Ai-Ai delas Alas on Pokwang imitating her style: "The more, the merrier!"

Aug 9, 2008
"Alam n'yo sa showbiz, palaging kailangan may ganung intriga, nakasanayan ko na ‘yan. Kunwari may bagong pasok na komedyante, iko-compare nila sa akin ‘tapos gagawan kami ng intriga, sanay na ako sa ganyan," says Ai-Ai delas Alas (in photo) about comedienne Pokwang being compared to her.

Karaniwan nang senaryo sa showbiz na sa tuwing may bagong susulpot na artista at gagawa ng sarili niyang pangalan ay lagi itong maikukumpara sa kung sino na ang nauna at nakagawa ng sarili na niyang puwesto. Gaya na lamang ng kaso ni Ai-Ai delas Alas, ilang ulit na ring naikumpara ang Comedy Concert Queen sa ilang mga comedienne na bumubuo na rin ng sarili nilang lugar ngayon sa showbiz.

Pinagtatakhan nga lang kung bakit hindi mamatay-matay ang sinasabing away sa pagitan nina Ai-Ai at Pokwang. May bersiyon ng kuwento na ang malamig daw na pakikitungo ni Ai-Ai kay Pokwang ay nag-ugat sa panggagaya ng huli sa pananamit at kahit sa istilo ng pagpapatawa ng Concert Comedy Queen.

Nasulat din na nag-isnaban daw ang dalawa sa nakaraang 80th birthday special ni Dolphy sa Meralco Theater. Pero sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai, itinanggi nito ang gano'ng sabi-sabi at aniya'y wala namang gulo na namamagitan sa kanila ni Pokwang.

Continue reading below ↓

"Siguro hindi ko lang siya napansin kasi may kausap yata ako nun, busy lang ako. Alam n'yo sa showbiz, palaging kailangan may ganung intriga, nakasanayan ko na ‘yan. Kunwari may bagong pasok na komedyante, iko-compare nila sa akin ‘tapos gagawan kami ng intriga, sanay na ako sa ganyan," saad niya.

Para kay Ai-Ai, imitation is the highest form of flattery kaya hindi isyu sa kanya kung may katotohanan ngang ginagaya raw ni Pokwang ang kanyang pananamit at maging paraan ng pagpapatawa.

"Sabi ko nga, kunwari gayahin niya ako, ganun talaga, wala sa akin ‘yon. Para nga sa akin, the more, the merrier."

Gaya ni Pokwang, bukas rin si Ai-i na magkasama sila sa isang proyketo.

"Oo naman, why not, di ba? Modesty aside, nauna na naman ako dito. Kumbaga, senior ako sa kanila. Basta ako, work na lang tayo nang work."

NOT YET READY TO TALK TO KRIS. Naging isyu rin ang samaan ng loob nila ni Kris Aquino sa pagkakadawit ng pangalan ni Ai-Ai sa nakaraang paghihiwalay nina Kris at ng mister nitong si James Yap. May balak ba siyang kausapin si Kris?

Continue reading below ↓

"Huwag na lang," sagot ni Ai-Ai. "Hindi pa kami nag-uusap, huwag na lang siguro. Pagdating sa kanya, ayoko munang pag-usapan."

Bukod sa I Love Betty La Fea, kung saan gaganap si Ai-Ai bilang ina ni Bea Alonzo, isang comedy show rin ang gagawin niya with Judy Ann Santos. Sa kasalukyan din ay tinatapos ni Ai-Ai ang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat na entry ng Star Cinema sa 2008 Metro Manila Film Festival.

VOLTA IN EMMY AWARDS. Ikinagulat at sobrang ikinatuwa rin ni Ai-Ai ang pagkakasali ng Volta as regional semi-finalist as Best Comedy Show of 2008 sa International Emmy Awards.

"Noong una akala ko dyino-joke lang ako. Sabi ko, ‘Paano masasali sa Emmy ang Volta, e, Tagalog yun?' ‘Tapos kinongatulate ako ni Direk Malou [Santos, managing director of Star Cinema]. Tinanong ko siya kung paano nangyari ‘yon, sabi niya, kasi raw ipinadala nilang entry ‘yon sa Emmy.

"Sobra akong thankful, hindi ko alam na mayroon palang ganun. Sanay ako na dito lang sa Pilipinas, pero ‘pag lumabas na ng bansa, parang, 'Ha'? Sobra-sobra ang pasasalamat ko kay God, bumabalanse talaga ang buhay," pagtatapos ni Ai-Ai.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam n'yo sa showbiz, palaging kailangan may ganung intriga, nakasanayan ko na ‘yan. Kunwari may bagong pasok na komedyante, iko-compare nila sa akin ‘tapos gagawan kami ng intriga, sanay na ako sa ganyan," says Ai-Ai delas Alas (in photo) about comedienne Pokwang being compared to her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results