Boy Abunda saddened by alleged go-see scandal for his perfume brand

by Julie E. Bonifacio
Aug 10, 2008
"Ako, nalulungkot ako ngayon na naririnig ko ito ngayon. Buti na lang it's over, and nalulungkot ako because I don't know, wala akong ideya na... Ako, technically, I'm coming in as a talent, at siyempre pangalan ko ‘yan, e," says Boy Abunda about reports that some models were asked to strip during the go-see for a fashion show to launch his perfume brand.
Nasorpresa ang TV host na si Boy Abunda na merong pinaghubad na mga nag-audition na models para sa fashion show ng kanyang ini-endorse na perfume, ang Boy Abunda For All Sexes by Joel Cruz Signatures. Nakarating lang sa kanya na may ganyang isyu nang makausap namin siya kamakailan.

"I have nothing to do with the choices of models. Dumadating ako dun, nagso-show, umaalis. Kinonfront ko, sinabi ko sa staff nila," paliwanag ni Boy sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi raw alam ni Boy kung kailan naganap ang sinasabing go-see for models sa nasabing fashion show dahil hindi na raw niya sakop ‘yun.

"Nung napag-uusapan lang na there's a need for models, conscious ako na siguraduhin ninyong nasa edad, siguraduhin ninyong well-represented, na kung may mga managers, you talk to them well, yun lang ang paalala ko sa kanila. After that, wala na ako," saad ng co-host ng Boy & Kris at The Buzz.

Continue reading below ↓

Ano ang masasabi niya sa isyu na pinaghubad ang mga nag-audition na models?

"I called them, yung mga staff, yung in-charge talaga dun sa show. I wasn't able to talk to Joel about it, but I spoke to Mark, he's very good and I said na, ‘Mark, hindi ito maganda para sa akin, hindi maganda ito para kay Joel, hindi ito maganda para sa produkto.'

"Sabi ko, ‘Can you take a look at this? Kasi whether it has a basis or not, pagtuunan ninyo ng pansin.' Kasi I expressed na hindi ko ito gusto. Pinaghuhubad sa go-see. Kung sa Bench, naiintindihan mo kasi it's an underwear show," lahad ni Boy.

Ayon sa report na nakalap namin, ginamit si Kuya Boy para papuntahin ang talents at magdala ng picture nila kasi gusto raw niyang makita.

"Ang ano lang, ang nangyari, right after that go see, I had one meeting with them and they presented to me all the photos. Dun ako naglinya ng, ‘Can you make sure that they are of age? Can you make sure that they are well-represented?'

Continue reading below ↓


"Pero wala akong tinanggihan, wala akong tinanggal, wala akong nagustuhan, wala akong pinili. It's not within my territory. Wala sa teritoryo ko ‘yon. But actually, technically speaking, puwede naman. Pero sa dami ba naman ng ginagawa ko, magagawa ko pa ba ‘yon?

"Ang pinakialaman ko, right after the first show in SM Bacoor, I spoke to the staff, to the director. Sabi ko, i-improve ninyo yung modeling. Sabi ko, medyo hindi ko maunawaan ang... I know the director, si Dennis, and he's very open. Pero sabi ko, hindi ko alam kung saan papunta. Ibig kong sabihin, papunta dun yung isa, yung isa papunta dun. I'm very familiar with fashion shows, from local to Vivienne Westwood, I know what I'm talking about.


"Pero sabi ko, it's supposed to be the finale, ayusin. Naayos naman sa second at sa third. But the perfect one is the one in SM North EDSA, that's how it should have been. Pero sabi ko, I wanted more attitude, kasi it's a perfume, di ba? I wanted more attitude. And I wanted more daring. Yun ang diniscuss ko, yun lang.

Continue reading below ↓


"Kasi ang feeling ko, wala akong panahon for the show. Ngayon ko lang narinig yung mga nangyari. I am not one to judge, I am not one to judge. I'd like to see what was the intent, pero tapos na nga kasi, e.


"Kasi initially, ito naman ang background nun. Matagal na matagal na, nung pinag-uusapan namin yung perfume, kasi ang haba ng proseso niyan, e... Yung packaging, yung scent, kung paano ang letra, kung paano ang layout. Yun talaga, nakialam ako, kasi akin ‘yon, e.


"It's [the perfume] selling, bumebenta. It's really, really selling. At ito ngang sabi ko, ito tatanggapin ko, hindi ko talaga ini-expect na magwu-work ‘yon. Alam mo yun, nung kinausap ako ni Joel, parang ang feeling ko lang, subukan ko nga ito. Para at least, ‘pag matanda na ako, sasabihin ko, ‘Hoy, nagkaroon rin ako ng perfume.' Ganun lang intention ko, totoo. Hindi ito katulad ng ibang proyekto na paplanuhin ko ito at kailangang mag-click. Ito yung tipo ng proyekto na sige nga, i-try natin.

Continue reading below ↓


"Anyway, when we were talking about it, pero yung scent, involved ako dun, as in. Hindi naman ako expert, pero alam ko ang mabango. Amoy ako nang amoy at kung ano ang choice ko. In fairness, Joel would listen. At saka alam ko ‘yung packaging na gusto ko. Matagal pa rin bago ako nagdesisyon kung ano yung gusto ko. Mga ka-meeting ko, ‘Amuyin mo nga?' si Kris (Aquino)!


"In the beginning, I wanted the perfume to be sexy. Sabi ko, ang gusto ko sana... Noon pa ito, ha. Sabi ko gusto ko sana, katawan ng babae, ‘tapos katawan ng lalaki, 'tapos naiipit ako na may komedi ng konti. That was one of the concepts.

"Ikinukuwento ko ito sa inyo not because I want to legitimize how they do their go-see, but nanggaling kami dun. Akin kasi ‘yang for all sexes kasi that's my line. Hanggang napunta dun, maraming pinagdaanan yun. Initially, we wanted to launch the perfume in Rockwell tent, with a sosyalan party. Until I said, hindi ako kumportable, kasi masa ang market ko, I wanna launch in the mall na may fashion show, na may ano... Pero yun, napunta dun," mahaba niyang lahad.

Continue reading below ↓


Posible bang gagamitin yung go-see sa sexy concept?


"No, no...Tapos na yun, nakuwento ko lang sa inyo, noon pa yun. Hindi itutuloy ang sexy concept. Hindi, kasi ‘yan na ‘yang packaging, yung simple na lang na a box na may... ‘Tapos ang pictorial na naka-kabuki.

"Ako, nalulungkot ako ngayon na naririnig ko ito ngayon. Buti na lang it's over, and nalulungkot ako because I don't know, wala akong ideya na... Ako, technically, I'm coming in as a talent, at siyempre pangalan ko ‘yan, e.


"Ako, kakausapin ko sila, pagsasabihan ko sila after this conversation. Ako naman, as a human being, as a person, meron akong pakialam. Kasi even in the shows, I don't even see the models, until they are on stage. After the show, I don't see them kasi, di ba, iba sila ng dressing room? I host the show, I intro, I watch the show, and then tapos na.

Continue reading below ↓

"I was informed that there's gonna be an audition, for the modeling part, but I don't know how it's done. Hindi ko alam. Hindi bahagi ng trabaho ko, not because wala akong pakialam. It's not within my territory, in other words.'


"Alam mo yun, nobody would be abusive if there's no one who's willing to be abused. Hindi ko sinasabing tama ang ginagawa ng mga nang-aabuso, ano? Generally speaking, di ba?


"Minsan naawa naman ako sa mga bakla na ‘pag sinabing bakla, meron na agad pumapasok na koneksiyon na hindi puwedeng mahalin, hindi puwedeng igalang, kasi pera lang ang hanap. But that's entirely a different debate.


"Mas lalong napapasama nga dahil meron tayong mga kapatid din na ang main concern ay mang-abuso. Ang libog may lugar. Kung gusto mong manghala, may lugar. Buhay nila ‘yon, huwag tayong maglinis-linisan. Kung gusto mong magmahal, may lugar.

"Lahat dapat nasa lugar and that message goes for all—lalaki, bakla, babae, tomboy. At saka kung propesyonal ang trabaho, i-propesyonal mo," pagtatapos ni Boy.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Boy Abunda, Joel Cruz
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako, nalulungkot ako ngayon na naririnig ko ito ngayon. Buti na lang it's over, and nalulungkot ako because I don't know, wala akong ideya na... Ako, technically, I'm coming in as a talent, at siyempre pangalan ko ‘yan, e," says Boy Abunda about reports that some models were asked to strip during the go-see for a fashion show to launch his perfume brand.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results