Pokwang tired of answering questions about rumored rift with Ai-Ai delas Alas

by Melba R. Llanera
Aug 10, 2008
"Ang nakakapikon lang, paulit-ulit mo namang sinasagot na at alam naman nila na wala naman talagang katotohanan, pero parang naniniwala pa rin ang marami. Dapat nga matuwa sila na may trabaho kami ni Ms. Ai-Ai kasi pareho kaming may binubuhay na mga anak, dagdag kita ito para sa mga mahal namin sa buhay," says Pokwang about insistent rumors about her rift with Ai-Ai delas Alas.

Noon pa man ay bali-balita na ang diumano'y tagong alitan sa pagitan ng mga komedyanang sina Ai-Ai delas Alas at Pokwang. Ilang beses mang itinanggi ng dalawang komedyana na may iringan na namamagitan sa kanila, hindi mamatay-matay ang isyu ito na nagbibigay tuloy ng matibay na paniniwala na may katotohanan talaga hinalang ito ng ilan.

Lalo pang pinatibay ang usap-usapang ito nang masulat ang pag-iisnaban daw nina Ai-Ai at Pokwang sa nakaraang 80th birthday special ng Comedy King sa Meralco Theater, na dinaluhan ng halos lahat ng artista ng ABS-CBN. Ayon sa lumabas na balita, mistulang yelo raw sa lamig at parang hindi nakikita ng dalawa ang isa't isa gayong ang liit-liit lang naman daw ng Meralco Theater.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Pokwang, nagpahayag siya ng totoong nangyari sabay linaw na walang isnabang nangyari sa kanila ni Ai-Ai gaya ng sinasabi ng iba.

Ani Pokwang, "Ilang daang beses ko nang sinagot ang isyu na ‘yan na hindi totoong hindi kami nagpansinan ni Ms. Ai. Lumapit ako sa kanya, siyempre magbibigay pugay ka kasi mas senior siya sa akin. E, nung time na yun, busy siya, may kausap siya.

Continue reading below ↓

"Ano ba naman ang gustong mangyari ng tao na ‘pag nagkita kami, super chika? E, di mas lalong gagawan ng issue na kaplastikan naman, di ba? ‘Pag nagkikita kami ni Ms. Ai, normal lang, hi-hello, bilang katrabaho, Kapamilya.

"Actually, ‘pag pinasok mo ang ganitong trabaho, dapat naka-ready ka na sa intriga. Ako naman, ni-ready ko na ang sarili ko sa ganito. Ang nakakapikon lang, paulit-ulit mo namang sinasagot na at alam naman nila na wala naman talagang katotohanan, pero parang naniniwala pa rin ang marami. Dapat nga matuwa sila na may trabaho kami ni Ms. Ai-Ai kasi pareho kaming may binubuhay na mga anak, dagdag kita ito para sa mga mahal namin sa buhay," saad ng komedyana.



May mga nagsasabi naman na baka ang ikinaiinis raw ni Ai-Ai ay ang panggagaya raw ni Pokwang sa mga istilo ng damit na isinusuot niya na malaki ang hawig sa mga isinusuot din ni Ai-Ai at kahit na raw ang paraan ng pagpapatawa nito. Aminado si Powang na hinahangaan niya ang kapwa comedienne, pero hindi niya ito ginagaya gaya ng iniisip ng iba.

Continue reading below ↓

"Iniisip lang nila ‘yon, wala namang nakalagay na batas na ‘pag nagamit na ni ganito ang ganyan, bawal mo nang suotin. As long as na hindi ka naman naghuhubad on air, hindi masama, di ba? Punahin na lang nila ‘pag naghubad na ako on air kasi hindi tama yun.

"Ibig sabihin nun, marami ang natuwa sa kanya, di ba? Pero hindi ko sinasabi na ginagaya ko siya, mayroon din naman akong sariling way ng pananamit. Kasi yung kay Ms. Ai, talagang comic; pero ako, dinadaan ko sa mga model-model," paliwanag niya.

Sinabi rin ni Pokwang na open siyang makipagtrabaho kay Ai-Ai sa isang proyekto.

"Oo naman, noon ko pa naman sinasabi na gusto ko talaga siyang makatrabaho. Kahit naman sinong makatrabaho ko basta legal, maganda ang kalalabasan at magiging masaya sa set, kahit on and off cam, go ako!" sambit niya.

Nang tanungin namin kung may mensahe ba siyang gustong iparating kay Ai-Ai at sa mga taong hindi tumitigil sa paggawa ng mga isyu para patuloy na pagsabungin silang dalawa, heto ang pahayag ni Pokwang:

Continue reading below ↓

"Pasensiya na po Ms. Ai, pasensiya na po kung may nakakarating sa inyong kung anu-anong mga isyu, alam n'yo naman po ang showbiz. Alam ko po na masaya kayo dahil may mga kagaya ko na nabibigyan ng chance na nakakatulong sa mga mahal namin sa buhay dahil nakakaroon ng trabaho. Alam ko po na isa na rin kayo sa dumaan sa pagiging ganito na kagaya ko, mararaming-maraming salamat po. Magiging inspirasyon po kayo sa kagaya kong baguhan.

"Dun naman sa mga nang-iintriga sa amin, gawa na lang po kayo ng kuwento para umikli ang pila sa bigas at bumaba ang langis. Magtawanan na lang kayo nang bonggang-bongga. Masarap magtrabaho ng masaya ang lahat, walang nagkakailangan," pagtatapos ni Pokwang.

Read Next
Read More Stories About
Pokwang, Ai-Ai delas Alas
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang nakakapikon lang, paulit-ulit mo namang sinasagot na at alam naman nila na wala naman talagang katotohanan, pero parang naniniwala pa rin ang marami. Dapat nga matuwa sila na may trabaho kami ni Ms. Ai-Ai kasi pareho kaming may binubuhay na mga anak, dagdag kita ito para sa mga mahal namin sa buhay," says Pokwang about insistent rumors about her rift with Ai-Ai delas Alas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results