Yasmien Kurdi: "Ang big deal naman ng paglaki ng boobs ko!"

Aug 9, 2008
"Dati, sabi niya magpalaki ako ng boobs. Nang magka-boobs ako, pinagdududahan. Si Nanay talaga!" laughed Yasmien Kurdi about her manager Lolit Solis's surprise over the sudden growth of her boobs.

Kaharap kami nang i-dare ni Yasmien Kurdi ang kapwa namin PEP (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Dinno Erece na hawakan ang boobs niyang "34 Cup B" para patunayang totoong boobs ito at hindi taba, gaya ng sinasabi ng manager ng young actress na si Lolit Solis.

"Uy naman! Hawakan n'yo pa! Akala niya [Manay Lolit] bata pa rin ako at hindi siya sanay makitang may boobs na ako. Akala niya 12 years old pa rin akong pantay na pantay ang boobs ko. Noong 17 o 18 years old na ako, nasa Bakekang ako, lumaki na siya.

"Sabi ni Nanay, siguro raw pinalalamas-lamas ko sa boyfriend ko ang boobs ko, kaya lumaki. Ano raw ang ginawa ko? Ang big deal naman ng paglaki ng boobs ko! Dati, sabi niya magpalaki ako ng boobs. Nang magka-boobs ako, pinagdududahan. Si Nanay talaga!" natatawang sabi ni Yasmien.

Kung hindi sa suot niyang plunging neckline sa presscon ng Loving You kahapon, August 8, sa Imperial Palace Suites,hindi pag-iinitan ni Lolit ang boobs ni Yasmien. Cleavage kung cleavage ang dating niya sa kanyang suot at pati nga ang co-star niyang si Ehra Madrigal, hindi makapaniwalang may boobs ang kanyang co-star.

Continue reading below ↓

Gugulatin nga ni Yasmien ang manonood ng Loving You ng Regal Entertainment at Studiomax na showing simula August 20, dahil may eksenang naka-two-piece siya at may three kissing scenes pa sila ng leading man na si JC de Vera. Ginawa raw niya ang nasabing mga eksena para sa ikagaganda ng pelikula at pangit naman kung nasa beach sila, ‘tapos balot na balot siya.

NO REGULAR TV SHOW. Walang bagong regular TV show si Yasmien sa GMA-7 after Babangon Ako't Dudurugin Kita. Dapat sana ay kasama siya sa cast ng Gagambino nina Dennis Trillo at Katrina Halili, pero mas pinili ang pag-aaral.

Happy na siyang pa-guest-guest muna sa mga show ng GMA-7 at hindi rin naman siya mababakante dahil naka-enrol siya ng International Studies sa New Era College at may planong lumipat sa University of the Philippines.

Akala ng iba ay kawalan ng kontrata sa GMA Artist Center ang rason ni Yasmien kung bakit wala siyang regular TV show ngayon. Pero sabi ni Yasmien, may three-year contract naman siya sa GMA Network at ginagabayan pa rin siya ng GMAAC.

Continue reading below ↓

AFTERNOON DRAMA PRINCESS. Kinuha rin ng PEP ang reaction ni Yasmien sa isyung naagaw na sa kanya ni Diana Zubiri ang pagiging "Afternoon Drama Princess" dahil ang Gaano Kadalas ang Minsan nina Diana, Camille Prats, at Marvin Agustin ang may pinakamataas na rating sa afternoon soaps ng GMA-7 with 27-percent plus. Ano ang masasabi niyang na-dethrone na raw siya?

"Hindi naman ako ang nagsabing ako ang Afternoon Drama Princess. Ibinigay sa akin ang title na ‘yon, ang press ang nagbigay. Hindi ako ang gumawa ng title para sa sarili ko. Ang dami nang ibinigay na title sa akin at lahat hindi galing sa akin. Okay lang sa akin kung sinuman ang Afternoon Drama Princess," saad ni Yasmien.

Si Don Cuaresma na taga-ABS-CBN ang director ng Loving You. Kumusta ang working relationship niya with the director, considering na Kapuso talent siya?

"Okey! Para maiba naman! Sobra siyang perfectionist na pati sa dubbing nagbantay rin siya. Ang dami kong natutunan sa kanya," pagtatapos ni Yasmien.
Read Next
Read More Stories About
Yasmien Kurdi
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Dati, sabi niya magpalaki ako ng boobs. Nang magka-boobs ako, pinagdududahan. Si Nanay talaga!" laughed Yasmien Kurdi about her manager Lolit Solis's surprise over the sudden growth of her boobs.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results