Rhian Ramos endorses fashion brand despite negative issues about her

by Ruel J. Mendoza
Aug 9, 2008
"I am really, really happy because nagtiwala si Mr. Sabella sa sa akin even if there are really bad rumors about me. Sinabi naman nila sa akin na what's important is that I can represent the new look of Sabella," says Rhian Ramos.

Masayang-masaya ang young actress na si Rhian Ramos dahil siya ang napili ng fashion brand na Sabella to be their first image model.

Nag-celebrate ng 20th anniversary ang Sabella sa SMX Center sa SM Mall of Asia kahapon, August 8, with a fashion show kung saan ipinakita nila ang mga bagong designs ng naturang label. Hawak din ng Sabella ang mga labels na X Quisite, Occasions, Casual Elegance, Fashion Series and Fashion Icon, at The Big Shop.

Ayon sa president and CEO ng Sabella na si Ramon J. Sabella, for the first time ay kumuha na sila ng image model para i-represent ang bagong image na gustong ipakita ng Sabella sa publiko.

"For the past 20 years nga raw ay never kaming kumuha ng image model because tumagal naman kami ng two decades without a celebrity model na naka-attach sa product namin. Though sa dalawang brands namin, meron kaming mga naging image models. Like sa Evolution, we had Sunshine Dizon as our model for so many years and Ms. Hilda Koronel for X Quisite.

Continue reading below ↓

"Now, we are branching out for a wider market because Sabella has been a trusted brand of clothing for such a long time. We just want to include fashion for every type of woman," saad ni Mr. Sabella.

Dagdag pa ni Mr. Sabella, pinili nila si Rhian bilang image model dahil ang hanap nila ay fresh face na alam nilang madaling maka-identify ang mga kabataan ngayon. Bukod daw sa pagiging head- turner ni Rhian, popular pa ito because of her shows sa GMA-7.

"When I saw Rhian wear one of Sabella's creations when she competed in the Asian Supermodel Contest a few months back in China, she carried it very well and doon ako nakaisip na puwedeng maging representative si Rhian ng new Sabella. Though we were also considering other celebrities from another network, si Rhian ang nag-top sa survey na ginawa namin sa company and with our customers.'

Kahit na nga raw may mga negative issues si Rhian, hindi raw 'yon naging hadlang sa pagpili nila sa kanya.

Continue reading below ↓

"Even before we were getting Rhian, I knew na may mga negative issues sa kanya. Pero sino ba ang walang ganyang mga issues sa showbiz, di ba? Natural lang naman siguro ‘yon lalo na for someone like Rhian who is very popular nowadays. So it's really not an issue for us because we believe in Rhian's talent and her charm. She's the perfect image model for Sabella."

Sa backstage ay excited na si Rhian na rumampa sa runway ng Sabella. First time kasi raw niyang gagawin ito with many professional models. Nagpapasalamat ang young actress na siya ang napili to be Sabella's image model.

"I am really, really happy because nagtiwala si Mr. Sabella sa sa akin even if there are really bad rumors about me. Sinabi naman nila sa akin na what's important is that I can represent the new look of Sabella.

"This is my first time to endorse these kinds of clothes and magaganda ang mga designs nila. Very modern and very chic. Bagay sa edad ko and for other women who are very fashion-conscious. There's something for every woman in Sabella."

Continue reading below ↓

Tamang-tama raw ang pagdating ng pag-endorse niya ng Sabella dahil malapit na nga raw siyang mag-debut and for sure na Sabella ang isusuot niya sa kanyang 18th birthday celebration sa October.

"Tamang-tama lang nga at may gagawa na ng gown ko!" sabay tawa ni Rhian. "Hindi na ako mamumroblema because I have good people to make me look and feel good on my 18th birthday. They are planning it na nga at wala akong kaalam-alam pa sa mga gagawin nila. Whatever it is, I know na magugustuhan ko 'yon."

Isa nga sa ikinatuwa ni Rhian nang gabing ‘yon ay ang special people sa buhay niya na nanood sa kanya.

"My mom and my sister Nadine were in the audience. Si Mommy naman, ever since na pumasok ako sa showbiz ay very supportive na siya. Kahit na gusto niyang mag-aral na lang sana ako, she sees that I am enjoying myself and always giving the best in everything I do.

Continue reading below ↓

"My sister Nadine never accompanies me sa mga lakad ko sa showbiz. She's very shy kasi, pero she made me so happy kasi she came to this fashion show. It's her way of showing her support sa akin."

Isa sa pinaka-busy na young stars ng GMA-7 si Rhian. Bukod sa paglabas nito sa Codename: Asero, magsisimula na siya mag-shoot for the horror film Sundo with Robin Padilla at naghahanda na rin siya sa isa pa niyang show na La Lola. Sa September 17 naman ay showing na ang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films.
Read Next
Read More Stories About
Rhian Ramos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I am really, really happy because nagtiwala si Mr. Sabella sa sa akin even if there are really bad rumors about me. Sinabi naman nila sa akin na what's important is that I can represent the new look of Sabella," says Rhian Ramos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results