KC Concepcion wears necklace and bracelet from Richard Gutierrez at her mom's concert

Aug 9, 2008
These photos show the necklace and bracelet that Richard Gutierrez gave KC Concepcion during their shooting of For The First Time in Santorini, Greece. KC was a special guest at her mom Sharon Cuneta's anniversary concert at Araneta Coliseum last night, August 8.

Sa presscon ng For the First Time ng Star Cinema, ang first movie nina KC Concepcion at Richard Gutierrez, binanggit ng dalawa na they gave each other necklaces na kilala sa Santorini, Greece. Sa naturang isla sa Greece kinunan ang ilang mahahalagang eksena ng kanilang pelikula na idinirek ni Joyce Bernal.

May pendant na gawa sa lava ang kuwintas. Ito ang pasalubong na ibinigay kay KC ng mga kaibigan niya from Paris when her friends went to Greece.

Kaya naman nang pumunta sina Richard at KC sa Greece to shoot on location para sa kanilang movie na For The First Time, ibinili ni KC si Richard ng necklace para remembrance ng stay nila sa Santorini Island. Actually, nagpalitan sila ng regalo ni Richard dahil binilhan din siya ng binata ng kuwintas na exactly the same para terno sila. Bumili rin sila ng identical bracelets na may mga markings in Greek.

Continue reading below ↓

Suot ni KC ang bracelet at kuwintas na bigay ni Richard sa kanya when she performed at the Araneta Coliseum last night, August 8, sa Megathirty concert ng kanyang ina na si Sharon Cineta. Napansin ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang ipakita sa big screen ang image ni KC habang siya ay nagpe-perform.

Kita sa mga pictures na ito na kuha ni Girlie Rodis mula sa kanyang Multiply site ang bracelet at kuwintas.

Sa unang picture ay kitang-kita ang bracelet na kulay pink. ‘Tapos may isa pang bracelet na suot si KC. Sa isa namang larawan ay kitang-kita ang kuwintas na may palawit na tila bato. Ito ang lava necklace.

May isang picture pa rito na magkasama sina KC at Richard sa presscon ng For The First Time, kung saan kitang-kita ang suot naman na kuwintas ni Richard na bigay ni KC.

Hindi man kasama ni KC si Richard sa concert dahil may taping ito ng Codename: Asero, in spirit ay kasama naman niya ang leading niya sa For The First Time dahil suot niya ang bracelet at kuwintas na bigay nito habang lumilipad siya sa ere while singing "Imposible."
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
These photos show the necklace and bracelet that Richard Gutierrez gave KC Concepcion during their shooting of For The First Time in Santorini, Greece. KC was a special guest at her mom Sharon Cuneta's anniversary concert at Araneta Coliseum last night, August 8.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results