Katrina Halili says Joross Gamboa has got the edge over Marvin Agustin

IMAGE 0


"E, siyempre po, si Joross. Kasi mas palagi kongkasama...palagi kong ka-text, pero, friends lang po talaga, " says Katrina Haliliwhen asked who between Joross Gamboa and Marvin Agustin has a better chance to date her.



Magandang avenue para sa mga Kapuso stars ang bagong dramashow ng network na mapapanood every Thursday night, ang Obra na ididirekng mga premyadong direktor kada episode. Sa mga ganitong show kasi nahahasa angmga artista, especially ang mga baguhan pa lamang sa larangan ng pag-arte.

OVERLAPPING. Napakasuwerte nga ni Katrina na sakabila ng kasalukuyang show niyang Magdusa Ka, at mag-o-overlap naang mga huling taping nito sa bago naman niyang fantaserye, ang Gagambino,hayan at siya pa rin ang napili ng GMA-7 para maging featured star sa pilotmonth ng Obra.

Katrina will be directed by four directors in her fourepisodes, sina Joel Lamangan, Maryo J. delos Reyes, Bibeth Orteza, at JunLana. Kaya naman ganoon na lang ang pasasalamat ni Katrina sa pagtitiwala sakanya ng Kapuso Network.

"Yun nga po, kagaya ng palagi kong sinasabi, sobrangnagpapasalamat po ako sa GMA dahil sa tiwalang ibinibigay nila sa akin. Atsaka, di po ba, noong nagsimula na ang Marimar, palagi ko pongsinasabi, ayoko na munang tumanggap ng kontrabida role, gusto ko namang gumawang iba, kahit pa po comedy.

"Hindi ko naman po akalain na papakinggan pala nila ako atibibigay nila sa akin yung gusto ko nang mabilis," natutuwang sabi pa ni Kat nangmakausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dalawa pa nga lang daw ang naite-tape niyang episodes atmagsisimula nang ipalabas ang Obra sa August 14, Thursday. Pero parehoraw mahirap ang dalawang nauna niyang ginawa at expected na raw niyang mahirapdin ang dalawa pang gagawin niya.

"Yung taong Grasa po at Misteryosa pa lang poang nagagawa ko. Pare-pareho lang pong mahirap; yung comedy at saka sexy, hindiko pa po nagagawa pero tingin ko nga po, mahirap din. Kahit comedy, mahirappo."

THE BUSIEST. Busiest star na yata siya ng Kapuso.Bukod kasi sa mga TV shows niya, per Robin Padilla's request ay nakasama narin siya sa cast ng Sundo ng GMA Films. Nandiyan pa ang sisimulan naniyang dalawang movies under OctoArts Films, ang One Night Only at angremake ng 1981 movie ni Vilma Santos na Miss X na kukunan pa saAmsterdam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May panahon pa ba siya para sa sarili?

"Wala nang panahon para sa sarili, pero, masaya naman poako. Nag-e-enjoy naman po ako sa trabaho ko. Actually, itong trabahong ito,parang hindi trabaho sa akin, para lang akong naglalaro sa set.

"Ang talagang pinakabayad lang sa akin, ang pagpupuyat. Kungnagpuyat ako sa Magdusa Ka, then, diretso ako ng Obra, puyatan nanaman. Kailangan kahit napipikit ko na ang mata ko. Pero sabi ko nga po, yungtrabaho ko kasi, masaya, para lang talagang naglalaro."

Kung ganyang wala siyang time sa sarili, e, di mas lalo pasa love life niya?

"Wala naman po talaga kong love life, pero, okey lang, enjoynaman po, ganoon naman pong talaga."

MARVIN AND JOROSS. Magkaganunman, dalawang aktor angnali-link sa kanya ngayon. Isang taga-Kapuso at isang taga-Kapamilya. SinaMarvin Agustin at Joross Gamboa.

"Pareho ko lang po silang kaibigan. Si Marvin po, nagkasamakami sa Virginia, pero bago pa kami magpunta ng Virginia, nagkaka-text-an na pokami. Nakadalaw na rin po siya sa bahay, mga tatlong beses na rin."

Pero hindi pa raw sila nagkakaroon ng chance na lumabas.

"Busy po ako, palaging walang time," natatawa niyang sabi.

When asked if galante ba si Marvin sa mga dinadala sa kanyakapag dumadalaw sa bahay nila?

"Wala, Ha-ha-ha! E, kasi kapag nagpupunta naman siya ro'n,minsan nagda-drop by lang naman siya."

Kumpara kay Marvin, with Joross daw ay nakakalabas na silangdalawa at nakakapag-date.

"Group date naman po, marami naman kami kapag lumalabas,"may pagka-defensive pa niyang sabi.

"BARBIE DOLL." Natawa si Katrina nang tanungin siyang PEP kung bakit sa palagay niya, "Barbie Doll" ang description sa kanya niJoross.

"E, ganoon naman talaga ang description sa akin ng mga taokapag nakikilala na nila ‘ko, ‘Barbie Doll'! Ha-ha-ha!"

Mutual naman daw ang feeling nila ni Joross na pareho silang caring sa isa't isa, pero, aniya, magkaibigan lang daw talaga sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po siya nanliligaw, walang ligawan, magkaibigan langtalaga. Nagki-care siya sa akin, ako rin, kumbaga, masarap naman yung feelingna alam mo na may nagki-care sa ‘yo. Mabait naman po kasi si Joross at sakamakulit."

Sa dalawa nina Joross at Marvin, aminado si Kat na maslamang si Joross. In fact, nagkaroon na rin daw ng chance namaipakilala sa kanya ng aktor ang pamilya nito isang beses na lumabas sila.

"E, siyempre po, si Joross," tukoy ni Kat sa usapin kungsino ang mas lamang between Joross and Marvin. "Kasi mas palagi kongkasama...palagi kong ka-text, pero, friends lang po talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN