Rhian Ramos wants to feel like a "princess" on her debut

Aug 10, 2008
"Siyempre, feeling ko, gusto ko yung parang prinsesa. Lahat naman tayo, di ba, when we were young, gusto natin feeling prinsesa tayo, so ganoon din naman ako," says Rhian Ramos about her upcoming debut.

Bago ang mismong launching at anniversary ng Sabella, naging pahulaan pa kung sino nga ang kauna-unahang artista na magmomodelo for the said brand. Right after the fashion show last August 8, sa SMX Convention Center sa Mall of Asia lang ini-reveal na si Rhian Ramos as the their endorser.

"Sobrang excited ko po na nakasama po ako, hindi lang sa fashion show na ito, pero part na po ako ng Sabella family. At saka napaka-excited ko po dahil sa ginawa nila sa akin tonight. At naramdaman ko yung feeling ko tonight, alam ko na yun ang mararamdaman ko araw-araw na puwede kong masuot yung damit nila," very excited at masayang sabi ni Rhian.

"Woman" na ang naging introduction kay Rhian during the launching, na lalong naka-excite kay Rhian dahil sa darating na October 2 ay magde-debut na siya.

"I feel talagang babaeng-babae ako rito!" bulalas niya. "Parang ngayon, medyo may poise na. It's perfect timing. Para siyang hindi coincidence, parang nakaplano."

Continue reading below ↓

Speaking of her debut, may mga naka-set na ba siyang plano?

"Alam n'yo, noong una, ayoko talagang mag-party. Kasi hindi ako yung tipong nagpa-party, nagse-celebrate ng birthday. Kasi feeling ko, tumatanda ako. Pero para sa akin, it's not anymore I'm aging. Parang transformation na siya.

"Ang daming nangyayaring magaganda sa buhay ko at saka sabay-sabay pa. Parang birthday gift sa akin ni God. Parang ang dami niyang ibinigay sa akin. So ngayon, gusto ko lang talagang pasalamatan ang lahat ng taong tumulong sa akin, lalo na sa growing up ko at nang mag-showbiz na ako. Ang hirap na stage nun, e.

"Gusto ko lang talaga silang makita, lahat sila, all together in one place para makapag-thank you ako. I want to have a big, huge party!" masayang sabi ni Rhian,

May theme na ba siyang naiisip with regards to her debut party, motif, at iba pa?

"Well, gusto ko lang po, may standard ako na 18 roses, 18 candles. Gusto ko kumpleto. Nandoon ang mom ko, ang daddy ko, sister ko, ang family ko siyempre. At saka gusto kong mangyari... Basta, gusto ko lang makita lahat. At saka feeling ko kasi, kapag traditional na debut, parang signal na siya, na heto na, I'm a young lady na."

Continue reading below ↓

But when PEP (Philippine Entertainment Portal) pushed the question on details ng debut niya like the venue, participants, nakiusap si Rhian kung puwedeng surprise muna raw ang mga bagay na ‘yun.

"Gusto ko actually ma-surprise ang lahat, okey lang ba yun? Hindi ko puwedeng i-reveal. Ako yung mga sarili kong plano, meron ako. Kasi hindi naman ito celebration lang dahil birthday ko, kundi celebration ito na pang-thank you ko sa lahat. Actually, planado na pong lahat."

Although she adds, "Siyempre, feeling ko, gusto ko yung parang prinsesa. Lahat naman tayo, di ba, when we were young, gusto natin feeling prinsesa tayo, so ganoon di naman ako."

Sino naman ang magiging escort niya?

"Ay, I don't know! ‘Yan ang isang detail na hindi ko plinano. Kasi so far, medyo nahihiya pa ko sa mga guy friends ko. Like, ‘Uy, rose ka ha...' Although, may mga nilapitan na ako na, ‘'Isa ka sa 18 roses ko ha?' Pero sa escort, ayokong magsabi. Siguro, through invitation na lang."

Continue reading below ↓

Nahihiya raw siyang personal na mag-invite sa magiging escort niya.

"Para siyempre, hindi ako yung nakakahiya sa harap niya, ‘tapos nagre-red na [yung cheeks], di ba? You'll find out naman, ayoko lang kasing mag-reveal masyado. Gusto ko para sa lahat ang birthday ko."

Rhian is one of the busiest Kapuso stars. Napapanood siya regularly sa Codename: Asero, pero late this year ay posible na raw niyang masimulan ang first title role niya sa primetime series na La Lola. Bukod dito, kasama rin siya sa I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) at Sundo, both under GMA Films.

Read Next
Read More Stories About
Rhian Ramos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siyempre, feeling ko, gusto ko yung parang prinsesa. Lahat naman tayo, di ba, when we were young, gusto natin feeling prinsesa tayo, so ganoon din naman ako," says Rhian Ramos about her upcoming debut.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results