sila," paliwanag niya.

May sabi-sabing gusto lang ni Katrina na tapatan angkasipagan ni Marian Rivera at pantayan angkasikatan nito, kaya gusto niyang maging laman ng telebisyon palagi.

"Naku,ayoko na po ng isyung ganyan! Okay po kami ni Marian, magkaibigan po kami.Lahat naman po gustong magtrabaho, magkaroon ng ganitong opportunity. Trabaho lang po talaga, wala nang iba," giit niya.

FIRST FEATURED ACTRESS IN OBRA. Apat na premyado at magagaling na direktor ang hahawak kayKatrina sa Obra, kung saan siya ang first featured star—sina Maryo J. de losReyes, Bibeth Orteza, Jun Lana, at Joel Lamangan. Sa parteng ito, naungusan naniya si Marian dahil siguradong mahahasa ang acting prowess ni Katrina sa mganasabing directors.

"Talaga pong nagpapasalamat ako sa GMA-7 sa pagbibigay nilang project na ito. Ito po ang gusto ko, yung makatrabaho yung mgahinahangaan kong mga direktor. Salamat din dahil ako yung napili nilapara mag-pilot," pahayag niya.

Apat na linggo lang magtatagal si Katrina saObra. Pagkatapos niya, si JC de Vera namanang hahalili sa kanya para pagbidahan ang panibagong apat na episodes.

Inaasahang matatapos ni Katrina ang natitira pangdalawang episodes next week dahil halos isang buwan siyang mawawala para saseries of concerts niya sa U.S., kasama si Jonalyn Viray, mula August 17 hanggang September.

Magsisimula na ring mag-shooting ng pelikula niya with Robin Padilla, ang Sundo, at ang taping ng Gagambino na pagtatambalan nila uli ni Dennis Trillo. Nakatakda ring gawin ni Katrina ngayong taon ang dalawa niyang pelikula sa OctoArts Films, ang One Night Only at Miss X.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN