Ina Feleo talks about her first time to be directed by mom Laurice Guillen

IMAGE 0


First time niya akong idinirek, nakakanerbiyos. Hindi niya ako masyadongkinakausap. Basta kailangan ko lang pag-aralan ang script. At ang sinasabiniya, gawin ko na lang kung ano ang nasa script.Parang, naku, bahala na lang ako sa buhay ko! Alam ko na 'yan!" says Ina Feleo about being directed by her award-winning mom Laurice Guillen.



Nagniningning sa simpleng kagandahan ang aktres na si Ina Feleo, anak ng actress-director na si Laurice Guillen at ng aktor na si Johnny Delgado.Marami ang nakapansin sa kanya sa launch ng"Shake Mo, TV Mo" campaign ng TV5, kung saan kasama si Ina sa isa samga bagong show nito na Hush Hush.

Pero Kapamilya star din pala si Inadahil regular siyang napapanood siya sa afternoon soap ng ABS-CBN na Ligaw na Bulaklak. Kasama rin siya sa cast ng Judy Ann Santos-Derek Ramsay starrer na Humiling Ka Sa Langit.

"Hindi naman teleserye, pero may istoryangsusundan," sabi ni Ina nang tanungin ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) tungkol sa konsepto at format ng Hush Hush. "Tungkol sa showbiz,off-cam na buhay ng mga artista, direktor. Ang nag-produce bale ng show, angmommy ko. Once a week ang taping namin dito kaya maluwag sa schedule. Walangconflict sa Ligaw na Bulaklak."

Kasama sa Hush Hush si BernardPalanca bilang young director, at sina KristaRanillo at Valeen Montenegro ang mga kasama niyang actresses nastruggling for stardom. Kasama rin dito sina Joem Basconat Bruno Folster.

"Masaya ang taping at kumuha sila ng crew na karamihan,puro bagets," banggit ni Ina. "Mostly, indie filmmakers. Alam namann'yo na diyan ako nag-umpisa when I did Endo. Magaan yung trabaho.

"My mom [Laurice Guillen] directed one of the episodes. Happy talaga ako.First time niya akong idinirek, nakakanerbiyos. Hindi niya ako masyadongkinakausap. Basta kailangan ko lang pag-aralan ang script. At ang sinasabiniya, gawin ko na lang kung ano ang nasa script.Parang, naku, bahala na lang ako sa buhay ko! Alam ko na 'yan!" at natawaang aktres.

Dagdag niya, "Hindi na lang ako nagtatanong. Okey lang,kasi 'pag nagbibigay siya ng instructions, malinaw naman, e. Mahihirapan kanang magkamali, basta makinig ka lang. Nakukuha ko naman agad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

URIAN NOMINATION. Pagkatapos ng mahusay niyang performance sa Endo, mukhangnagku-concentrate na sa mainstream TV si Ina.

"Gusto ko sana isa pang movie, pero wala pangoffer," banggit ni Ina. "Nami-miss ko na rin, e. Happy nga ako, kasinominated ako sa Urian.

"Nag-check ako ng e-mails, nagulat ako. Noong isanggabi ko lang nalaman na may Urian nomination ako for Best Actress. Pina-forwardlang sa akin 'yon. Dati, pinapanood ko lang yung mga awards night nila, 'taposngayon, heto at nominated na ako.

"Nanonood ako niyan noong time na nominated sina mommyat daddy. Hindi ako makapaniwala, na sa unang big break ko sa movies,na-nominate agad ako," masayang sabi ni Ina.

Sa Breakthrough Performance category ng Golden Screen Awardsnaipuwesto si Ina dahil, technically, hindi na ang Endo ang masasabing veryfirst film niya. Inamin ni Ina na nakalabas na siya sa maliliit na parts sa Tanging Yaman, gayundin sa Birhen ng Manaoag.

"Ang sabi lang ng daddy [Johnny Delgado] ko sa akin, alagaan ko anghealth ko. Mahirap magkasakit. Pero yung tungkol sa ligaw-ligaw, wala namangnanliligaw sa akin. Feeling ko, takot sila sa dad ko!" tawa ni Ina.

Masaya na si Ina na nagkakaroon siya ng maraming friends saindustriya. At 22, wala siyang love life.

"Malungkot nga, e," pero natawa siya. "Maymga date-date na ganyan, 'tapos bigla na lang nawawala. Malaking bagay yung mgamagulang ko kasi kilala ng marami, istrikto rin kasi. Seryosong artists. Kayapara makilala sila, dapat talaga yung mga manliligaw sa akin, seryoso rin sapakay nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN