Yasmien Kurdi admits "mutual understanding" with Jake Cuenca and JC de Vera

Aug 22, 2008
"Pareho silang memorable. Magkaiba lang talaga sila. I can't compare. Puwede bang dalawa na lang ang puso ko?" says Yasmien Kurdi about JC de Vera (inset, top) and Jake Cuenca (inset, bottom), both of whom she admits had past "M.U." with her.

Napaiyak na lang si Yasmien Kurdi nang tila makorner ng ilang press people sa isyu ng pag-give up niya sa partisipasyon niya sa Gagambino na ang idinadahilan niya ay ang pagbabalik diumano niya sa pag-aaral. Nabanggit ni Yas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na tatapat diumano sa sagarang tapings—para sa bagong teleserye ng GMA-7 na magtatampok kay Dennis Trillo sa title role—ang review classes niya, kaya napilitan siyang palampasin ang opportunity.

THE "REAL" REASON. Misteryo ang dating sa amin ng pag-iyak na may halong biglang tawa ni Yas, at napag-alaman na lang namin sa isang very reliable source ang tunay na dahilan ng pagtanggi ng kampo niya sa Gagambino.

Sabi ng aming source, "Gumawa-gawa na lang siya ng dahilan, kasi, kasama talaga siya sa teleserye, but not as Dennis' leading lady. Ang talagang leading lady ni Dennis doon ay si Katrina Halili, at ang role na ibinibigay kay Yasmien ay bilang best friend ni Katrina. Isang bagay na hindi basta matatanggap ni Yasmien kaya nag-back out siya sa project at idinahilan na lang ang pag-aaral kuno niya."

Continue reading below ↓

Ang sabi naman ni Yasmien, "Nakalimutan ko kasi ang mga napag-aralan ko noong nasa Angelicum ako. Naka-graduate ako ng high school, at medyo natagalan bago ko haharapin ngayon ang college. Mag-e-enrol ako sa New Era University sa pasukan, and I'm taking up review classes.

"Yun talaga ang dahilan, kasi, sobrang nabobobo na ako sa arti-artista, alam mo yun? E, sabi ng parents ko, kailangang harapin ko ang college para magkaroon ako ng degree. I am planning to enter college this October."

YASMIEN VS. KATRINA? Kaya marami sa mga reporter ang hindi basta makagat ang mga sinabing ito ni Yas sa press conference ng Loving You na ginanap kamakailan sa Penthouse ng Century Imperial Palace.

Ngayon ay si Katrina na ang nangangarag dahil hindi pa man natatapos ang taping ng Magdusa Ka para sa mga huling araw ng telecast nito sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7, heto at bidang-bida ang role niya sa Gagambino.

Continue reading below ↓

"Naku, ewan... subukan kaya niyang mangarag gaya sa pagkangarag ko nang gawin ko nang sabay ang Tasya Fantasya at Babangon Ako't Dudurugin Kita!" ani Yas.

Sa sinabing ito ni Yas, mukhang nangangamoy-intriga sa kanila ni Katrina.

"Please lang, walang intriga sa amin ni Katrina. Parang 'yan yung nangyari kina Cristine Reyes at Katrina na pinag-aaway sa publicity pero wala naman talaga. Parang ganoon din ang nangyayari sa amin ngayon, kaya, please lang, tigilan na 'yan," pakiusap na lang ni Yasmien.

JAKE AND JC. Yaman din lang na ayaw patulan ni Yas ang isyu sa kanila ni Katrina, nabaling ang usapan sa pag-amin niyang nagkaroon sila ng MU (mutual understanding) ni Jake Cuenca, during that time na nasa Kapuso Network pa si Jake.

"Gustung-gusto nga ng mommy ko ang ugali niya," sabi pa ni Yasmien. "Mabait si Jake, kaya nga nagtataka ako kung bakit may mga nagsasabing maangas siya at mayabang. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya."

Continue reading below ↓

Natutuwa lang si Yas sa ugali ni Jake na nami-misinterpret ng karamihan.

"May kakaibang character si Jake. Pero, kung isisingit mo yung babalikan ko siya, naku, huwag na! Past na yun. Wala akong babalikan sa past. Tama na yun!" diin pa ni Yas sa pangungulit namin.

May isyu naman sa kanila ni JC de Vera na siyang ka-love team niya sa itatanghal na Loving You, na almost na naging sila, pero mayroon daw kasing na-discover ang young actress dito. Ano kaya yun?

"Anong isyu 'yan?" napakunot-noo si Yas. "Nagkaroon ng something sa amin na, MU rin, e. Pero, hindi talaga naging kami. Naging busy kami. May schedules na hindi kami nagkikita. Medyo nahiwalay, pero okey kami ni JC, at bilang magkatrabaho, masaya kami palagi."

Sino kina JC at Jake ang mas masarap magmahal?

"Nakalimutan ko na," sabay-tawa ni Yasmien. "Wala lang, masaya na rin kasi ako na ganito lang.

"Pareho silang memorable. Magkaiba lang talaga sila. I can't compare. Puwede bang dalawa na lang ang puso ko?" sabi na lang ni Yasmien.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pareho silang memorable. Magkaiba lang talaga sila. I can't compare. Puwede bang dalawa na lang ang puso ko?" says Yasmien Kurdi about JC de Vera (inset, top) and Jake Cuenca (inset, bottom), both of whom she admits had past "M.U." with her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results