Jomari Yllana wants local TV to be balanced sans any network war

by Bong Godinez
Aug 11, 2008
With TV5 flexing its muscles to challenge ABS-CBN and GMA-7, actor Jomari Yllana hopes that the rivalry between the two networks will finally be broken in terms of viewership and program offering. “It’s really time for a third player,” Jom told PEP (Philippine Entertainment Portal) in an interview last week celebrating the launch of TV5.

Natutuwa ang aktor na si Jomari Yllana na mapabilang sa roster of talents na tinapik ng bagong bihis na ABC-5 para sa kanilang new line-up of shows. Noon ngang nakaraang Sabado, August 9, ay pormal nang ipinakilala sa publiko ang TV5 sa pamamagitan ng isang two-hour television special na dinaluhan ng mga celebrities na galing sa magkabilang bigating networks.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jomari last Thursday evening, August 7, sa press launch ng TV5 na ginanap sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan. Sa aming panayam ay sinabi ng aktor na sobra siyang excited na magtrabaho para sa isa pang network bukod siyempre sa ABS-CBN at GMA-7.

Si Jomari, kasama si Chesca Litton, ang hosts ng first-of-its-kind reality show, Philippines' Scariest Challenge, na mapapanood every Friday at 6 p.m.

"I'm very happy and optimistic din kasi we really see a promising network na bago," bungad ni Jom matapos ang event.

Continue reading below ↓

THERE'S ROOM FOR MORE. Katulad ng marami nating artista, aminado si Jomari na isa siya sa mga umaasa na mabasag na ang long-standing rivalry sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7. Mas magiging healthy raw sana para sa industriya kung maibabalik ang dating practice na malayang nakakatawid ang mga talents sa iba't ibang istasyon para magtrabaho.

Sa muling pagsabak ng TV5 sa network contest ay nabuhay rin ang pag-asa ng marami na finally ay magkakaroon na ng alternatibo ang mga manonood. At dahil nga neutral kung ituturing ang nasabing istasyon kumpara sa Dos at Siyete, malaki raw ang maitutulong nito para sa mga artista kung trabaho lang din ang pag-uusapan.

"It's really time for a third player," seryosong sambit ni Jom. "'Tapos ang ganda din ng approach nila [TV5], alternative. Actually, two years, three years, five years ago, meron akong realization na parang kailan kaya babalik ‘yong balanced programming? Ngayon kasi, it's only Channel 2, Channel 7. Kung ano ‘yong ginawa nung isa, tatapatan nung isa, so alternative ‘yong approach ng TV5. They're gonna offer shows na wala ‘yong dalawa, so happy ako and very excited."

Continue reading below ↓

Dahil nga kakatapos lang ng Palos sa ABS-CBN, umaasa si Jomari na sana ay mabigyan ulit siya ng bagong proyekto. Walang exclusive contract si Jom sa anumang network kaya kumpara sa ibang artista ay malaya itong magtrabaho kahit saan.

"Per project lang ako, per show. I can do shows for anyone," ngiti ni Jom.

Nabanggit din ng kasintahan ni Pops Fernandez na may natanggap siyang offer to star in an independent movie, bagamat wala pa daw linaw ito. "We'll see," ngiti ni Jom bilang pangwakas.

Read Next
Read More Stories About
TV5
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
With TV5 flexing its muscles to challenge ABS-CBN and GMA-7, actor Jomari Yllana hopes that the rivalry between the two networks will finally be broken in terms of viewership and program offering. “It’s really time for a third player,” Jom told PEP (Philippine Entertainment Portal) in an interview last week celebrating the launch of TV5.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results