Ronnie Liang hurt by talk he's merely using Sarah Geronimo for publicity

Aug 11, 2008
"Although sinabi kong crush ko si Sarah, yung iba, galing sa ibang kampo, nami-misinterpret nila at sinasabing ginagamit ko lang daw yung tao. Nalungkot ako kasi, ‘di ba, ‘pag sinabi mong love, ‘di dapat isipin ng tao yung ginagamit? Basta ako, nag-iingat lang ako kasi nakarating sa akin yun," says aggrieved Ronnie Liang.

Continue reading below ↓

Nang aminin ni Mark Bautista na siya ang tinutukoy ni Sarah Geronimo na nanligaw sa dito pero sinabihan siyang huminto na lang, lumabas din noong una ang pangalan ni Ronnie Liang.

Sa deskripsyon ni Sarah na isa itong singer na kasamahan niya sa ASAP, inisip ng karamihan na maaaring ito ay si Ronnie, lalo't naging open naman siyang crush niya talaga si Sarah noon pa.

CAUTIOUS RONNIE. But in a PEP (Philippine Entertainment Portal) interview with Ronnie, iwas magbigay ng pahayag ang singer pagdating sa special feelings niya kay Sarah at nang tanungin namin kung bakit, lubha palang nakasakit sa loob ni Ronnie ang bintang sa kanyang "manggagamit" daw siya, o ginagamit lang daw niya ang Pinoy Pop Princess para mapag-usapan siya.

"Although sinabi kong crush ko si Sarah, yung iba, galing sa ibang kampo, nami-misinterpret nila at sinasabing ginagamit ko lang daw yung tao. Nalungkot ako kasi, di ba, ‘pag sinabi mong love, di dapat isipin ng tao yung ginagamit? Basta ako, nag-iingat lang ako kasi nakarating sa akin yun."

Continue reading below ↓

Sa puntong ito na nabibigyan na pala ng masamang kulay ang special feelings niya para kay Sarah, nangangahulugan kaya ito na isusuko na niya kung anuman ang nararamdaman niya para sa singer-actress?

"Hindi naman sa sumusuko, but gaya ng sinabi ko, nag-iingat lang. Dahil nga nami-misinterpret ng iba."

Inamin ni Mark na nagkaroon daw sila ng ilangan ni Sarah nang aminin niya ang nararamdaman niya para dito. Sa parte ni Ronnie ay hindi naman daw niya ito naranasan kay Sarah.

"Hindi niya ako iniiwasan. ‘Pag nagkikita kami sa ASAP every Sunday, she's very accommodating, that's why nakakatuwa talaga siya. She's a superstar pero hindi pa rin siya nagbabago.

"One time nga sinabi niya sa akin na masayang-masaya siya na ginamit sa movie nila [A Very Special Love] yung song kong "Ngiti." Flattered ako kasi siya mismo yung nagkuwento sa akin."

NOT COMPETING WITH MARK. Sa malaking tagumpay ng A Very Special Love, personal palang binati ni Ronnie si Sarah.

Continue reading below ↓

"Nag-congratulate ako sa kanya. Personal kong sinabi sa kanya sa birthday special ni Tito Dolphy. Sabi ko sa kanya, I'm very proud of her.

Magkakapatid na halos ang turingan nila (Ronnie, Mark, Sarah) sa ASAP at sa grupo nilang Champions. Siniguro naman sa amin ni Ronnie na hindi ito magiging isyu sa kanila ni Mark, at para kay Ronnie ay hindi nga akma na sabihin ang mga salitang, "May the best man win," sa kanila ni Mark.

"Ayokong sabihin yun, kasi hindi naman ako nakikipagkumpitensiya. Sinasabi ko lang na crush ko si Sarah, ayokong magbigyan ng ibang kulay doon.

"Saka masasabi kong okey naman kami ni Mark, magkasama kami sa birthday special ni Tito Dolphy and wala naman akong napansin na kakaiba sa kanya."

DREAM COME TRUE. Kasama si Ronnie sa I Love Betty La Fea kung saan gagampanan niya ang papel bilang Enrique. Ayon kay Ronnie, isang pangarap itong nabigyan ng katuparan dahil noon pa man ay gusto na talaga niyang makatrabaho si Bea Alonzo.

Continue reading below ↓

"Ako si Enrique sa Betty La Fea, her manager. Mababait lahat ng kasama ko dito, nai-intimidate nga ako nung una kay Ms. Ruffa [Gutierrez] pero mabait pala siya, binigyan pa nga niya ako ng magazine nung nagkita kami sa dressing room.

"Isa sa dream ko na makatrabaho si Ms. Bea. Nung nasa PDA pa ako, sinasabi ko na isa sa dream ko ay makasama sa isang project si Ms. Bea and natupad na yun."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Although sinabi kong crush ko si Sarah, yung iba, galing sa ibang kampo, nami-misinterpret nila at sinasabing ginagamit ko lang daw yung tao. Nalungkot ako kasi, ‘di ba, ‘pag sinabi mong love, ‘di dapat isipin ng tao yung ginagamit? Basta ako, nag-iingat lang ako kasi nakarating sa akin yun," says aggrieved Ronnie Liang.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results