Bianca Gonzalez talks about chance meeting with KC Concepcion

by Julie E. Bonifacio
Aug 10, 2008

Kinumpirma ni Bianca Gonzalez ang paghaharap nilang muli ni KC Concepcion nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng showbiz-oriented talk show nila nina Luis Manzano, Mariel Rodriguez, at Toni Gonzaga na Entertainment Live! kahapon, August 9. Sina Bianca at KC ay parehong naugnay sa young director na si Lino Cayetano.

Aksidente raw silang nagkita ni KC habang kumakain si Bianca kasama sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa isang restaurant.

"I was happy," sambit ni Bianca. "I was relieved na parang finally... I even told her this na parang I don't know why, pero dati parang may slight.. parang kaba ako for the day na makita ko siya kasi hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon. But I'm finally relieved and happy now we've finally meet. ‘Tapos in the midst of friends, di ba, like I said, like si Ryan.

"She [KC] was really saying hi to Juday. They're so close ni Juday. Para silang magkapatid. Then, they joined us in our table."

Continue reading below ↓

Regular ba ang pagpapadala nila ng text messages ngayon?

"Oh, no," sagot ni Bianca. "Not recently. But the day after we've met each other, I mentioned before we texted each other. That's nice of her."

Paano nila nakuha ang number ng isa't isa? Ibinigay ba ni KC ang number niya sa kanya?

"No, actually, I asked for her number from Ryan and she asked for my number from Juday."

Sino ang nauna?

"I wouldn't know when she asked for my number. But then, we texted each other the next day."

Parang naghe-hello lang?

"Oo, hello, kumusta. And yun nga, we repeated lang na, ‘Hay naku, mabuti na lang we've finally met each other na.' Ang galing!"

Sa ngayon, hindi na sila nagte-text sa isa't isa?

"We haven't seen each other lately naman here sa set, and she's very busy, I know. So, parang hindi pa naman kami nagkakasalubong again after that time."

Continue reading below ↓

Pupunta ba siya kapag inimbita siya ni KC na pumunta sa premiere night ng first movie niya na For The First Time with Richard Gutierrez?

"Wow! If I have no work and I'm free, for sure I'll watch the movie. Or even if I don't get to watch the premiere night, I'll make it sure na I got to watch For The First Time."

Ano ang naramdaman niya ngayon sa pagbabati nila ni KC?

"Sobrang relief talaga!" bulalas ni Bianca. "Actually, for me ha, parang never naman nagkaroon ng gap kasi hindi talaga kami magkakilala. So ever since that time na people thought na may something, may iringan, parang I'd always say na, ‘No, we've never met.' And siyempre if we never met, wala ka sa lugar na mag-judge ng tao dahil hindi kayo magkakilala.

"And then when we made kuwento nga kay Mariel, Luis, kay Toni na finally I'm really happy, we were so both relieved and she's really, really nice to me. Sobra! ‘Tsaka ang bait nung sinabi niya na when the press asked her kung papayag siya na iinterbyuhin ko siya, sabi niya, ‘Of course,' ganyan. That's an honor for me if ever to do that. So happy, happy talaga."

Continue reading below ↓

Ano ang first words na sinabi nila sa isa't isa after finally nag-eye-to-eye sila?

"She actually introduced herself to me. Sabi niya, ‘Hi, I'm KC.' Sabi ko, ‘Of course, I know!' And then yun, nag-rest lang kami. And then, yeah, we just talk."

Gaano katagal silang nag-usap?

"Nagba-bye na lahat everyone in the table. Lahat kami sabay-sabay umalis."

Ilang oras tumagal ‘yon?

"I'm not so sure."

Pero matagal?


"Yeah, it's pretty long."

Nakarating na ba kay Direk Lino ang paghaharap nila ni KC?

"Oo, ano, I made it kuwento to him right after we've met. I know I texted him about it na, ‘O nag-meet kami ni KC,' like that. Yun lang. Just to inform him. Para alam niya."

Ano ang sabi ni Direk?

"Nagulat, pero siyempre happy din."


Kailan babalik ng Pilipinas si Direk Lino?


"I don't know. But I think he's okey there, sa States. He's studying there, related to directing," pagbabalita ni Bianca.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results